Mark Herras excited about reunion project with Jennylyn Mercado

"Matagal din akong walang permanenteng ka-love team. Kungkani-kanino na rin ako itinambal, pero hanap pa rin ng mga tao sa akin ay siJennylyn. Kaya doon pa lang, alam ko na magiging okey ulit ang pagsasamanamin," says Mark Herras.



Naniniwala si Mark Herras na marami pa rin ang tatangkiliksa nalalapit na balik-tambalan nila ng una niyang ka-love team at datinggirlfriend na si Jennylyn Mercado.

May niluluto na raw na project para muling pagsamahin ang dalawa at magsisilbiitong big TV comeback ni Jennylyn after nitong manganak sa baby boy nila niPatrick Garcia. Hinihintay na lang daw ang full recovery ni Jennylyn dahildumaan ito sa matinding emotional at physical stress.

Nonetheless ay excited si Mark sa idea na muli silangmagsasama ni Jennylyn. Ang huli nilang TV project na pinagsamahan ay ang LaVendetta at huling pelikula naman nila ay ang horror film na Tiyanaks.

Nang tanungin si Mark kung ano ang mararamdaman niya kapagmagsimula na ang project na pagsasamahan nila ni Jen, sinabi nito na matutuwasiya dahil matagal na rin niyang gustong makasama si Jen. Kahit na nga dumaansila sa maraming intriga, alam niya na nandiyan pa rin ang mga fans nila.

"Noon pa naman namin gustong magsama ulit ni Jen kahit sa TVlang," sabi ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nandiyan pa rinnaman ang mga solid fans namin at hinihintay lang kami. Natural na excited akosa project na ‘yon.

"Matagal din akong walang permanenteng ka-love team. Kungkani-kanino na rin ako itinambal, pero hanap pa rin ng mga tao sa akin ay siJennylyn. Kaya doon pa lang, alam ko na magiging okey ulit ang pagsasamanamin."

Inamin ni Mark na hindi pa niya nadadalaw si Jennylyn afternitong makapanganak. Gusto ni Mark na kapag dadalaw siya ay maykasama siyang iba dahil ayaw niyang malagyan ng malisya ang pagdalaw niya.

"Mahirap na kasi na mag-isa akong pumunta para dalawin siJen. Kasi yung nagbigay nga lang ako ng gatas noong buntis siya, may nagsulatagad na baka ako raw ang ama ng baby niya. Ang sama naman, di ba? Nagpapakitana nga ako ng concern, nilagyan pa ng pangit na kahulugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nagte-text naman ako kay Jen kahit na kay Mommy Lydia[Mercado, Jennylyn's adoptive mother] na one day basta na lang ako bibisita, perokasama ko ang mga ka-batch namin ni Jen sa StarStruck. Maganda kasi na maramikami para mapadama namin ang suporta namin kay Jen at sa baby niya," lahad niMark.

Wala naman daw problema kay Mark kung sakaling kunin siyangninong ni Jen para kay Baby Jaz.

"Noong buntis pa lang siya, sinasabi na namin na kami angmagiging ninong at ninang ng baby niya, kaming mga taga-Starstruck ‘yon. Natuwanaman si Jen kasi nga alam niyang nandiyan kami sa kanya parati."

Kasalukuyan nagpo-promote si Mark ng pelikulang I.T.A.L.Y. (ITrust And Love You) ng GMA Films, kung saan katambal niya si Rhian Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN