A different Vhong Navarro will be seen in "My Only U"

"Si Direk kasi, gusto niya na yung acting ko, mala-Tom Cruise rito.Kasi parang ano, ayaw niya yung mga nagawa kong movie na nagpipilit magpatawaor nagtatawa. Ayaw niya yung palaging magalaw ang kilay ko, mga facialexpression," says Vhong Navarro about his portrayal in his new movie MyOnly U.


Nagkaroon ng pictorial sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ang pelikulang MyOnly U ng Star Cinema na nagtatampok muli sa tandem nina Toni Gonzaga at Vhong Navarro under the direction of Direk CathyGarcia-Molina.

Medyo nanibago ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ayos ngbuhok ni Vhong during the pictorial kaya tinanong agad namin si Vhong kung bakit ganun nga ang ayos ng buhok niya.

"Si Direk Cathy kasi, gusto niya maiba ang buhok. Kasi, di ba,nakilala nila ‘ko na tayu-tayo ang buhok. So, akala nila parrot. Thistime, ginawa naman nilang parang Rico Yan angbuhok."

Nami-miss na rin daw kasi niya si Rico dahil matagal na itong wala.Pero, pabiro nitong sinabi na wala naman daw siyang planong sundan ito kungnasaan man ito ngayon.

A DIFFERENT VHONG. Medyo ibang Vhong dawang mapapanood sa kanya sa movie.

"Si Direk kasi, gusto niya na yung acting ko, mala-Tom Cruise rito,"natatawa niyang hirit. "Kasi parang ano, ayaw niya yung mga nagawa kong moviena nagpipilit magpatawa or nagtatawa. Ayaw niya yung palaging magalaw ang kilayko, mga facial expression."

Biniro namin si Vhong na challenge pala for him ang movie naginagawa ngayon.

"Oo! Sobra! Para akong pumapasok sa school na nagri-review ako ngmga gagawin ko para maiba naman. Which is, tama naman si Direk para maiba namanang makita na Vhong dito sa movie. At saka, may mga drama scenes, cryingscenes."

Reunion movie nga nilang dalawa ni Toni ang My Only U. Howwas it naman?

"Ay, ang saya namin sa set! Sabi nga, after three years, sabinga ni Direk Cathy, kahit walang script, mukhang tatakbo itong pelikula.Nag-e-enjoy siyang pinapanood kami, e. Kasi, parang ang kulitan namin ni Toni,kahit walang tulugan at puyatan, nandoon pa rin ang energy. Talagangnag-e-enjoy kami at na-miss namin ang isa't isa."

MISSING TONI. Na-miss ba niya si Toniafter three years na hindi sila nagkasama? Their last movie together was D'Anaders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang... Pero nakita ko sa mga mata niya na mas na-miss niya ‘ko.Pero, na-miss ko siya! Kasi nagkikita naman kami sa ASAP pero na-missnamin yung every day kaming nagkikita. ‘Tapos, nag-D' Anaders pa kami."

Galing sa sunud-sunod na box-office hits ang Star Cinema, maypressure na ba sa kanilang dalawa ni Toni ngayon para ma-sustain ang naitatalang Star in terms of box-office results?

"Sobra! Sobra! Lalo na si Direk Cathy, box-office director natin, nasobrang mabigat ang pinagdadaanan namin ni Toni ngayon. Pero ako naman, everytime na gumagawa ng pelikula, palaging nandoon yun. Siyempre, gusto natinna ang expectation ng Star Cinema, maabot namin or mabigay namin kahit paano."

NO LOVELIFE INTERVIEW, PLEASE. Medyonagulat ang PEP dahil nang kumustahin naman kay Vhong ang kanyang rumoredgirlfriend na si Desiree del Valle, hindi siyanagsalita. Kaya ipinaalala namin sa kanya na di ba nga't annulled na angkasal niya kay Bianca Lapus?

"E, yun ang utos ng lawyer, so, hindi pa. Hindi pa... Basta, yun angsabi ng lawyer ko."

Di ba nga't nagsalita na si Bianca tungkol sa naturang annulment nana-grant na ng korte at lumabas pa nga na sa annulment nila, tila ito ang nadiinnang husto?

"Panig niya yun, e...panig niya. Pero sabi ng lawyer ko, hangga'tmaaari, huwag muna. Wala pa kasi yung paper ko, hangga't maaari, huwagmuna."

Dugtong pa niya, "Meron pa kasingO.S.G, which is the Office of the Solicitor General. So, hanggang doon nalang muna. Basta ako, ang lovelife ko, si Toni. Kami ang love team rito samovie," pagbabalik ni Vhong ng usapan sa MyOnly U.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN