Toni Gonzaga excited about team-up with Vhong Navarro in "My Only U"

"Si Vhong kasi is a very good friend of mine and I alwaysenjoy working with him. Matagal na rin since our last movie. Nagkikita na langkami halos sa ASAP, so, I'm happy and excited working with him again,"says Toni Gonzaga about Vhong Navarro.


Medyo matagal na ring hindi nakagawa ng pelikula si ToniGonzaga. Kaya hindi maitatagong excited nga siya with her new movie under StarCinema, My Only U. Addedfactor pa nga na ang kasama niyang muli ay ang kaibigang si Vhong Navarro. Ang last movie nila together was around three years ago, D' Anaders.

Malaki ang pressure sakanilang dalawa ni Vhong ngayon dahil sa pagiging consistent box-office hit ngmga pelikula ng kanilang director na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Sabi nga ni Toni, "Of course, ako naman palagi kong sinasabithat every time I do a movie, hindi naman mawawala ang pressure. But I think,hindi namin nararamdaman yun when it comes to working together on a set. Kasi,mas nagpo-focus kami on the enjoyment and camaraderie of the group."

Mahirap ba na sa lahat, yung balik-tambalan nila ni Vhongang isinasalang ngayon ng Star Cinema after the film company's series ofsuccesses?

"Well, hindi naman siguro yung sobra-sobrang pressure, pero,siyempre, nagwi-wish ka na sana, kahit paano, maabot mo kahit konti yung mgaprevious movies."

Anong character niya ngayon sa My Only U?

"This is something different sa mga nagawa ko na before.Medyo hindi siya yung ganoong kaingay. Nagti-tame-down siya. Mahinhin. ‘Tapos,best friend ni Vhong."

Is it true na sa lahat ng naging leading men niya, si Vhongtalaga ang gusto niyang makatrabahong muli sa movie?

"Oo naman! Palagi naman yun. Si Vhong kasi is a very goodfriend of mine and I always enjoy working with him. Matagal na rin since ourlast movie. Nagkikita na lang kami halos sa ASAP, so, I'm happy andexcited working with him again."

Balitang may kissing scene sila ngayon ni Vhong pero,natatawa itong nagsabi na hindi pa raw yata niya puwedeng kumpirmahin kung maykissing scene ba talaga sila ni Vhong sa movie o wala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN