Piolo Pascual welcomes competition and rivalry

"Mas maganda mas marami yung competition. Mas maramingnabibigyan ng trabaho and at the same, I think, kung wala kang karibal okalaban, hindi masaya. So, I think we all benefit from it—John Lloyd [Cruz], Sam [Milby], Dingdong,Richard, all of us," says Piolo Pascual.



Dahil sa malaking tagumpay ng unang teleserye ni PioloPascual with Angel Locsin sa ABS-CBN, may balitang magkaroon ng Part 2 angLobo. Pero nang tanungin ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Piolo tungkol dito ay wala raw siyangbalita rito.

"Madugo, magastos. Hindi ko alam sa kanila [ABS-CBN and StarCinema Productions]. Marami kaming babies sa ending," saad ni Piolo.

Kahit walang Part 2 ang Lobo ay tuloy pa rin ang tambalannila ni Angel sa bago nilang pelikula. At the same time, open na rin sa lahatang relasyon ni Angel kay Luis Manzano. Hindi kaya makaapekto sa tambalan nilani Angel ang relasyon ng young actress kay Luis?

"Ever since we started our love team, our team-up, I thinkhindi nakakaapekto sa relationship namin or sa team-up namin. Actually, lumakaspa nga because ang dami nung thread ng love team sa Pinoy Exchange, may gruposa iba't ibang parte ng mundo. So, hindi ko naman nakitaan na may conflict. Andbesides, Luis and I are friends. Every Sunday we see each other sa show [ASAP‘08]."

Masaya ba siya para kina Luis at Angel?

"Basta masaya sila, masaya ako," ngiti ni Piolo.

PIOLO'S LOVE LIFE. Kumusta naman ang love life niya? Niligawan ba niya ang babaeng type niya na kasamahan niya sakanilang church?

"Wala na siya dito, e. She's from here but actually she'sbased in some other parts."

Nanghinayang ba siya noong umalis yung girl?

"Well, I believe in perfect timing. I believe in destiny. Ibelieve if it's for you, it's gonna happen."

WORKS LIKE A HORSE. Sa ngayon, mas tutok pa rin daw siya sa kanyang showbizcareer.

"Kasi sa sampung taon ko na pagtatrabaho, grabe, para akongkabayo! Daig ko pa ang kabayo, di ba? Sa grabe ko sa pagtrabaho, hinahanap ng katawan ko.

"Kapag nagbabakasyon ako sa Amerika ng two weeks, nami-missko yung trabaho. Pero nowadays po, at least po in between work,nakakapag-prepare ako before I start a new show, a new movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, at least, there's time to...may downtime to do otherstuff. Like for instance this movie with Angel after Lobo, I was planning to doan indie film habang nagte-train ako for the movie. Natapos ko po yung Manila.Natapos ko siya nang hindi sinasadya. Dapat mag-a-adjust ako habang ginagawa koyung sa movie na gagawin namin ni Angel. E, natapos ko siya. Sa sobrangkaadikan ko sa trabaho, after training, dumidiretso na ako sa location," lahadni Piolo.

PIOLO'S TRIBUTE TO BROCKA & BERNAL. Ang Manila ay munting tribute ni Piolo at ng direktor niyasa movie na si Adolf Alix sa filmmakers na sina Lino Brocka (Jaguar) at IshmaelBernal (City After Dark: Manila By Night).

"Napanood ko yung Jaguar at City After Dark.Binigyan ako ng copy ni Direk Adolf. Doon namin binase yung movie and it's nota remake. Twinbill siya pero it happened in one day," paglalarawan ni Piolotungkol sa kanyang indie film na siya rin ang nag-produce.

Si Rosanna Roces ang gumanap bilang ina ni Piolo sa Manila.Sampung araw raw sila nag-shoot ni Osang. Ang direktor nila na si Adolfang nag-convince kay Osang na tanggapin ang proyekto.

"Personal choice ko rin siya," sabi ni Piolo. "Kasi siyalang yung pinakamalapit kay Tita Chato [ang yumaong aktres na si CharitoSolis]. Siya [Osang] talaga ang first choice."

Hindi ba sila nagkaroon ng problema kay Osang sa set?

"There was a time, ang call time niya 3 p.m. She was thereon time and even na magkaesena kami, she came ahead of me. She likes theproject. I'm happy that she accepted. First indie [film] niya yun."

Hindi ba siya nagkaroon ng second thoughts nang kunin niyasi Osang with all the negative issues tungkol sa attitude diumano ng aktres sapagtatrabaho?

"Hindi ko pa naman siya nakatrabaho, so wala akongpreconceived notion about her, how she works, ganun. Wala akong judgment,"sagot ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Piolo, wala raw siyang leading lady sa Manila perokasama rin si Alessandra de Rossi sa cast.

Sa palagay niya ba, hahakot ng awardang first movie na iprinodyus niya, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati nasa ibang bansa?

"Ako, joke!" tawa niya. "Gusto ko sana ma-appreciate ng taoang Manila kasi maraming hindi nakapanood noon dati, e. Pero siyempre, it'sdefinitely...ang aim is not only after recognition or award. Gusto ko langmakapagbigay ng ibang aspeto ko bilang aktor—ibang character and definitelysomething different, something edgy. Alam naman natin na lahat ng ginagawa kosa Star Cinema puro commercial, puro mainstream."

February 2009 na raw ang showing ng first movie na iprinodyusniya at ang Star Cinema ang kanyang media partner. Pero hindi raw itatapat ang Manila niya sa Richard Gutierrez-KCConcepcion movie ng GMA Films next year.

Dagdag ni Piolo, umabot na raw sa five-million pesos angnagastos niya sa Manila.

"Kinuha ko yung ginastos ko doon sa naipon," banggit niya.

Kinailangan bang magbenta siya ng property para lang mataposang first movie niya bilang producer?

"Hindi pa. Naku, hindi pa!" tawa niya.

HEALTHY COMPETITION. Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde nagusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit naRegal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

"Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Peronakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay TitaMalou," sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal siPiolo kay Marian Rivera.

"Depende po kay Tita Malou. Sumusunod lang ako kay Tita Malou," ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Danteskapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

"No, Dingdong and I are friends," diin ni Piolo. "I have noissues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman angpinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be ahealthy competition. But both of us will benefit from it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din ng tsismis na lilipat si Richard Gutierrez saABS-CBN. Kung sakali, welcome ba kay Piolo ang paglipat ni Richard sa ABS-CBNat dagdag sa sumisikip na hanay ng maraming mahuhusay at guwapong aktor ngKapamilya network?

"Sa Star Cinema nakagawa siya, e. I never had any problems.Ako naman ang taong hindi maisyu, e. The more the merrier. As long as we canprovide jobs to a lot of people, not just to actors but to our production staffor crew, well and good.

"Mas maganda mas marami yung competition. Mas maramingnabibigyan ng trabaho and at the same, I think kung wala kang karibal okalaban, hindi masaya. So, I think we all benefit from it—John Lloyd [Cruz], Sam [Milby], Dingdong,Richard, all of us."

May movie ba siya na gagawin with KC Concepcion?

"Meron po. Hopefully, soon. Definitely after Angel,"pagkumpirma niya.

May panghihinayang ba kay Piolo na nauna si Richard namakapareha si KC kesa sa kanya?

"Ay, hindi po. Isa lang ang katawan ko!" tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN