Gabby Concepcion and manager Rose Flaminiano reportedly not on speaking terms

Gabby Concepcion and his business manager, Mrs. Rose Flaminiano, were scheduled to meet last Monday, September 8, but it was canceleld because of the heavy rains. The talent and manager were supposed to iron out their problems that reportedly began with money dispute.



Naka-schedule sana ang meeting sa pagitan ni GabbyConcepcion at ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano noong Lunes nggabi, September 8. Pero dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan, naantalasi Mommy Rose on her way to Manila from Tarlac kaya alas-onse na raw nggabi ito nakarating ng Manila.

Ito ang naging paliwanag ng isa mga publicist ni Gabby na siRoldan Castro sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap atkumustahin namin kung natuloy ba ang paghaharap nina Gabby at MommyRose. Although, posible rin na kapwa hindi pa handa ang dalawa namagkaharap at baka pareho pa raw na nagpapalamig.

Hindi maikakaila na palaki na nang palaki ang isyu sapagitan ng dalawa. Ayon sa mga naglalabasang write-ups, nagsimula raw ang gusotsa pagitan nina Mommy Rose at Gabby dahil sa diumano'y pagkukuwestiyon ng aktorsa perang pumapasok sa kanya. Maging ang mga pangalan nina Nadia Montenegro atPops Fernandez ay nadadawit sa isyu dahil sila diumano ang palaging nakakausapni Gabby.

Nagsimula raw ang hindi pag-uusap nina Mommy Rose at Gabbyilang araw bago ang Music Museum concert ni Gabby noong August 14. Tila hindiraw yata nagustuhan ni Gabby nang malaman na co-producer din pala ng naturangconcert ang kanyang manager without his knowledge.

May isyu rin na lumabas na tila kinukuwestiyon diumano niGabby ang mga voucher na pinipirmahan niya. Diumano, iba raw ang voucher napinapapirmahan kay Gabby at iba rin ang amount na nakalagay rito.

Pero ayon kay Mommy Rose, hindi naman daw siya gumagamit ngvoucher; kontrata at tseke lang daw ang ginagamit niya. Hindi na raw siyanagpapapirma pa sa voucher at alam daw ni Gabby yun kung kaya't nagtataka siMommy Rose kung paano nagkaroon ng isyu tungkol sa voucher.

Hindi rin maikakaila na mas lalong umigting ang tampuhan ninaGabby at Mommy Rose sa ginawang pakikipag-ayos ni Gabby sa nakademandahang reporterna si Jobert Sucaldito. Wala naman daw problema kung sakali at magkabatiman ang dalawa, pero sana raw ay inayos muna ni Gabby ang problema sa sariliniyang manager bago raw sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng mga naglalabasang balita, nananatiling tahimik angmagkabilang kampo at wala ni isa mang humaharap sa entertainment press. Isangbagay na siyang gusto naman daw mangyari ni Mommy Rose dahil nais nitongsila muna ng alaga ang magkausap bago ilabas sa press.

Sa pamamagitan pa rin ng kanilang publicist, ang tangingnaging pahayag lang daw ni Mommy Rose sa mga nangyayari ay: "Mahal ko angcareer ni Gabby kaya ayokong magsalita. Masama ang loob ko sanangyayari. Masakit, naaawa ako sa sarili ko."

Marami ang umaasa na sana ay magkaharap, magkausap at magkaayosmuna ang dalawa bago pa lumaki ang isyu, lalo pa nga't iba't ibang bersyon na angnaglalabasan na hindi naman matukoy kung direkta bang nanggaling kay Mommy Roseo kay Gabby.

Bukod dito, ilang taon pa ang kontrara ni Gabby kay MommyRose, na siyang gumawa ng paraan para makauwi siya sa Pilipinas pagkatapos ng 13years.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN