Paolo Contis applauded on finale in his first Cosmo Bachelors' Bash ramp

"Actually,yun ang pinaka-nakakakaba. Yung feeling mo na walang papalakpak sa ‘yo, kayanang marinig ko naman ang response ng tao, gumaan na ang loob ko," saysPaolo Contis about his first Cosmo Bachelors' Bash ramp.


Kahithindi si Paolo Contis ang cover boy ng Cosmomensa Cosmopolitan Bachelors 2008, si Paolo ang naging pang-finale sa Cosmo Bachelors' Bash na ginanap sa A Venue Events Hall, Makati City, kagabi, September 11.

Maytemang "Wet and Wild" ang 2008 Cosmo show, kaya naman naka-topless andwhite pants si Paolo at basang-basa noong rumampa sa stage. Inamin sa interbyuniya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang rumampa nakinabahan siya sa unang pagkakataon niya sa Cosmo Bachelors' Bash.

"Kinakabahanako kasi, pinulikat ako habang umaakyat! Sabi ko sa trainer ko, ‘Stretch mo,stretch mo!' Siguro kasi, kinakabahan ako. Pero alam n'yo, dahil sigurofirst time kong ginawa yun, buong hapon, hindi ako kinakabahan. Noong sumampalang, saka lang ako medyo kinabahan nang konti," natatawang kuwento niPaolo.

SUPPORTFROM DINGDONG. Ang kaibigan at gym buddy niyang si DingdongDantes daw ang isa sa nakapagpa-convince sa kanyana rumampa.

"SiDingdong kasi, isa siya sa mga kasama ko palagi sa gym. So, sabi niya, ‘Pagandaka nang paganda palagi ng katawan. Sabihin natin sa Cosmo, gagawin mo.'So, yun, tinawagan nga nila ‘ko."

Andspeaking of Dingdong, tinupad nga nito ang pangakong kapag si Paolo naman angrarampa ay susuportahan din niya ito, tulad ng ginawa rin ni Paolo na pagsuportakay Dingdong noong Blackout naman.

Masiglang pagkukuwento pa rin ni Paolo, "Masaya!Masaya ‘ko! Kasi, nasa taping siya ngayon ng Dyesebel. Pero, pinuntahanniya ‘ko during their dinner break kahit na malayo ang taping niya. Pinuntahanniya ko to make sure na okey ako. Sayang nga lang, hindi siya nakaabot samismong ramp, pero, babalik ulit siya mamaya, magkikita kami para maghanap kaming buffet! Bakakumain kami sa Dampa! Tatlong linggo akong hindi kumakain, so, pina-reserve kona ang lahat ng sugpong puwedeng kainin."

Hindina rin daw nagawa ni Paolo ang pinag-usapan nila ni Dingdong na uminom munasiya ng isang shot para pampalakas ng loob.

"Hindiko na nga nagawa! Nasa plano ko nang tumungga, pero sa sobrang kaba, ang damikong planong gawin sa stage, uminom sa stage...Kaso kinabahan ako, wala akongnagawa. Pero buti na lang na-enjoy ko rin sa second kong labas, nawala rin angkaba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahilsa pagpapaganda niya ng katawan, posible ba na ang kasunod nito ay angpagtanggap naman niya ng mas sexy at mas daring na role?

"Tingnannatin. Kung darating, darating ‘yan. Sayang naman ang pagpapaganda ko,kung itatago na lang natin palagi. E, di, pataba na lang tayo ulit. Bastanaman magandang materyal, magandang project, puwede naman nating gawin."

ISABEL'SSUPPORT. Katabi ng PEP ang girlfriend ni Paolo na si Isabel Oli, kung kaya't kitang-kita namin nangmapapalakpak ito at halatang very proud nang lumabas na nga ang boyfriend sastage.

Ikalawangpagrampa na lang din nang makita ni Paolo ang girlfriend sa audience.Nag-flying kiss pa siya rito. Obviously, sa naging desisyon ni Paolo narumampa at magpa-sexy ay all-out din ang suporta ng kanyang girlfriend.

Anongmasasabi niya rito?

"Masaya!Alam n'yo, kausap ko siya kahapon. Sabi nga niya, ‘Kung maiilang ka na nandyanako, hindi ako pupunta. Hihintayin na lang kita sa labas.' Sabi ko, ‘Hindi.Pumunta ka! Kahit naman ano ang gawin ko, alamkong hindi ka magagalit, e. At saka, wala naman akong gagawing bastos.'"

Nang makita na nga niya si Isabel na nanonood sa kanya, mas kinabahan ba siya?Mas nailang?

"Hindi,hindi. At saka, isa nga siya sa mga dahilan kung bakit hindi ako kinakabahanmasyado. Alam ko na nandyan siya. Alam ko na kahit walang pumalakpak, may isangpapalakpak. At least, sure ako dun!

"Alam n'yo, malaking tulong din si Isabel na hindi siyanakikialam with whatever I do. She's very supportive at hindi niya ‘kosinasabihan na huwag mong gawin ‘yan, huwag mong gawin ‘to. Alam niya na kapagnagdesisyon ako, kaya kong i-justify yun. Isa ‘yun sa malaking tulong kasi,mahirap kapag pinapakialaman ako, which is, hindi naman ganoon si Isabel."

CONFIDENTTHAT HE COULD DELIVER. Nangiti lang si Paolo at halatang masaya nangsabihin namin na in-terms of palakpak, walang-duda na hinintay nga ng lahat angpagiging finale niya at marami ang pumalakpak nang makita na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well,yun... Actually, yun ang pinaka-nakakakaba. Yung feeling mo na walang papalakpaksa ‘yo, kaya nang marinig ko naman ang response ng tao, gumaan na ang loob ko."

Ayonkay Paolo, wala naman siyang fear na baka ma-disappoint lang ang manonood sa kanya or hindi niya magawa ang expectations ng mgaito.

"Kungsa katawan or what, hindi naman... Pinaghandaan ko namang mabuti. Ayokonamang sumabak ng hindi ako handa. I'm confident naman na magagawa ko kung anoang gustong ipagawa ng audience."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN