Joem Bascon prefers longevity in showbiz rather than leading-man status

"Actually, hindi ko naman iniisip na maging lead lagi. Bastaako, gusto ko lang mag-work. Gusto ko lang iba-iba yung ginagampanan kongcharacters. Hindi ko naman pinapangarap na sobrang sumikat basta magawa ko langng maayos yung akting ko. Okey na sa akin yun. I'm more doon sa longevity satrabaho, e, kahit hindi ako lead, kukunin pa rin nila ako sa ibang roles dahilsa maganda kong ipinapakita sa trabaho," says Joem Bascon.



Natutuwa ang young actor na si Joem Bascon na unti-unti aynakakagawa na rin siya ng sarili niyang pangalan at marka sa showbiz.Nalagpasan na nga niya yung sinasabi noon na kamukha lang siya ni Piolo Pascualkaya hindi raw siya sisikat.

"Oo nga, e. Actually, noong una pinipilit nga namingihiwalay at huwag akong maikumpara kay Piolo. Basta ako nagwo-work lang akonang nagwo-work. Ang maganda is nakikilala naman ako for my work. Hindi ko nalang iniisip yung comparison. At least dumating naman yung time na nakagawanaman ako ng work kung saan nakilala ako as ako, as Joem Bascon," saad ni Joemsa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tama naman ang sinabi ni Joem, dahil napabilang na rin siyasa ilang malalaking pelikula at produksiyon gaya ng Batanes, kung saannakapareha niya si Iza Calzado.

"So far, yung Batanes ang pinaka-okey na work na ginawa ko,"sabi ni Joem. "Malalim na acting din naman ang naipakita ko doon, e. I even wonan award for Breakthrough Performance by an Actor sa Golden Screen Awards for myrole there."

May bagong pelikula ba siyang ginagawa ngayon?

"Ngayon ang naka-lineup sa akin yung Kalayaan na isu-shootnamin sa Spratley's Island. Kasama ko dito yung bida sa Shutter, yung Thaiactor. Ang role namin ay mga sundalo. Sana matuloy. Si Direk Adolf Alix angmagdidirek," lahad niya.

Mabigat ba ang role niya rito na puwedeng manalo na namansiya ng acting award?

"Sana," sambit ni Joem. "Hindi ko pa nababasa yung script.Pero alam ko naman si Direk Adolf laging gumagawa ng magagandang pelikula,indie film. Sana matuloy. Kasama nga rin pala ako sa Adela, na pinagbibidahannaman ni Ms. Anita Linda."

LEADING-MAN STATUS. Pinapangarap rin ba niyang maabot yung leading man status niPiolo Pascual?

"Actually, hindi ko naman iniisip na maging lead lagi. Bastaako, gusto ko lang mag-work. Gusto ko lang iba-iba yung ginagampanan kongcharacters. Hindi ko naman pinapangarap na sobrang sumikat basta magawa ko langng maayos yung akting ko. Okey na sa akin yun. I'm more doon sa longevity satrabaho, e, kahit hindi ako lead, kukunin pa rin nila ako sa ibang roles dahilsa maganda kong ipinapakita sa trabaho," pag-amin ni Joem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya ni Piolo, kapansin-pansin din na isa sa mga aktor namay magagandang katawan sa showbiz si Joem. Paano niya ba mine-maintain ang goodfigure niya?

"Medyo tumataba na nga, e. Pero kapag may time, boxing, yunang ginagawa ko for maintainace lang."

DATING BUT NO SERIOUS RELATIONSHIP YET. Kumusta naman ang love life niya?

"Date-date lang, pero wala akong karelasyon now," sabi ni Joem.

Non-showbiz daw ang girls na idine-date niya. May advantageba yung pagiging artista niya?

"Alam nila na artista ako. Pero siyempre, hindi naman yungtipong bukambibig ko na lang lagi yung pagiging artista ko. Ayoko naman yungtipong, ‘Hi... hello... ako si Joem. Artista ako, akin ka,'" biro ni Joem.

"Simple pa rin naman akong dumiskarte sa babae," pahabolniya.

Ano ba yung qualities ng ideal girl niya?

"Hindi ako yung tumitingin sa physical, e. More on the brainsand personality talaga. E, kapag nagsawa ka naman sa hitsura ng babae, siyemprehahanapin mo na yung ibang qualities niya na kumbaga pangmatagalan mongmamahalin sa isang karelasyon mo, di ba? Maganda yung nag-uusap kayo ng maysense, di ba?"

Halimbawa kamukha ni Betty La Fea, okey lang ba sa kanya?

"Kung sobrang talino naman at mabait, siguro wala namanmagiging problema doon. Nagtataka nga yung mga handlers ko kasi ang taste koraw sa babae yung simple lang. Hindi yung magandang-maganda. Okey na sa akinyung ganun."

BETTY LA FEA. Speaking of I Love Betty La Fea, na pinagbibidahan nina BeaAlonzo at John Lloyd Cruz, kasama si Joem sa cast ng bagong ABS-CBN soap naito. Ginagampanan niya ang role ni Mario, na best friend ni Armando, played byJohn Lloyd.

"Wala pa si Armando sa kumpanya [Eco Moda], nandun na siMario, so nauna ako sa kanya. Ako yung naghikayat sa kanya na pumasok sa kumpanyang daddy niya para doon siya maghanap ng adventure sa pambababae niya. Kasipareho kaming babaero. Pero kapag nag-lie low na si Armando sa pambababae niya,ako ganun pa rin. Bad influence pa rin ako sa kanya. Ako yung nagbubuyo sakanya, na kahit may Marcella [Megan Young] na siya, okey lang na mambabae siya,"kuwento ni Joem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa show sa ABS-CBN, may show rin si Joem sa TV5, angHush Hush.

"Medyo blessed lang. Siyempre happy ako sa mgatrabahong dumadating sa akin," pagtatapos ni Joem.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN