Toni Gonzaga and Vhong Navarro team up again in Star Cinema's "My Only U"

After three years since their last movie together (D' Anothers), Toni Gonzaga and Vhong Navarro are back together in the new Star Cinema movie My Only U.


Ilalabas na ng Star Cinema ang bagong pelikula ng matagumpay na tambalang Vhong Navarro at Toni Gonzaga. Pinamagatang My Only U, kahawig ng email icon na smiley ang letter "U" sa title. Ang My Only U ay bahagi pa rin ng 15th anniversary offering ng Star Cinema.

Matatandaan na unang nagtambal sina Vhong at Toni sa blockbuster movie na D'Anothers sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal noong 2005.

Hindi agad nagkaroon ng follow-up projects sina Vhong at Toni at pinaghiwalay sila sa mga sumunod na pelikula nila sa Star Cinema. Binigyan ng kanya-kanyang projects at kapareha sina Vhong at Toni sa hanay ng mga baguhang artista sa ABS-CBN at Star Cinema Productions.

Ipinareha nga noon si Toni sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Sam Milby sa You Are The One noong 2006, na sinundan ng You Got Me with Zanjoe Marudo last year, at ang My Big Love na kasama naman si Kristine Hermosa early this year.

Si Vhong naman ay naging busy sa mahahalagang TV assignments at ang sumunod na movie project niya ay ang Agent X-44 (2007), kasama sina Pokwang at Mariel Rodriguez. Ipinalabas naman early this year ang last movie ng yumaong direktor na si Manong Gilbert Perez na SupahPapalicious.


Ang My Only U ay hindi lang balik-tambalan nina Vhong at Toni kundi pagbabalik din ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina. Si Direk Cathy ang nagdirek ng box-office movie last year nina John Lloyd at Bea Alonzo na One More Chance. Ang One More Chance din ang nagluklok kina John Lloyd at Bea bilang 2008 Box-Office King and Queen, respectively.

This year, umabot na sa seventh week ang highest-gross earning movie of the year na unang tambalan nina John Lloyd at Popstar Princess Sarah Geronimo, A Very Special Love.

Magpi-pictorial ngayong araw sina Vhong at Toni para sa poster ng bago nilang movie kung saan iha-harness daw at ibibitin sa ere ang mga bida ng My Only U.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN