Jennica Garcia-Mart Escudero relationship has Jean Garcia's blessing

"May tiwala ako sa dalawang ‘yan. Lalo na sa anak ko, she will never do anything na hindi ko gusto.Pinalaki ko na maayos at punung-puno ng pangaral si Jennica," says Jean Garcia about daughter Jennica Garcia and boyfriend Mart Escudero.



Wala nang itinatago sina Jennica Garcia at Mart Escuderotungkol sa kanilang tunay na relasyon. Ayon sa nakarating na report sa PEP(Philippine Entertainment Portal), inamin na ng dalawa na matagal na silang mayrelasyon. Sinagot daw ni Jennica si Mart noong 18th birthday ng dalaga last December 2007.

Nasabi na raw ni Mart sa ina ni Jennica na si Jean Garciaang tungkol sa relasyon nila ni Jennica, kaya aware naman ang aktres saestado ng dalawa. Pero hindi pa rin nagkukulang si Jean sa pagpapaalala sa dalawana hindi porke't pumayag siyang magkaroon sila ng relasyon ay magagawa na nilaang gusto nila.

Ayon kay Jean ay panay ang check niya kung nasaan siJennica. Inaalam nito kung nasa bahay na ba ito o kung nasa trabaho pa. Maytiwala naman daw ito kay Mart dahil alam niyang mahalaga rin sa binata angcareer nito.

"May tiwala ako sa dalawang ‘yan," sabi ni Jean sa panayamng PEP. "Lalo na sa anak ko, she will never do anything na hindi ko gusto.Pinalaki ko na maayos at punung-puno ng pangaral si Jennica.

"I know na she will never break the trust na meron ako sakanya. But as her mother, nandiyan ako parati to guide her. She's only 18 yearsold at kailangan pa niya ang pagkalinga ko. Si Jennica naman, she's very opensa akin. I know all her secrets kaya kung magkakaroon ng anumang problema,malalaman ko."

Sa ngayon ay kampante si Jean na magiging maayos angrelasyon ng dalawa. Importante raw kasi sa dalawa ang showbiz career nila kayamagiging focused sila sa trabaho.

"Pinagsasabihan ko naman ang dalawang ‘yan na mahalin nilaang trabaho nila. They are given the best opportunities sa edad nilang ‘yan.Huwag nilang sayangin. Nakikita ko naman na talagang serious sila sa trabahoand that is very important," pahayag ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa pagtatapos ng Ako Si Kim Samsoon, sunod na mapapanoodang tambalan nina Jennica at Mart sa bagong telefantasya na Gagambino napagbibidahan ni Dennis Trillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN