Angelica Jones asks Gabby Concepcion to be guest in fund-raising show "Beyond Tragedy"

Angelica Jones will have a fund-raising show this comingSeptember 12, at the Metro Bar in Pasig City. One of her guests will be Gabby Concepcion.


Pagkatapos ng trahedyang nangyari sa mag-inang AngelicaJones at Mommy Beth—ang pagkasunog ng kanilang condo unit kung saan nanirahanang mag-ina for many years—pansamantalang nanahimik din ang showbiz careerng comedienne-actress.

Walang masyadong nabalitaan mula kay Angelica at maging saina nito, kundi ang pagkakaroon lang ng alitan ni Mommy Beth with Mommy AnnetteTaylor, ang ina ni Maui Taylor. Ang huling pinag-awayan nga ng dalawa ay maykinalaman sa pagbubugaw diumano ng isa't isa sa kani-kanilang mga anak.

ANGELICA JONES, BEYOND TRAGEDY. Sa ngayon, isangfund-raising show ang pinagkakaabalahan na muna ngayon ng mag-inang Jones. AngelicaJones, Beyond Tragedy ang title ng show na gaganapin sa Metro Bar onSept. 18. Ang kikitain daw ng show na ito ay mapupunta sa pagsisimula nilauling mag-ina at pangtulong na rin sa ilan pang mga nangangailangan.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayAngelica, ikinuwento nitong isa sa special guest nila si Gabby Concepcion. Bida pa ng sexy comedienne,nag-cancel pa nga raw ng isang show niya ang aktor para lang makarating safund-raising show niya. Nilinaw niya rin na hindi naningil ng mataas na talentfee si Gabby, in fact, wala nga raw itong tatanggapin na talent fee sapag-appear nito sa show nila.

"Wala, mabait si Gabby, I'm sothankful nga dahil isang malaking karangalan na napapayag ko siya na mag-guestsa show ko na no money involved. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala angkalooban ni Gabby na magge-guest siya sa show for free dahil gusto niyangmagkatulong.

"I know darating siya kasi may word of honor naman si SirGabby. Tingnan na lang natin sa Sept. 18. Nakita ko naman na may isang showsiya sa Batangas na kinansel niya para lang [makarating siya] sa show ko."

ASKING PERMISSION. Open book ang away na namamagitansa ngayon sa pagitan nina Gabby at sa manager nitong si Mommy Rose Flaminiano.Paano naman nakumbinsi ni Angelica ang manager ng actor na um-appear ang alaganito sa show niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpaalam ako kay Mommy Rose last month na kukunin kosi Gabby na mag-guest sa show ko, ang sabi naman ni Mommy Rose na wala rawproblema sa kanya dahil fund-raising ito, pero kailangan pa raw magpaalam kayGabby. Sabi niya, talk to Gabby, pag pumayag daw wala raw problema sakanya. Siyempre kailangan kong magpaalam kay Mommy Rose as respect sa kanyabilang manager ni Gabby. As respect naman kay Gabby as her talent, kailangankong magsabi rin sa kanya.

"Last week, I talked to Gabby and he said yes. He confirmedna pupunta siya sa show and tutulong siya for a cause."

PLEASE, NO INTRIGUES. Nakiusap din si Angelica nahuwag bigyan ng kulay ang pagbibigay ng tulong ni Gabby ng mga intrigero'tintrigera.

"Sino ba naman ako? Angelica Jones lang ako na magge-guestang isang Gabby Concepcion sa show ko, and sobrang thankful talaga ako sakanya. Ang gusto lang niya ay makatulong. Sana huwag nilang lagyan ng kulay omalisya. Ako, never kong iniisip ‘yan kasi malaki ang respeto ko kay Sir Gabbyand siyempre ganun din ang respeto niya sa akin at ayokong mawala yun."

Pagmamalaki ni Angelica sa PEP, hindi lang isang simplengsong and dance show ang mapapanood sa Metro Bar sa September 18, kundi mistulaitong biography ng buhay niya na magpapakilala sa tunay na Angelica Jones.

"Itong show kong ito, di lang simpleng song and danceang gagawin ko, para siyang pelikula na, sino ba talaga si Angelica Jones?Ipapakita dito yung nangyari sa akin sa show business, sa politics, sa lovelife ko. Nung nasunugan kami at ano ang lessons na natutuhan ko sa mga nangyarisa buhay ko. I have songs for my mom, for my friends at doon sa mga taongnaging part talaga ng buhay ko."

IT MADE THEM STRONGER.Hanggang ngayon ay tinatawag na stage mother si Mommy Beth kesa talentmanager. According to Angelica, okey lang ito sa kanya at ang ganitongklase ng isyu ay hindi na nila pinapansin na mag-ina. Malaki raw ang nagawa ngtrahedyang nangyari sa buhay nilang mag-ina at higit na pinatatag daw nito angrelasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can say na normal lang sa isang nanay yun, nakakalimutankasi ng mom ko na she's a manager, nadadaig pa rin ng pagiging ina niya angpagiging manager ko. Sa akin kasi tested na that mother knows best.

"Dumaan din kami sa maraming pagsubok ng mommy ko and I cansay na tapos na yung mga ganung pagsubok sa amin. After nung masunugan kami,mas nagkasundo kaming mag-nanay, mas naging close kami, mas naintindihan naminang isa't isa, mas humaba ang pasensiya niya, mas naging low-profile siya. Akonaman natutuhan ko yung contentment sa simpleng buhay, yung importansiyang peace of mind, ng happiness and true friends."

ON GOOD TERMS WITH MAUI. Nangtanungin ng PEP kung ano ang reaksyon niya sa awayang Mommy Beth Jones at MommyAnnette Taylor dahil sa bugawan issue, umiwas na magbigay ng komento siAngelica. Siniguro naman niya sa amin na hindi sila naging magkaaway ni Mauidahil sa nasabing isyu.

"No comment ako tungkol diyan kasi away nila yun. Hindiko alam ang pinagsimulan ng away nila pero sana magkaayos pa rin.

"Hindi kami magkaaway ni Maui, away ng mga magulang naminyun, labas kaming mga anak nila. Hindi pa kami nakakapag-usap kasi we don'thave time. Ako, focused ako dito sa show ko and I know busy rin siya sa mgatrabaho niya."

Ang Angelica Jones, Beyond Tragedy ay produced ng BLJProduction. Ilan sa mga guests ni Angelica ay sina Gabby Concepcion, PoloRavales, Giselle Sanchez, Mojack, at iba pang mga artista na hindi na nga langnailagay sa poster pero nagkumpiramng darating para suportahan ang show niAngelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN