Sam Milby refuses to discuss details about "tampuhan" with Anne Curtis

Sam Milby says he and Anne Curtis are just friends, but is it okay with him if the Dyosa lead star would entertain suitors? He replies: "Siyempre, hindi okey para sa akin. Pero walaakong karapatan na sabihan siya na huwag siyang tumanggap ng manliligaw kasihindi naman kami. But I still believe that if you're really meant for eachother, yun ang mangyayari."



Tuwing tinatanong sina Anne Curtis at Sam Milby kung ano angestado ng kanilang relasyon, laging "special friends" lang sila ang sagot nila.Kahit maraming nagsasabi at nagpapatunay na talagang may relasyon na sila ay panay pa rin ang pag-deny nila.

Pero kamakailan ay napabalita na nagkaroon ng matinding tampuhan sina Anneat Sam, at labis daw nasaktan ang young actress. Sabi tuloy ngmarami, kung magkaibigan lang sila, how come dinamdam daw nang husto ni Anneang away nila ni Sam?

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam kahapon, September7, after ng ASAP '08. Ayaw nang magbigaypa ng anumang pahayag si Sam tungkol sa naging tampuhan nila ni Anne.

"Sinagot na ni Anne kung ano yung pinag-awayan namin, so yun na yun," iwas niSam. Subalit maging si Anne ay hindi idinetalye kung ano talaga angpinag-awayan nila ni Sam. Basta ang sinabi lang ng dalaga ay magkaayos na silani Sam.

How true na isa si Jericho Rosales sa dahilan ng awayan nila ni Anne? Pinagseselosan daw kasi ni Sam si Jericho, na katambal ng dalaga sapelikulang Baler ng Viva Films.

"Hindi ko pinagseselosan si Echo," diin ni Sam. "Friends lang naman talaga kamini Anne, wala kaming commitment. Laging nangyayari yun. If there's movie comingup, laging may intriga. Promotion din kasi yun. Pero trabaho lang naman yung sakanila."

Dagdag niya, "Napanood ko naman yung movie ni Anne with Aga Muhlach [When LoveBegins], maraming kissing scenes doon. Pero okey lang, trabaho yun, e."

Masasabi ba niya na more than friends ang relasyon nila ni Anne?

"Siyempre kung more than friends, siguro kayo na. Pero ano, parang yungimportante... Alam naman niya kung ano yung feelings ko para sa kanya," ang maingat na sagot niSam.

Kung sinasabi niya na magkaibigan lang sila ni Anne at walang commitment, hindiba siya masasaktan kung may manliligaw na iba kay Anne? Okey lang ba sakanya na tumanggap ng manliligaw si Anne?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung okey sa akin? Siyempre, hindi okey para sa akin," sagot niya. "Pero walaakong karapatan na sabihan siya na huwag siyang tumanggap ng manliligaw kasihindi naman kami. But I still believe that if you're really meant for eachother, yun ang mangyayari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN