Rufa Mae Quinto explains why her boyfriend got "jealous" while she was doing "I.T.A.L.Y."

"Hindi...nung nasa Europe kami—kasi wala kaming signal minsandahil nasa barko kami—hindi ko siya nakakausap, ‘tapos iba yung time-zone.Naging busy ako doon dahil super mabilisan kami sa paggawa ng I.T.A.L.Y. Paggising ko, may trabahona ako. ‘Pag patulog na ako, siya naman tulog na. Yung ganun? Yung time-zone,paiba-iba," Rufa Mae Quinto clarifies the rumor that her boyfriend Bobby Lopez got jealou


Handa na raw siyang maging "wife," pero inamin ni Rufa MaeQuinto na hindi pa siya handa na magkaroon ng baby. Although nasa isangrelationship siya ngayon, with Mexican-American boyfriend Bobby Lopez, tangingDiyos na lang daw ang nakakaalam kung for keeps na nga ang relationship na ito.

Ibinalita pa ni Rufa Mae sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na darating ngayong Sabado si Bobby para manood sa premiere ngpelikula niyang I.T.A.L.Y.(I Trust And Love You).

Masaya ring ibinalita ni Rufa Mae na tatlong buwan na sila ni Bobby atmagse-celebrate sila ng kanilang "monthsary."

JEALOUS BOB. Kinuha rin namin ang reaksyon ni RufaMae sa isyung nagseselos si Bob kay Dennis Trillo.

"Hindi...nung nasa Europe kami—kasi wala kaming signal minsandahil nasa barko kami—hindi ko siya nakakausap, ‘tapos iba yung time-zone.Naging busy ako doon dahil super mabilisan kami sa paggawa ng I.T.A.L.Y. Paggising ko, may trabahona ako. ‘Pag patulog na ako, siya naman tulog na. Yung ganun? Yung time-zone,paiba-iba.

"Nagselos siya pero hindi naman super. Parang... kinda,slight. May tiwala naman siya sa akin," paliwanag pa ni Rufa Mae nangmainterbyu siya ng PEP sa Congo Grille sa El Pueblo, Ortigas Center.

Madalas daw ay text-text lang ang nangyari at wala silangkomunikasyon.

"Nag-explain naman ako at nag-sorry dahil two days akongnaiwan," kuwento pa ng seksing komedyante. Dalawang eroplano ang umiwan sakanya, sa ‘Pinas pa lang at sa Hongkongkaya sumunod na lang siya sa Europe at siya na lang ang nagbayad ng sariliniyang pamasahe at nag-Economy na lang siya papuntang Europa.

Ano ang masasabi niya sa pahayag ni Dennis na wala pa rinsilang closure?

"After kasi namin noon...ng kung anuman...Di talaga namannaging kami. Basta yung closeness, mabilis na panahon,e!

"MU" or "mutual understanding" ba ang tawag dun?

"Dati? Hindi ko na nga alam, e! Baka may magalit pa,"pasintabi ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nga ba naputol ang magandang pagtitinginan nila niDennis?

"Hindi ko alam. Honestly, hindi ko alam. Okey naman kami. Soayaw ko nang magsalita."

"SOMETHING" WITH MARK. Sa Showbiz Central,tila nadulas sina Rufa Mae at ang guest nila roong si Mark Herras. Ano nga baang istorya sa kanilang dalawa ng tinaguriang "Bad Boy of the Dance Floor"?Nasa level din bang katulad ng nangyari sa kanila ni Dennis ang nangyari namansa kanila ni Mark?

"Ay, hindi!" sagot agad ni Rufa Mae.

"Ay, ayoko na. Takot na ako. Hindi kami umabot sa ganoon, e!Hayaan na lang natin kung ano ang feeling...basta. Ang importante ay yungpresent.

Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Mark?

"Nagte-text kasi Mark, e... Nothing much," pakiyeme pa nito saamin.

Pero nilinaw ni Rufa Mae na barkada talaga si Mark.

"Hindi kami gumigimik. Nagkikita, ganoon, sa Bubble GangToppings [dating restaurant na kasosyo niya ang ilang co-stars sa TV show na BubbleGang]. Kasama yung mga pinsan niya, kapatid. Barkada ," sambit niya.

Barkada nga si Mark pero nagpahaging ba talaga ito na gustosiya nito?

"Tahimik si Mark, e! Hindi nagsasalita kaya hindi ko alamkung ano ang purpose niya. Pero siguro para mag-text siya at saka dumating dun, siguro may meaning.

"Ang tagal-tagal na nu'n. Two years ago pa. Na-text yataniya ako ng, ‘I miss you,' dati. Malay mo naman nami-miss niya yungcompany ng I.T.A.L.Y. Yung...‘Wazzup!?'"

BOYFRIEND MATERIAL. Si Mark ba ay boyfriend material?

"I think so, pero hindi pa ngayon. Kung sa akin, a, kasibata pa siya, e! Hindi ko kasi inalam noon kung pang-boyfriend material siyadati. Pero feeling ko kasi mabait na tao si Mark, hanggang ngayon. Responsiblenaman. Nakapundar. Panay ang trabaho,tahimik," aniya.

So masasabi ba niyang mas boyfriend material si Mark kaysakay Dennis?

"Sa ngayon? Si Dennis kasi, gusto muna niyang magpahinga salovelife. Tinanong ko siya. Sabi niya, ‘Magulo, gusto ko munang mag-focus.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, kung naging sila ba ni Dennis, hindi rin kaya silamagtatagal?

"Kaya nga hindi kami nagkatuluyan kasi nga career niya angpriority. Kaya nga hirap na hirap akong sumagot. Basta ang masasabi ko lang,‘I Trust And Love You,'" bulalas niya, sabay tawanan kami.

May natitira pa ba siyang pagmamahal kay Dennis?

"Kahit sino naman ay maa-attract kay Dennis, dahil cutenaman siya, di ba? Noon, noon pa."

SOMEONE PROUD OF HER. So, parang sinabi na rin niyangmas boyfriend material si Mark kaysa kay Dennis?

"Si Mark, hindi ko pa nakakausap, bukod sa ‘wazzup?'s. Hindiko alam kung sino ang mas pang... Hindi ko puwedeng i-compare. Pero sangayon mas okey kami ni Mark, sangayon, ha! Mas close at puwede ko siyang kausapin," deklara pa niya.

Bakit nauuwi sa wala ang pagkaka-link niya sa mga lalakingartista?

"Kasi nga ang gusto ko, kailangan, kung liligawan ako,sana ay nagiging proud sila, paninindigan. Ang hinahanap ko ay yungmagbo-boyfriend ka na magiging proud. Ako naman ayaw kong mag-assume nangmag-assume kung gusto ba ako talaga," bulalas pa niya.

Trailer courtesy of GMA Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN