Cristine Reyes closes door on love for now, wants to focus on work

"Gusto ko kasi talaga i-focus ko muna ang mind ko sa trabahoko. Sayang naman ang tiwalang ipinagkaloob sa akin ng ABS-CBN kung hindi koibibigay yung 100 percent na trabaho kapalit ng tiwala nila sa akin," saysCristine Reyes.



Muling nagpatawag ng press conference ang ABS-CBN 2 para sa pinakabagongaabangan ng televiewers this Monday, ito ang Kahit Isang Saglit napinagbibidahan nina Jericho Rosales, Carmen Soo, Cristine Reyes,Christopher de Leon, AlbertMartinez, Isabel Rivas, at marami pang iba.



Kung noong unang presscon na ginanap sa 13th floor ng ABS-CBN ay wala siCristine, sa ikalawang pagkakataon ay kasama na ang dalaga na ginanap naman saBohol Room ng 9501 Restaurant sa ABS-CBN 2.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine ukol sapinakabagong proyekto niya sa Kapamilya Network.Ito bale ang kanyang ikalawang malaking proyekto rito at mauuna pa sa EvaFonda.



Sinabi ni Cristine na hindi siya nanghihinayang na maunang ipalabas ang KahitIsang Saglit kaysa Eva Fonda na unang napabalitang maglulunsad sa kanya bilang isang ganap na aktres.



"Actually, mas magandang mauna itong Kahit Isang Saglit bago yung EvaFonda kasi dito po second lead ako, sa Eva Fonda ako ang title role.Kaya mas maganda po na ito po muna ang mauna," panimula ng younger sister ni Ara Mina.



Ito bale ang unang pagkakataong makakatrabaho ni Cristine si Echo kaya namantinanong ng PEP kung ano ang masasabi niya sa aktor bilang katrabaho?



"Masaya. It's so nice to work with him. Mabait siya, sayang nga lang dahilhindi ako nakasama sa Malaysia. Masarap katrabaho si Echo dahil lagisiyang may motivation. As a friend naman, mabait siya, lalo na kay Carmen."



INSPIRED BY ECHO. Nilinaw naman ni Cristine ang ukol sa pagpapahayagniyang crush niya ang magaling na young actor.



"Ano lang po yun humahanga lang po ako kay Echo dahil magaling siyang aktor andtotoo naman po yun, e. Sobrang nakaka-inspire siyang katrabaho kasi magaling posiya talaga. Every scene namin, kailangang nagmo-motivate muna kami. So, roonpo ako humanga sa kanya. Sa lahat ng nakatrabaho ko, parang iilan lang po yungganoon, e.



"Hindi ko naman po sinasabing gusto kong maging boyfriend si Echo or something,ang sinasabi ko lang e, magaling siyang aktor and doon po ako humahanga sakanya," giit ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dahil nabalitaan ng PEP sa isang very reliable source na nagpapalipad-hangindaw sa kanya si Echo at dahil kapwa naman available sila ni Cristine, posiblekayang magka-develop-an sila ng aktor?



"Puwede naman bakit hindi, pero huwag muna ngayon. Ang focus ko kasi ngayon aysa work muna. Huwag na muna ‘yang tungkol sa love."



Nang ulitin namin ang isyu sa balitang palipad-hangin ni Echo, tila iniwasangsagutin ito ni AA (nickname ni Cristine) dahil isang makahulugang ngiti langang isinukli niya sa amin.



BREAKUP WITH DENNIS. Tungkol naman kay Dennis, natanong ng PEP kungpinagsisisihan ba niyang minahal niya ang isang tulad nito at kung gaano basiya nasaktan sa hiwalayan nilang dalawa?



"Wala po... Siyempre naroon po yung pain, pero ang importante ngayon masaya na poako."



Sa mga nagsasabi namang gimmick lang ang breakup nila in time for I.T.A.L.Y.(ang movie kunsaan kasama si Dennis sa cast) at sa bagong soap opera naman niCristine na Kahit Isang Saglit, ito lang ang nasabi niya. "Hindi namanmaiiwasan na isipin ng iba na gimmick lang ang breakup namin. Pero ayoko nalang i-detalye, basta tapos na po yun. Mas mabuti, para lalo ko pong mapagbutiang trabaho ko ngayon.



"Gusto ko kasi talaga i-focus ko muna ang mind ko sa trabaho ko. Sayang namanang tiwalang ipinagkaloob sa akin ng ABS-CBN kung hindi ko ibibigay yung 100percent na trabaho kapalit ng tiwala nila sa akin," nakangiting pagtatapos nani Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN