Fil-Brit soccer player Phil Younghusband takes "Celebrity Duets" very seriously

"I enjoy attention," admits Phil Younghusband. "At first I don't wantto accept the contest but then I know it will be hard, it will be a challenge, andI will be with new people, so I said yes."



"Ako." That was Phil Younghusband's answer when the entertainment press asked who's the most popular, the handsomest, and most likely to win in the second seasonof Celebrity Duets.

Nagbigay ng dinner for some members of the entertainment press ang managerni Phil na si Joyce Ramirez kagabi, September 10, sa Annabel's restaurant.Hindi lang ito basta follow-up interview para kay Phil, pasasalamat na rin itosa napakaraming naisulat sa kanyang alaga at sa pagiging number one nito sa unangelimination round ng Celebrity Duets noong Sabado, September 6.

Pumasok sa Top 4 sina MMDA Chairman Bayani Fernando, beauty and wellness guruCory Quirino, celebrity chef JL Cang, at si Phil. Natanggal naman ang beauty queen nasi Melanie Marquez. Ang iba pang mga natira ay sina Joey Marquez, Carlene Aguilar, at JC Buendia

Ang nakakagulat, hindi si Chairman Fernando angnag-number one kundi si Phil. Pumangalawa lang si Chairman kay Phil, pumangatlosi Cory, at pang-apat si JL.

"Me and my manager worked hard for it," sabi ni Phil na pinipilit mag-Tagalogng mga entertainment press, sa request na rin ni Joyce para matuto ito.

Pinaghihirapan raw talaga ni Phil ang Celebrity Duets at sa ngayon,bumabalanse ang CD at soccer practice niya in terms of priority.

"If I enter the Top 4 of the show, I might have to miss a game in thefinals of a Philippine game," sabi ng half-Brit soccer player turned modelturned celebrity singing contestant.

Para mapatunayan ni Phil na seryoso siya hindi lang sa contest kundi patina rin sa paga-aral niya ng Tagalog, ang kantang pinasikat noon ng Side A na "AngAking Awitin" ang kakantahin niya sa Sabado, September 13, at ka-duet niya si NyoyVolante.

Sila raw ni Joyce ang pumili ng kanta at ilang oras niya itong minemoryabago niya sinubukang kantahin. Kinakanta niya ito sa kanyang free time, sapractice, at pati na rin sa kotse, kung kaya't nababaliw na raw ang kanyangnakatatandang kapatid at soccer player ding si James Younghusband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My brother, he's so supportive of me in joining this. But he's so freakedout every time I sing even in our car on our way to practice. ‘Stop it, stopit!' he always tell me but I answered, ‘I got to practice, practice,'" kuwentoni Phil with his usual smile.

Dagdag niya, "That is why I get hurt when people tell me I can't sing, andit's just looks that gets me by the contest. I'm working hard at it, just giveme a chance."

Hindi pa niya alam kung magpapatuloy siya sa showbiz pagkatapos ngCelebrity Duets ngunit sa ngayon, natutuwa raw siya sa atensiyon na ibinibigaysa kanya.

"I enjoy attention," hindi nahihiyang pag-amin niya. "At first I don't wantto accept the contest but then I know it will be hard, it will be a challenge, andI will be with new people, so I said yes."

Hindi mahiyahin si Phil, parang manikang de susi na kapag pinakanta mo ngkanyang kakantahin sa Sabado, kakanta siya. Na-playtime din siya ng mgamanunulat nang tinanong siya ng mga kung ano-ano, na lahat naman ay sinagotniya.

Sino ang mas guwapo sa inyo ni JL?

"Ako."

Sino ang mas pinakamagaling sa inyong lahat?

"Ako."

Sino ang mananalo?

"Ako."

Nakibiro na rin si Joyce at ang mga sumunod na katanungan, may pagka-naughtyna. Pinatanong sa amin ni Joyce kung ano raw ang malaki kay Phil.

"Biceps," sagot naman niya.

Ano pa raw at dapat Tagalog.

"Ilong."

Ano pa, sa mas mababang parte ng katawan?

"Paa."

Ano ang maliit sa kanya?

"Wala."

Meron daw, biro ni Joyce.

"Ah yes, tenga."

Dahil playtime na, pinagkumpara namin siya kay JL na mahigpit na kalabanniya, kung attention at paguwapuhan lang din ang pag-uusapan. Biniro namin siyana kayang magluto ni JL para sa mga fans niya.

"I'll go topless!" patawa niyang sagot.

Pagkuwa'y nilaglag niya pa si JL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I like JL, he's a nice guy. But he always dances the same dance in allperformances!" sabay tawa ni Phil.

Hindi pa nagkasya, sinayaw ni Phil ang sayaw ni JL kaya nagtawanan kami.Biro namin sa kanya, isusumbong namin siya kay JL kapag nakita namin ito.

"But I said he's a nice guy," palusot naman ni Phil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN