Sarah Geronimo is falling for a very good dancer

"Wala namanakong magagawa kung manliligaw sila, kung gusto nila ako. Pero sino ba angmagkakagusto na parang naggagamitan na lang para mapag-usapan? Definitely,hindi ko po gusto ang ganoong idea," says Sarah Geronimo about being courted for publicity's sake.



Napapangiti na langang Pop Princess at ang tinatayang next Box-Office Queen na si Sarah Geronimosa kung anu-anong intrigang nagli-link sa kanya, sa kung kani-kaninong lalaki. Anglatest na gumagawa ng ingay ay ang pagkaka-link niya sa singer na si RonnieLiang, na nagpapagawa na raw ng mansyon para kay Sarah.

"Sana, maymansiyon talaga! Ano naman ang puwede kong i-comment?" natatawang sabi niSarah sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Alangan din kasingmagsalita si Sarah na nanliligaw raw sa kanya si Ronnie, na halatang sa publicitylang naman nangyayari. Hindi man lang ba nagte-text sa kanya ang dating PinoyDream Academy runner-up?

"Hindi ko namatandaan kung sinu-sino ang nagte-text, pero hindi naman ako basta sumasagot,e," nasabi na lang ng dalaga.

Ano na ang nangyarikay Mark Bautista na openly ay nanligaw talaga sa kanya?

"Ayokong isipinna binasted ko siya, pero siya na mismo ang nagsabing nanligaw siya sa akin.Pero gusto ko lang kasing mas pahalagahan yung friendship. Nag-uumpisa pa langkami, magkaibigan na kami. Parang ayokong isipin na magkakaroon kami ngrelasyon. Mayroong ilang factor kapag ganoon.

"But, we'restill friends," paglilinaw ni Sarah. "Naging prangka siya sa akin, nagingprangka rin ako sa kanya. Mas magtatagal kami ni Mark as friends dahil matindina ang pinagsamahan namin."

CERTIFIED BOX-OFFICE STAR. Obvious na darami paang admirers at suitors ni Sarah na makikiagaw sa espasyo sa mga tabloid parasa tsismis at publicty–lalo na't certified box-office star na rin siya dahilkumita nang husto ang first movie niya where she played a major lead role, angblockbuster na A Very Special Love.

"Ganoon po ba yun? Dahil lang kumita ang movie namin?" natatawa niyang sabi. "Kung yun langang dahilan kung bakit manliligaw sila, hindi po yata maganda!"

Sarah doesn't wantto sound boastful, pero nasabi nga niya na maingat siya sa ganitong bagay.

"Wala namanakong magagawa kung manliligaw sila, kung gusto nila ako. Pero sino ba angmagkakagusto na parang naggagamitan na lang para mapag-usapan? Definitely,hindi ko po gusto ang ganoong idea," malumanay na paliwanag ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SARAH IS NOW A WOMAN. Pero ang bago sa mganasabi ni Sarah, sa paglulunsad sa press kamakailan ng kanyang bagong album saViva Records na Just Me ay ang pahayag niyang: "I am a woman now!"

Isang pagdedeklarana may napupusuan na rin si Sarah, pero mananatili raw niyang lihim itohangga't maaari.

"Nakakahiyakung magsasalita ako. Basta, mahilig siyang magsayaw!" at natawa na langsiya. "Ayoko nangmagsalita pa about him. Nakatutuwaan ko lang naman siya. Basta, masaya akokapag nakikita ko siya. Hindi ko nga alam kung alam na niya yung ganoongfeeling ko. Nakakahiya talaga!"

Nabawasan na nga angpagkabungisngis ni Sarah, at yun ang nagpatotoo sa sinabi niyang, "I am awoman now!" Marami ang nagsasabing baka si John Lloyd Cruz ang lalakingnabanggit ni Sarah.

"Ay, hindi po!Wala talaga!" tanggi ni Sarah.

Marami ang nag-warnkay Sarah na maganda ang dating ng tambalan nila ni John Lloyd at huwag na rawmagpakapersonal sa anggulong ito at baka doon pa masira ang kanilang team-up.

"Magpapatuloyang working relationship namin ni Lloyd, kasi ang susunod kong movie, siya parin ang kapareha ko, for Viva and Star Cinema uli. Para sa Valentine's Day nanext year," sabi ni Sarah.

Mukhangpapaghintayin pa niya si Piolo Pascual na nagsabing gusto nitong makatambal siSarah sa isang pelikula.

"E, gusto korin pong maka-partner si Papa P," sambit ni Sarah. "Pero darating dinyun. I'm really very happy na sinasabi ni Papa P yun, na gusto niya akongmakatrabaho. Hindi naman malayong mangyari yun.

"Kaya lang, kailangan siguro na habang maydemand for a follow-up project with Lloyd, yun na muna ang pagtuunan namin ngpansin. Gusto ko rin sana, it will be something very different sa unang nagawanamin," pagwawakas ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN