Judy Ann Santos on her tax case: "Kung makulong man, e di okey lang!"


Judy Ann Santos says she's definitely not going to getmarried inside a cell, but she might consider doing a movie inside prison, ifshe indeed goes to prison.



Nagbabalik si Judy Ann Santos sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde with herlatest movie Mag-ingat Ka Sa...Kulam na ipalalabas sa October 1. Ito rinang 48th anniversary offering ng Regal Films sa mga manonood.

Muling makakasama ni Judy Ann sa pelikulang ito si DennisTrillo, na una niyang nakasama sa award-winning movie ng Regal na AishiteImasu (Mahal Kita) 1941 na dinirek ni Joel Lamangan.

Naging best actor si Dennis sa Aishite Imasu at bumongga angcareer mula noon. Sa pangalawang pagkakataon kaya'y maging best actor na namansi Dennis at bumongga muli ang career nito?

"Dasal tayo," sagot ni Judy Ann nang patungkulan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ng tanong. "Hindi. Ako, magaling naman naartista si Dennis kaya [deserving] siyang manalo. Ako, talagang ipinagdasalko talaga na sana siya ang manalo sa Aishite Imasu. Kasi ang galingnaman talaga niya doon. I'm sure kahit hindi ako ang kasama niya doon, mananalopa rin siya. Nagkataon lang siguro na ako ang kasama niya.

"Sa pagkakataong ito, sana bigyan nila ng chance napanoorin ang pelikula namin. Kasi iba rin naman ang ipinakitang atake ni Dennissa pelikula namin," pahayag pa ni Judy Ann.

Bukod sa Mag-ingat Ka Sa...Kulam, may apat na pelikulapa siyang gagawin sa Regal Films, at may apat pa na natitira sa five-picturecontract na pinirmahan niya sa Star Cinema; plus, may isa pa sa GMAFilms. Hindi kaya siya magkaproblema sa pelikulang gagawin niya for GMAFilms dahil nakakontrata siya with Star Cinema?

"Walang problema kasi may addendum kamingpinirmahan na I could do another movie with GMA as long as [it is] Ouija2."

Paano na ang schedule niya?

"Hindi ko alam. Ha-ha-ha!"

Dahil diyan, baka maurong nga raw ang wedding nila ngboyfriend niyang si Ryan Agoncillo sa 2010.

"O kaya yung kontrata na lang ang i-move? Ha-ha-ha!"

JUDAY-RYAN MOVIE. Anong susunod na pelikula niya pagkatapos ng Mag-ingat Ka Sa Kulam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May gagawin ‘ata kami sa Regal with Ryan. Wala pang title.Basta pelikula ni Ryan at Juday."

Pang-Valentine offering ba ito?

"Hindi ko alam."

Malalaman pa lang daw nila kung kailan uumpisahan angshooting right after ng presscon ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam.

"In fairness, may naipasa nang concept sa akin."

Magkakaroon na ba sila ng umaatikabong bed scene at kissingscene sa susunod na movie nila ni Ryan?

"Mukhang hindi naman kami panonoorin ng mga tao," sagot niJuday tungkol sa mga itinanong naming eksena.

Mala-forbidden love daw ang kuwento ng susunod na pelikulanggagawin nila ni Ryan. Totoo ba?

"Siguro baka heavy drama or baka light din. Depende bakalight in the beginning ‘tapos magiging heavy towards the end. Maramingpuwedeng mangyari, e. With Direk Maryo J. [delos Reyes]. Siguro tama nga rinpara iba ang makita ng tao sa amin."

CLOSED CHAPTER. Next month ipalalabas na rinang bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Humiling Ako Sa Langit with DerekRamsay. Wala na ba siyang tampo sa ABS-CBN?

"Tapos na siguro ako doon sa chapter na yun ng buhay ko. Kumbaga,natutunan ko na ring tanggapin kung anuman yung dumarating sa akin. Sigurokung may mga tampo mang magaganap at naganap na noon pa, dala lang yun ng bugsong damdamin. Pero it doesn't mean naman na magtatanim ako ng galit sa kanila kasitao lang naman ako.

"Wala naman akong karapatang magtanim ng sama ng loob sa mgapinagkakautangan ko ng malaking utang na loob. Kumbaga, ano lang, thoughwala naman akong regrets sa mga sinabi ko noon, mas mabutinga na sabihin ko yun kesa itago ko sa puso ko. Baka atakihin naman ako kungiki-keep ko naman sa sarili ko, di ba?

"Maraming moments na yung mga tampo. Wake-up call din sa akin. So, may mgadahilan kaya nagaganap yung mga tampo-tampo. Si Lord may magandang lesson parasa akin. Thankful pa rin ako sa ABS-CBN. Hindi na ako nag-iisip ngpaghihiganti or whatever. Baka kalabitin na ako ng karma, ‘Digital' na ako,‘Day," biro pa ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya "hinilot" ng mga executivesng ABS-CBN?

"Ako na rin yung nagpa-set ng meeting with them para narin tapos na. Kasi parang, nakapagbakasyon na rin naman ako. Though theywanted to talk to me already even before I left for Europe. Kaya lang, ako narin ang nag-decide na parang baka I have to think pa muna.

"Kasi ayoko rin naman may masabi akong isang bagay napagsisisihan ko. So, nag-isip-isip muna ako. Nag-relax na muna ako. So,nung kinausap ko sila, at least nakapahinga na ang utak ko, nakapahingana ang didbidb ko. Hindi ko naman napag-aralan. Pero naproseso ko nang mabutiyung mga bagay na dapat kong ipaalam muna sa kanila.

"Na-relax ako, naproseso ako ng Mayo at lahat ng bagay, nalaman ko kung saanko dapat ilugar yung sarili ko. And nailagay ko yung sarili kosa isang lugar na puwedeng ako na lang yung makakaintindi sa sarili ko.

"Kumbaga, dito na lang ako. Ise-settle ko yung sarili kodito. Hindi na ako mag-e-expect ng kahit na ano, hindi na ako gagawa ng kahitna ano. Kumbaga, kung ano yung ibigay sa akin, ibig sabihin, yun lang ang kayangibigay sa akin. I wouldn't expect anything anymore, kasi masakit lang. Nandunna ako sa parte ng pag-iisip ko na kung akin, akin. Kung hindi, hindi."

Tuloy na ba yung gagawin nilang sitcom ni Ryan sa ABS-CBN?

"Yun and hindi ko sure, e. Kasi ang alam ko magmi-meeting pa pagbalikniya. Sana matuloy, kasi may mga kinu-consider pa rin naman na concept,director, and everything. Kasama yun sa huling kontrata na pinirmahan ko sakanila. Siguro matutuloy yun kasi nakalagay sa kontrata ko."

LOYAL RYAN. Pabalik na ng Pilipinas si Ryan saBiyernes, September 12. Hindi ba siya nag-aalala na baka may naka-date si Ryansa Argentina?

"Hindi siya ganun. Loyal yun. Even before, loyal yunsa mga naging girlfriends niya."

Paano niya nalaman? Nag-research siya sa past girlfriends niRyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, nag-research. Ginoogle ko. Ha-ha-ha!"

Ano ang una niyang gagawin pagdating ni Ryan?

"Siyempre, magha-hug muna, ‘no."

'Tapos ng hug?

"Hug ulit. ‘Tapos, hug na hug na hug."

'Tapos?

"Ay, naku! Ayaw ng endorser," natatawang sabi ni Judy Ann.

MISSING RYAN. Gaano niya na-miss si Ryan?

"Sobra! Kasi ngayon lang naman kami nagkahiwalay ng ganito katagal.Mahigit isang buwan, huh! Siguro sa ibang tao na makakabasa nito they will findit na, ‘Parang tanga naman itong si Juday. Ang OA naman.'

"Pero siguro kung na-experience nila na magmahal nang matindi at palagi nilangkasama yung tao ng araw-araw, ‘tapos first time mahihiwalay ng ganun katagal,I'm sure they will understand me. Pero I would understand kung feelingnila OA ako sa pagsasabing miss na miss ko ang dyowa ko, hindi ba?"

Ano particularly ang nami-miss niya kay Ryan?

"Lahat! Lahat-lahat! Naku, naku, naku! Kayo talaga," pagsasaway ni Juday sa mganambubuyong reporters, kasama na ang PEP.

May hiniling na ba siya na pasalubong mula kay Ryan?

"Wine. Hindi, kasi gusto ko talagang makatikim ng iba't ibang klasengwine sa iba't ibang bansa."

Nabili na ba ni Ryan?

"Meron pa siyang two days free before he goes home."

READY TO BE MRS. AGONCILLO. Hindi maipagkakaila na sastatus ng buhay ngayon ni Judy Ann, kitang-kita na mas gusto na niyang magingmisis.

"Ano lang siguro, parang...sa isang tao, buong buhay na ringnag-artista, ang pinaka-role na lang talaga na hinihintay ko lang namagampanan, e, yung maging asawa at maging isang nanay. Ako naman, nanayna ako kay Yohan [their adopted daughter], e. Yung pagiging ilaw ng tahanan baang tawag doon?"

Sa rami pa ng naka-line-up na proyekto at mga kontratangnapirmahan ni Judy Ann, tiyak na matatagalan pa silang magpakasal ni Ryan kunghihintayin nilang matapos lahat ng commitments nila sa showbiz.

"Ano, ah...puwede naman, basta gusto naming magpakasal,magpapakasal kami anytime."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit wala pa silang bahay? Hindi ba't nasabi niya narequirement nila before getting married ay makapagpatayo muna ng bahay?

"Maraming pagbabagong magaganap," makahulugang sagot niJuday.

Pupunta ba siya sa concert ni Ogie Alcasid?

"Nag-usap na kami kagabi habang nasa dubbing ako [Kulam].Yung date na ‘yon, may screening ako ng Ploning sa L.A. [California,U.S.A.]. Baka i-surprise ko na lang siya. Basta it's a surprise number nalang."

SEEING PIOLO. Hindi ba sila magkikita doon ng love teamniya noon na si Piolo Pascual na karamihan sa mga kinakanta ay nilikha ni OgieAlcasid.

"Ay, hindi!"

Parang ayaw pa niyang makita si Piolo?

"Hindi naman. Kaya lang, siyempre hindi mo pa rin maiiwasan yung mga taong iintrigahinka pa rin, di ba? Okey naman kami. Just to play it safe. I'm sure tahimik angbuhay niya. Ako naman napakatahimik ng buhay ko at napakasaya ko. Para na rin matahimikkaming dalawa. Ayoko namang magbigay pa ng chance sa ibang tao na iintrigahinpa kami. Basta we're okay. We're friends. Ryan and him are okay also. So, let'sjust leave it at that."

Wala na rin bang chance na magtambal ulit sila ni Piolo?

"Ako, ang sinasabi ko lang ngayon, huwag na muna. Huwagna muna kasi, may mga tao pang hindi kayang tumanggap ng ibig sabihin ngpartnership ng pelikula, e. May mga tao pa rin na umaasa. Para sa akin,nandito na po ako sa buhay na pagpasok sa seryosong buhay. Sana respetuhin nalang nila yung naging desisyon ko. Yung amin lang, mature na rin sana sila sapagtanggap ng nangyayari sa karera ng mga artista."

Sabi naman ni Piolo, kahit Mrs. Ryan Agoncillo na siya, okeypa rin siya na makagawa ng project with Judy Ann.

"Yung sa amin, wala namang isyu, e. Yung mga tao langnaman na nagkakaroon ng false hope and expectations na kung hindinaman siguro naging ganun ang reaksyon nila, e, okey lang. Pero kunginiisip ng mga tao kung okey kami, okey kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAX CASE. Samantala, tanggap na ni Juday ang anumangkahihinatnan ng kaso niya sa BIR (Bureau of Internal Revenue).

"Kung makulong man, e, di okey lang."

Na-imagine ba niya na magpakasal sa loob ng kulungan?

"Ay, hindi. Pangit ‘yon. Ano lang siguro puwedeakong gumawa ng pelikula sa loob ng kulungan."

Nagawa na ni Robin Padilla ‘yan nung nakakulong siya saMuntinglupa, ipinag-produce siya ng pelikula ng FLT Films.

"Ay, oo nga. Huwag na nating gawin," tapos ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN