Katrina Halili clueless about Mother Lily's plan to sue her for contract violation

"Pasensiya na dahil hindi ko maintindihan ang puno't dulo ngistoryang 'yan dahil ang sabi ng lawyer namin, mukhang naayos na ang tungkol sabagay na 'yan. Nakausap na ng lawyer namin si Mother Lily..." says Katrina Halili about Mother Lily Monteverde's plan to sue her for contract violation.



Sa ginanap na press conference para sa pelikulang Mag-ingatsa... Kulam ng Regal Entertainment sa Penthouse ng Imperial Palace Suites lastSaturday, September 6, naitanong ng entertainment press kay Mother LilyMonteverde ang isyu tungkol kay Katrina Halili.

May lumabas kasing report naidedemanda raw ng Regal matriarch si Katrina dahil sa paglabag nito sakontratang pinirmahan para sa Regal. Hindi pa man daw ito natatapos ay nagsara na ng deal angkampo ni Katrina sa OctoArts Films.

Nasabi nga ni Mother Lily na hinihintay pa rin niya anglawyer ni Katrina na makipag-usap sa kanila para ayusin ang problemang ito.

Agad namang kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang side niKatrina, na mukhang pupungas-pungas pa sa kabilang linya ng telepono dahil ngayon pa lang siya bumabawi ng tulog. Kagagaling lang kasi ng young sexy actress saU.S., kung saan nagkaroon siya ng mga personal appearances doon.

"Wala akong alam na idedemanda raw niya ako, kasi walapa naman akong natatanggap na subpoena," tila clueless na nasabi niKatrina sa PEP. "Ang nakipag-usap talaga kay Mother Lilyay ang father ko, at ang lawyer namin na si Atty. Palad. Sila ang masnakakaalam ng detalye.

"Pasensiya na dahil hindi ko maintindihan ang puno't dulo ngistoryang 'yan dahil ang sabi ng lawyer namin, mukhang naayos na ang tungkol sabagay na 'yan. Nakausap na ng lawyer namin si Mother Lily. Tungkol sa nature ngkontrata sa OctoArts, mas mabuting ipaharap ko na lang sa press ang lawyer kosa takdang panahon, pero kailangang magkaliwanagan. Mukha kasing malabo rin angmga lumalabas na isyu.

"Palagay ko, kailangan lang talagang magkaintindihan atmagkausap-usap uli. Hindi ko rin alam ang sinabi ni Mother sa lawyer namin,pero si Atty. Palad ang nagsabi sa amin na okey naman daw," saad niKatrina.

Confident si Katrinana maaayos ito at hindi na aabot pa sa puntong maiisyuhan ng TRO (Temporary RestrainingOrder) ang One Night Only, ang pelikulang gagawin ni Katrina sa bakuran ngkumpanya ni Mr. Orly Ilacad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speaking of One Night Only, naayos na ba yung gusot sa casting?

"Palagay ko, naayos na ang problema, pero hindi ko parin alam ang kumpletong casting. Hindi pa talaga nagpu-full blast ang shootingnamin dahil hinintay pa akong makabalik from the U.S.," sabi niya.

Yung mga talents daw ng Star Magic na orihinal na isinama sa cast ay napabalitang nagsipag-atrasan nang malamang si Katrina angibebentang pinakabida sa pelikula.

"Hindi naman totoo 'yan, isa lang ako sa mga bida,"paglilinaw ni Katrina. "Nagkataon kasi na nasabay yung naunang presscon sapagpirma ko ng contract sa Octo, kaya parang lumalabas tuloy na pelikula kolang ang One Night Only.

"Para kasing dalawang projects ang pinag-uusapan that time.Marami tuloy ang nag-conclude na ako ang pinakabida sa pelikula. Pero kungtotoong may mga nagsipag-back out, wala naman akong magagawa doon. Hindi namansasama ang loob ko, kasi desisyon nila yun, and they have their reasons.

"Kung totoo man yun, it's all up to them. Hindi namanako nagkukuwestiyon. Ang iniintindi ko lang, inilapit sa akin ang project, maykontrata ako sa Octo, yun ang hinaharap ko. The same way na naghihintay langnaman ako ng project sa Regal, at mayroon pa akong ginagawa para sa ibangkumpanya [GMA Films], ang Sundo. At saka hindi naman kami pumipirma ng kontratana hindi maayos at hindi tinitiyak ang terms and conditions."

FOLLOW-UP PROJECT WITH DENNIS. Katatapos pa lang ng Magdusa Ka, heto at sila na naman niDennis Trillo ang magkasama sa Gagambino.

"Natutuwa ako dahil napatunayan namin ni Dennis namagki-click kami. Kasi noong una, nakaka-discourage ang comments ng iba nakesyo pang-kontrabida lang daw ako. Malaki ang pasasalamat ko sa GMA-7 dahil satiwala nila, at kahit paano, may napatunayan ako na kaya ko naman sigurongmagbida, kaya nga may bago uli akong assignment. At sunud-sunod din angginagawa kong pelikula," pagwawakas ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN