Emilio Garcia shares unforgettable experience in Montreal World Film Festival

"International film festival na yun, ha. Kaya iba angdating. Nagulat nga ako dahil pati si Bill Pullman, lumapit sa akin sa isangshowbiz function sa Hyatt Regency kung saan kami billeted during the festival.Ipinagmamalaki niya ako as somebody coming from the Philippines, kayatuwang-tuwa ako," relates Emilio Garcia.



Kagagaling lang ni Emilio Garcia sa katatapos na Montreal World Film Festivalsa Canada at ni-represent niya ang bansa, kasama ang direktor na si PaoloVillaluna, para sa pelikulang Selda (The Dying Inmate). Bagama't tinalong isang Japanese entry (Okurubito) ang nabanggit na pelikula, at angaudience favorite ay mula sa Quebec (Ce qu'il faut pour vivre, na angEnglish title ay The Necessities of Life), more than enough angexperience na yun kay Emilio para maramdaman na umabot na sa significant levelang kanyang pagiging aktor.

"Marami ang pumupuri, lalo na ang foreign press,"sabi ni Emilio nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)."Nalulula nga ako dahil hindi ko alam kung ineeklat lang ako ng mga yun,pero hindi namin sila talagang kilala, para lapitan kami at batiin dahilnapanood nga nila ang movie namin.

ACTOR BILL PULLMAN. "International film festivalna yun, ha. Kaya iba ang dating. Nagulat nga ako dahil pati si Bill Pullman,lumapit sa akin sa isang showbiz function sa Hyatt Regency kung saan kamibilleted during the festival. Ipinagmamalaki niya ako as somebody coming fromthe Philippines, kaya tuwang-tuwa ako," dugtong pa ng aktor.

Hindi makakalimutan ni Emilio ang pagkakataong yun natinandaan siya ng Hollywood actor na si Bill Pullman, na pumunta rito sa Pilipinas years ago para sa produksiyon ng BrokedownPalace. Mas kilala si Pullman sa Hollywood mainstream hits na IndependenceDay at Casper. Ipinakilala pa si Emilio sa ibang foreigners na dumalo sa festival.

"Pero, hindi naman talaga ako umasa na magwawagi ako ngacting recognition. Kahit marami sa press ang gusto kami, may jurors talaga nasiyang namimili ng winners," ani Emilio.

Ang nagwagi as Best Actor ayisang bata, si Eri Canete, para sa Mexican film na El Viaja de Teo(Teo's Voyage).

GAY ROLES. Bago lumipad at nakabalik mula sa Montrealsi Emilio, natapos niya ang indie film na Walang Kawala, kung saantampok din sina Polo Ravales at Joseph Bitangcol sa direksyon ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako makapaniwala nang ilapit sa akin angproject," sabi pa ng aktor. "Mismong si Direk Joel kasi angnagpatawag sa akin. Alam kong hindi ako ang first choice for the role nabaklang pulis, kung hindi si Jay Manalo, perohindi ko alam kung bakit hindi siya natuloy at sa akin na ipinagkatiwala angrole.

"It's not naman important para sa akin kung secondchoice lang ako, o kahit third or fourth choice. Basta, ang alam ko, malakingchallenge pa rin 'yan, at magandang follow-up para sa Selda na hindi akomakapaniwala, hanggang ngayon ay nare-recognize ako as an actor dahil sapelikulang yun," patuloy ni Emilio.

Alam ng marami na mahusay na aktor si Jay at lalong tataasang expectations kay Emilio kapag nalaman ng publiko na ang peg para sanabanggit na character ay si Jay Manalo nga.

"Gusto kong mabura sa isipan ng mga tao yun, na kapagako na ang napanood nila, ang gusto kong magmarka sa kanila ay ang character naginampanan ko bilang artistang si Emilio Garcia, na hiwalay roon sa darkcharacter ko roon.

"May pagkakontrabida ang papel, pero alam kong kahitsinong artista, matsa-challenge sa ganoong role. At iniisip ko na siguro, paratalaga sa akin yun. Hindi mapupunta yun sa akin kung hindi nakatakda,"nasabi na lang ng aktor.

Dahil sa Walang Kawala, tumatanggi na ang kampo niEmilio sa iba pang gay roles na inilalapit sa aktor. Kailangan daw na matagalanmuna bago siya gumanap uli na isang bading sa pelikula, lalo pa't habangisinusulat namin ito'y palabas pa rin sa ilang sinehan ang Eskandalo,kung saan isang baklang teacher ang role niya na winalanghiya at inabuso ngboyfriend nitong ginampanan ni Andrew Schimmer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN