Eugene Domingo defends Jolina and "I.T.A.L.Y." against detractors

"Naaawa rin ako kayJolina. Kapag nagbabasa ako ng mga comments ng ilang Pepsters sa PEP, nasinisiraan nila ang movie at si Jolina, siyempre hindi mo naman sila masisisikung ‘yon ang opinyon nila. Pero sana panoorin muna nila ang movie sa September17 bago sila mag-comment," says Eugene Domingo (center) about the criticisms against Jolina Magdangal (right) and their movie. With them in this photo is Mark Herras.



Nag-guest kahapon,September 10, sa SiS ang cast ng pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And LoveYou), ang co-production venture ng GMA Films at Viva Films. Ang cast dito ay sina Dennis Trillo, Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Mark Herras, at Eugene Domingo. Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-guest si Eugene sa SiS;ang una ay para sa promotion ng My Monster Mom at itong ikalawa ay para naman sa promo ng I.T.A.L.Y.

Tinanong sila ng hosts ng SiS na sina Janice de Belen,Carmina Villarroel, at Gelli de Belen kung saan sa pinuntahan nilang threecontinents, five countries, and 13 cities ang hindi nila malilimutan.

Narito ang mga sagot nila:

JOLINA: Sa Venice sa Italy. Matagal ko na talaga itonggustong puntahan dahil tuwing may mapapanood akong mga love story movies, angganda-ganda niyang location. Saka doon pala, kapag may ikinakasal,pinapalakpakan nila. Kaya nang naka-wedding gown akong sumakay sa gondola atnaglakad sa street ng Venice, pinalakpakan nila ako, akala nila totoong brideako."

DENNIS: Sa Barcelona in Spain. Napaka-romantic ng lugar, anggaganda ng mga churches nila doon. Yung mga architectural structures nila, ibatalaga, lalo na ‘yong Sagrada Familia church nila.

RUFA MAE: Tunisia in South Africa. Ibang-iba pala angculture doon, napaka-conservative nila. Kaya nagulat talaga ako nangpagkaguluhan ako doon dahil nang bumaba kami ni Dennis sa Costa Magica paramag-shoot ng ilang scenes, naging unruly sila! Yun palang mga babae doon, balotna balot sila; ako, naka-shorts and shirt lang. Kaya pala ganoon. To the rescuenaman sa akin si Dennis at niyakap niya ako!

DENNIS: Niyakap ko siya para ma-secure siya, kasi kahit mgamale vendors, lumalapit sa kanya. Kaya hindi rin kami nagtagal, bumalik kamiagad sa barko na kami na lang ang hinihintay kasi magse-sail na ulit ito sanext destination.

Isa rin sa napansin nina Dennis at Rufa Mae sa Tunisia, iisaraw ang kulay ng bahay doon—white lahat, at ang gate naman ay blue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARK: Sa lahat po ng lugar na pinuntahan namin saItaly. First time ko lang po doon, walaakong nakitang pangit, lahat maganda—mga tao, lugar—basta lahat maganda talaga!

EUGENE: Sa Milan in Italy. Ang mga tao kasi doon, puwedengmaghalikan ng ganoong-ganoon lang. Napaka-romantic talaga ng lugar.

If ever na makabalik siya sa Milan, sino ang gusto niyangdalhin doon?

"Si Mark!" natatawang wika ni Eugene. "Hindi,biro lang. Basta, yun lang ang napansin ko doon!"

SOUVENIRS FROM THEIR SHOOTING. Nagpabanggit din ang SiS sa cast ng mga souvenirs nila mulasa pagsu-shooting nila ng I.T.A.L.Y.

Si Rufa Mae ay accessories, at binigyan niya pa ang hosts ngSiS. Si Mark daw ay walang nabili masyado dahil ang mamahal daw. Si Dennis,isang mask na binili niya sa Tunisia at naka-decorate daw sa room niya. SiEugene, ang blazer at tie ng uniform niya bilang isang cabin attendant.

"Very significant sa akin ng uniform na ginamit ko samovie," paliwanag ni Eugene. "Wala naman kaming dalang uniform at doon na kami binigyan sabarko. Pero kailangang kami angmaghanap ng uniform na gagamitin namin kaya pumunta kami sa ibaba ng barko,nandoon pala lahat ng mga OFWs na nagtatrabaho doon, iba-ibangnationality.

"Doon nagsimula ang bonding namin ni Jolina dahil ang hirapniyang ihanap ng uniform, ang liit kasi ng size niya. Kami lang kasi ni Jolens at si Mark ang nagsuot ng uniform ng mgakabinista, at halos maghapon kaming naghanap ng isusuot naming uniform. Tuwang-tuwanaman ang mga kababayan natin doon dahil gagamitin namin ang uniform nila. Atpumayag naman sila na gawing souvenir ko yung uniform na ginamit ko.

"Nagtuloy ang bonding namin ni Jolens sa bawat lugar nabumababa kami, lagi kaming naghahanap ng mga churches. Sa La Mallorca sa Spain,ang daming simbahan doon. Nagdasal at nag-wish kami ni Jolina. Kahit pa saradoang simbahan, kahit nasa gate o nasa steps lang kami ng church, dasal at wishkami na muling makabalik doon, at maging safe ang lahat ng travels namin, atmaging successful ang movie," lahad ni Eugene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEFENDING JOLINA. Sa hiwalay na panayam naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Eugene sa taping ng Ako Si Kim Samsoon, tinanong namin siya kung may pressure ba sa kanya ang pagpapalabas ng I.T.A.L.Y.,lalo pa't isa na siya sa mga bida.

"Yes, siguro nga may pressure din at naaawa rin ako kayJolina," seryosong sagot ni Eugene. "Kapag nagbabasa ako ng mga comments ng ilang Pepsters sa PEP, nasinisiraan nila ang movie at si Jolina, siyempre, hindi mo naman sila masisisikung ‘yon ang opinyon nila. Pero sana panoorin muna nila ang movie sa September17 bago sila mag-comment.

"Ako kasi, suwerte sa akin talaga itong movie dahil firsttime ko lang makapag-cruise aboard a luxury liner na parang lumulutang na SMmall, at makarating sa Europe nang libre, kumita pa ako. At masasabi kong bagonaman ang io-offer namin sa mga manonood. It's a treat para sa kanila, na samurang-murang halaga, para na rin nilang napuntahan iyong mga lugar napinuntahan namin.

"Saka hindi lang yung mga magagandang lugar angmapapanood ninyo, yun ding iba-ibang klase ng love na nakapaloob sa story ngmovie. Yung love kay God, yung love na hindi matuloy-tuloy, love na natagpuandoon, love sa family. Napaka-wholesome ng movie na puwede ninyong isama angbuong pamilya.

"We are all proud of this movie dahil hindi nagtipidang mga producers para lang makapagbigay ng isang magandang pelikula.Napakahusay din ni Direk Mark [Reyes] na napaka-cool magdirek, first time ko langsiyang nakasama. Yung cooperation na ibinigay ng buong production staff, nawalang nagreklamo sa mahirap na trabaho at sobrang lamig ng panahon noongnagsu-shooting kami roon. Kaya I'mvery, very grateful na kinuha ako rito ng GMA Films," saad ni Eugene.

Ayon kay Eugene, pagkatapos ng Ako Si Kim Samsoon aymagku-concentrate muna siya sa dalawang pelikula niya for the 2008 Metro ManilaFilm Festival (MMFF)—Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema at Desperadas2 ng Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saang float siya sasakay sa Parade of Stars sa December 24?

"Baka magbakasyon muna ako sa December after theshooting. Medyo nagkasunud-sunod talaga ang trabaho ko at baka bumalik na langako sa awards night ng MMFF," wika ni Eugene.

Sa Sunday, September 14, big promo ng I.T.A.L.Y. sa SOP. Bukodsa buong cast, may dalawang very special guests silang makakasama. Sa gabinaman ang red-carpet premiere night ng movie sa SM Megamall Cinema 9.

Trailer courtesy of GMA Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN