GMA Artist Center enrols its prime stars in finishing school

"Hindi siya yung parang training lang, klase talaga. Magkakaroon kami ngtalagang classmates," says Mark Herras excitedly about going back to school along with other contract stars of Artist Center.




Masaya si Mark Herras nang makusap siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa Station 168 Internet Cafe sa may Tomas Morato kahapon, September 10.

"Mag-i-school na ako," balita niya sa amin.

Ipinasok ng GMA Artist Center ang prime young stars sa kanilang kuwadrasa isang extensive class ng John Robert Powers sa Makati Branch nito. Hindilang daw ito seminar kundi tunay na klase at magtatagal ng ilang buwan. Ilansa aaralin nila ay Speech, Confidence in Communicating, at PersonalDevelopment.

"Hindi siya yung parang training lang, klase talaga. Magkakaroon kami ngtalagang classmates," dagdag ni Mark.

Tulad ng regular classes, hindi exclusive ang magiging sessions nila. Kungmay makakasabay silang mag-enrol para sa mga nasabing subjects, magiging classmates nila ito.

Twice a week at two hours each daw ang magiging klase nila sa JohnRobert Powers.

Tinanong namin si Mark kung sinu-sino ang in-enrol ng GMA Artist Center. Ayonsa young actor, makakaklase niya raw sina Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, atSheena Halili of StarStruck 1; Marky Cielo ng StarStruck 3, at Rich Asuncion,Aljur Abrenica, Kris Bernal ng Starstruck 4.

Tinanong namin kung bakit hindi kasama ang iba pang stars ng GMA at StarStrucktulad nina Mike Tan at LJ Reyes ng StarStruck 2. Ang sagot sa amin ni Mark,sabi raw sa kanila ng GMAAC, mga prime stars lang daw muna ang ie-enrol nila.

Hindi namin naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng "prime" artist, kungsino ang prime at hindi. Pero hindi na rin namin ito pina-explain pa kay Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN