No clash between John Lloyd-Sarah and Richard-KC movies on Valentine '09

The reported showdown between the movies of John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo (above), and Richard Gutierrez-KC Concepcion on Valentine '09 will not happen. The two movies will be shown weeks apart.



Sa rainy launch ng pinakabagong album ni Sarah Geronimo sa Viva Records naJust Me kahapon ng tanghali, September 10, kinanta ni Sarah ang title at themesong ng hit movie nila ni John Lloyd from Star Cinema na A Very SpecialLove. By request lang ito dahil hindi ito kasama sa 16-track album niya, kungsaan isang duet with the Backstreet Boys member Howie Dorough na "I'll BeThere" ang carrier song.

Napa-"wohoo!" si Sarah nang nai-report sa kanya na nasa seventh week na angA Very Special Love nila ni John Lloyd sa mga sinehan and still going strong.Nabanggit na rin na may follow-up movie na sina Sarah at John Lloyd sa StarCinema at next year ito ipalalabas. Isa sa mga tanong patungkol sa follow-upmovie, baka raw ito ang gawing Valentine presentation ng Star Cinema next year.

Mahigit dalawang linggo na ang nakararaan, nakausap na namin si RoxyLiquigan of Star Cinema tungkol dito. Nagkaroon kasi ng balita na bakapang-Valentine presentation ng Star Cinema ang second John Lloyd-Sarah movie atmakatapat ito ng second movie rin nina Richard at KC, this time from GMA Filmsand Regal Entertainment, sa direction ni Joey Reyes. Walang makapag-confirmngunit sa kontrata ng Star Cinema at GMA Films para sa mga respective Richard-KCmovies nila, may nakasaad daw na hindi ito tatapatan ng either film outfit.

Nakumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Roxy na hindi nga pang-Valentine ang second movie nina JohnLloyd at Sarah. Ang balak nila para sa pelikula, opener ng Star Cinema para sa2009, kaya't Enero ito ilalabas. Ang pang-February presentation daw ng StarCinema ay isang Maricel Soriano-starrer at post-Valentine ito, o baka end ofFebruary ipalalabas.

Wala pang sinisimulan sa tatlong nasabing pelikula dahil lahat ay pawangnasa pre-production phase pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN