All-female group Mocha cries foul over "lesbian" tag

"Wala kaming nakikitang masama saginawa namin. Ang masakit dito, kinunan ang mga litrato nang hindi namin alamat inilabas sa isang diyaryong tahasang nag-akusa sa aming kami'y mgalesbiyana," says Mocha (left) about photos of her and fellow Mocha member Hershey (right) kissing in a swimming pool.



Noong nakaraang linggo ay lumabas sa dalawang magkasunod naissue ng tabloid na Pinoy Parazzi angmga litrato ng grupong Mocha, na kuha diumano sa isang private pool party ngnaturang all-female group. Kita sa mga nasabing larawan ang malinaw napaghahalikan ng dalawa sa mga miyembro ng grupo na sina Mocha at Hershey, nanagresulta sa pagkukuwestiyon ngayon sa kanilang pagkababae at katauhan, kungsaan sa isang issue ng naturang tabloid ay tahasan pa silang tinawag na mga "lesbian."

Hindi itinanggi nina Mocha at Hershey ang nangyaring halikanngunit laking gulat nila nang kumalat ang mga naturang larawan dahil ayon sakanila, "girls' night out" sa isang pribadong resort saLaguna kuha ang mga ito ilang linggo lang ang nakararaan.

Noong nakaraang Sabado, September 6, ay nagsalita na anggrupo sa Startalk, kung saan binigyang linaw nila ang lumabas na issue. Sinabinila sa naturang interview ang epekto ng kontrobersiya na ito sa kanilang mgapamilya at kaibigan na siyang mas naapektuhan bunsod ng mga negatibong paratangna kanilang naririnig bunga ng "malalaswang larawan" na inilabas nganila'y mapanirang tabloid.

Labis ding ipinagtataka ng grupo kung paano sila nakunan atkung paano nailabas yun ng Pinoy Parazzi.Wala naman daw sa kanilang grupo na kumukuha ng litrato that time, lalo panga't puro babae silang magkakasama noon. Kaya imposible raw na isa sa mgakagrupo nila ang gagawa noon at ibibigay pa sa tabloid para ilathala.

Sa phone interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kina Mocha at Hershey, muling tahasang pinabulaanan ng dalawa na sila ay mgalesbian.

"Kami po ni Mocha ay hindi lesbiyana. Normal lang yungnangyari dahil mag-best friend kami. Laro-laro lang po yun kasi nga nagtu-truthor dare kami," paliwanag ni Hershey.

Dagdag ni Mocha, "Wala kaming nakikitang masama saginawa namin. Ang masakit dito, kinunan ang mga litrato nang hindi namin alamat inilabas sa isang diyaryong tahasang nag-akusa sa aming kami'y mgalesbiyana."

"Basta ang masasabi lang namin, hindi kami against sa mga lesbiyana,nirerespeto namin sila. Ang issue dito ay yung pag-violate sa aming privacy at pagkalat ng maling paratang laban sa amin," sabi pa nina Mocha andHershey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin nila na hindi ito isang gimik. Bakit naman dawnila gagawin ito sa kanilang mga sarili. Sino ba naman daw ang may gustonggumimik para siraan ang sarili?

Inihayag din nina Mocha at Hershey na kasalukuyan nilangpinag-uusapan kasama ang kanilang manager na si Byron Cristobal kung ano angposibleng hakbang na gagawin nila kontra sa PinoyParazzi. Kokonsulta rin daw sila sa abugado kung anong legal move ang puwedenilang gawin.

Samantala, sinubukan din ng Startalk na kunin ang panig ngPinoy Parazzi at sinabi nilang magbibigay sila ng pahayag pagkatapos magsalitani Mocha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN