Mariel Rodriguez has no problem wearing only undies for pictorials

"Puwede namang mag-pictorial na hindi naman malaswa," saysMariel Rodriguez who posed wearing only sexy undies in Hot Pink Lingerie publicityphotos.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si MarielRodriguez kahapon, September 12, sa mismong shop ng Hot Pink Lingerie sa MarkatiPalazzo, Podium, Pasig City. Ang underwear line ng Hot Pink Lingerie ang endorsement ngayon ni Mariel. Pag-aari ang business na ito ng kanyang kapatid nasi Kaye Garcia at ng asawa nitong si Carlo.

Ayon kay Mariel, four years na raw ang Hot Pink at ngayonnga, siya ang very first celebrity endorser nito. Bago pa man nagingendorser nito si Mariel, matagal na raw niya itong ginagamit.

"You know before, even before akong nag-endorse, I think,July yata ako nag-endorse ng Hot Pink, pero four years na ang Hot Pink. Simulanoon, nagsusuot na ‘ko because my sister is the designer. My sister owns it.So, majority of my pajamas inside the house, yung bras, underwear ko inside thePinoy Big Brother House, Hot Pink yun," pagmamalaki niya.

Kinailangan pa bang kumbinsihin siya to be their endorser,lalo na't sa mga publicity photos ng Hot Pink ay naka-bra't panty lang siya?

"No! Hindi! They didn't have to...Actually, siyempre kasi,little sister ang tingin niya sa akin, so, hindi naman niya ini-imagine namag-a-underwear pictorial ako, di ba? Pero after I came out in a men'smagazine, I think, that opened her eyes na okey lang naman.

"Puwede namang mag-pictorial na hindi naman malaswa. And I'mso happy.

"Let's face it, we all wear underwear! I'm sure ikaw,naka-bra at panty ka ngayon, ikaw rin!" sey nga niya sa mga kaharap nareporters. "So, why not wear Hot Pink? It doesn't have to be ano naman, di ba?So, yun ang nice."

ASKING TITO BOY. Pero siyempre, kahit kapatid niya si Kaye, dumaan pa rin ang project sa kanyang manager na si Boy Abunda.

"She asked me kung okey lang daw ba sa akin? Sabi ko, sige,okey lang. Pero let's ask Tito Boy because Tito Boy is my manager. Siyempre, siTito Boy, matagal na silang tinutulungan ni Tito Boy. When they we're startingpa lang, Tito Boy helped them out na already. So, parang consultant na nila siTito Boy. And he was like, ‘Yes, no problem! I like Kaye! I love Carlo, noproblem!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nagre-react ang boyfriend niyang si Zanjoe Marudosa mga sexy pictorial niya?

"No naman...at saka, bakit, e, siya rin naman underwear modelrin naman siya. So, huwag siyang maarte, ‘no! Ha-ha-ha! And sabi naman niya samga picture, ‘eto maganda, ito rin..."

VARGA. Samantala, lumiliwanag nga lalo ang mukhani Mariel when asked about Varga. Ibang-iba raw ang pakiramdam niya nakapag may mga taong imbes na sa totoong pangalan niya, "Varga"na ang tawag sa kanya.

"Ay, alam n'yo, kapag tinatawag nila ‘kong ‘Varga,' kinikiligtalaga ako. Sorry ha, oo talaga. Pero ganoon pala. Kasi, feeling ko,nakakapanood sila. I love it. ‘Hi, Varga!' Gagano'n sila. Nakakatuwa. At saka,first time na tinatawag akong ibang pangalan, kaya feel na feel ko talaga.

"Sorry, ha, pero, feel na feel kong talaga," very Mariel parin niyang sabi.

Three months ang itatagal sa ere ng Varga peromay surprise daw sila after this.

"Ilalabas kasi after si John Prats, nagsu-shoot na sila. Atnakita ko ang pictorial nila. Pero next year, we have a super-surprise! Perohindi pa ‘ko puwedeng magsabi. Bahala na kayong mag-isip kung ano yun,"pambibitin pa niya.

Mukhang pang-comedy nga yata siya?

"Para nga...alam n'yo, kahit yata umiiyak ako or kahit ano,parang natatawa pa rin yung mga tao.Pero sabi nga nila, someone told me, yung mga nakakapagpaiyak talaga ay yungmga komedyante. Kasi, sanay kang nakikita na nagpapatawa, masaya."

WORKING EVERY DAY. Masasabi nga raw na araw-araw aynagtatrabaho siya at wala siyang maitururing na day off talaga. Daily siya sa Wowowee,bukod pa sa Entertainment Live every Saturday, at every Sunday naman angtaping niya ng Varga.

"Wala talaga akong day off. Pero siyempre, Monday to Friday,ano lang naman, Wowowee, unless tulad ngayon, nagpe-presscon tayo or mgapictorial. So, every day, meron pa rin something. Pero kapag, halimbawa, Wowoweelang ang work ko for that day, yun na ang pinaka-break ko na nakakapag-mallako. Nanonood ako ng TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, you'll be surprised kasi, napapanood ko ang lahatng teleserye ng ABS-CBN. Meron akong time na ganoon. So, there's no problem."

TIME WITH ZANJOE. So, paano pala pumapasok ang timenila together ni Zanjoe Marudo?

"Okey naman, kasama ko siya tuwing Sunday dahil magkasamakami sa Varga. After dinner nakakapag-dinner kami. Or like yesterday,nagte-taping siya for Banana Split, ako naman, nagte-taping naman akofor Wowowee, so, nagkita kami sa ABS-CBN."

Parang kung titingnan, very smooth ang relationship nila?

"Yeah. E, kasi, matagal ko na rin naman siyang nakilala. Angtagal na ng process. Siguro naman, okey na.

"Bakit ganoon, kapag sinabing kayo na, ang gusto naman,mag-away or maghiwalay? Pero siguro, ganoon talaga yun para masaya," natatawana lang niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN