Bruce Quebral says Wendy Valdez is not hindrance to his career

"Feeling ko naman, hindi mo naman siya masasabing hindrancebecause we're both supportive naman of our career, our goals, and life. So,hindi siya hindrance," says Bruce Quebral about his current relationship with Wendy Valdez.



Puro guesting at modeling ang pinagkakaabalahan ngayonni Bruce Quebral habang wala pa siyang regular show sa ABS-CBN. Yun angnaging pahayag ni Bruce sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausapsiya sa taping ng Juicy sa TV5 kahapon, September 8.

Bagamat sinabi ni Bruce na okay lang sa kanya kung ito langmuna ang pinagkakaabalahan niya, aminado ang dating housemate ng Pinoy BigBrother na iba talaga kapag may regular show na ginagawa.

Pagkatapos ng Blackout denim and underwear fashion ng Bench,Bruce will be visible again sa Cosmo Bachelor ng Cosmopolitan Magazine. Firsttime daw niyang nag-centerfold dito at first time din niyang rarampa sa A. Venue Events Hall sa Makati City. Gaganapin ang annual Cosmo Bachelor Bash this Thursday, September 11.

Natatawa rin si Bruce sa pagsasabing pinaka-daring na raw naginawa niya so far ang naging pictorial niya sa Cosmo, kung saan tuwalya lang angnakatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Open naman daw kasi si Bruce hindilang sa pagpo-pose sa magazine at pagrampa nang daring, kundi pati na raw samga roles, basta walang problema sa management niya.

"Siyempre, depende sa mga handlers ko," sabi ni Bruce. "Kungpumayag sila at nag-agree rin sila sa story, and if it will do good for mycareer, why not, di ba? Siyempre, kung anuman yung magiging decision ko,iko-consider ko rin sa magiging decision ng manager ko."

Pagkatapos ng PBB stint niya, although may mga projectsnaman siyang nagawa, tila hindi pa rin umuunlad nang husto ang showbizcareer niya. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, after that naman, I had projects naman. My last wasPalos. So siguro it takes time lang para mabigyan ulit ako ng panibagongproject. Pero on my part naman, hindi naman ako nagpapabaya," saad ng modelturned actor.

EXCLUSIVELY DATING. Marami ang nagsasabi na tila hindi nagiging favorable sakanilang dalawa ng rumored girlfriend niyang si Wendy Valdez, especially on hispart, ang pagiging identified nila sa isa't isa. Ano ang reaksiyon niyarito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko naman, hindi mo naman siya masasabing hindrancebecause we're both supportive naman of our career, our goals, and life. So,hindi siya hindrance," sabi niya.

Up to now, "exclusively dating" pa rin daw ang status nilani Wendy. Magiging problema ba kung magko-commit na sila sa isa't isa kung totoongang hindi pa talaga sila?

"No, para sa akin, if you are more focused with therelationship, anong mangyayari sa career? Anong mangyayari sa familymo? E, we're both breadwinners so we both decided to focus na lang muna onthat," paliwanag ni Bruce.

Wala naman daw problema sa kanilang dalawa dahil simulanaman nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya, hindi raw sila na-involve sa ibasince they are exclusively dating nga.

"One year na since we got out of the house, it was June 30of last year, pero wala namang ibang na-involve sa amin pareho. So, we're bothokay with that."

Hindi rin agree si Bruce sa sinasabi na hindi maganda angeffect nila ni Wendy sa isa't isa na tipong nagkakahilahan sila pababa.

"Well, it's their opinion. I don't see it that way. Paranglahat naman may opinion sa ganyan. Pero bottomline is, at the end of the day,yung effect namin sa isa't isa. Yung suportahan namin and we share things."

PLAN OF HIS OWN. On Bruce's part, may mga sarili rin siyang planoespecially for his future.

"I'm 26 years old when I got out of the house. I'm turning27 this year. I'm weighing my options since I graduated last 2006, so siguro I'mplanning to apply for other work, like abroad. So far, wala pa namang planona ganoon. But of course, I'm weighing my options, di ba?"

Bruce was a Home Economics graduate of the University of the Philippinesbago pa man mag-artista. Aminado siya na hindi rin daw niya nakikita na angpag-aartista ang magiging long-term career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I can be a manager in a hotel. I can also be ateacher. Pero, siyempre, if ever, mas gusto ko yung maging manager ng hotel. Ihave options. Yung showbiz naman kasi, hindi naman talaga siya stable job.And I've been in this business for only a year. For me to be successful inthis career, I should invest more time."

May timetable ba siya sa pag-aartista?

"I don't know. Only God knows. So far, enjoy naman ako sashowbiz and there's no regrets, really," pagwawakas ni Bruce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN