Motorcycle accident prevented Geoff Eigenmann from appearing in Cosmo bash

Geoff Eigenmann's manager Perry Lansiganexplained that Geoff did not make it to the Cosmopolitan magazine Bachelors'Bash because he figured in a motorcycle accident while taping a scenefor Moon River, his ABS-CBN soap opera opposite Maja Salvador.



Aksidenteng nakita ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang manager ni Geoff Eigenmann na si Perry Lansigan saPodium kahapon kaya nakamusta ng PEP sa kanya ang alagang si Geoff.

PEP informed him na marami sa mga pumuntaat nanood ng Cosmopolitan Bachelors' Bash last Thursday night ang naghahanap kayGeoff at nagtataka kung bakit hindi ito nakasama among the celebrity hunks narumampa. Si Geoff kasi ay isa sa mga artistang lalaki na kasama sa centerfoldsng Cosmomen supplement ng Cosmopolitan.

Itinanggi agad ni Perry ang haka-haka ngilan na diumano'y nagtampo raw sila dahil balitang isa si Geoff sa pinagpiliannoon to be on the cover of Cosmomen. SiDerek Ramsay kasi ang nag-land sa cover ng nasabing supplement ng Cosmopolitan. Ito nga kaya ang rasonkung bakit hindi na lang rumampa ang Geoff nung gabi ng Bachelors' Bash?

"No! Hindi totoo yun. Totoong isa si Geoffsa pinagpipilian noon, pero, nothing definite. Si Derek na nga yung napili. Pero hindi totoong nagtampo. Nagkataonlang na hindi pumuwede si Geoff sa mismong event."

Supposedly, isa raw talaga si Geoff sararampa sana sa Cosmo show, perolast week ay naaksidente sa motor ang young actor. Nangyari angnaturang aksidente sa taping ng bago nitong soap opera sa ABS-CBN, ang Moon River opposite Maja Salvador.

Kinukuhanan daw ang eksenang naka-motor siGeoff sa may Recto, Manila, nang tumilapon ito habang nagmo-motorsiklo. Dinalanaman daw agad si Geoff sa Mary Chiles Hospital na malapit sa pinangyarihan ngaksidente.

Wala naman daw grabeng tinamong pinsala siGeoff sa naturang aksidente. Bukod sa ilang galos at pasa, minabuti na rinnilang ipa-check up ito just to make sure. Hindi lang daw kinaya na ni Geoff nasumama sa mismong Cosmo event dahilmasakit pa rin ang katawan nito dahil sa nangyaring aksidente.

On the other hand, walang duda na sinaGeoff at Maja na nga ang bagong love team na sisimulang i-push ng network. Bukod sa kanilang pagbibidahang series, ang Moon River, silang dalawa rin ang magkapareha sa isang suspense movieunder Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyan nga raw na nagwo-workshop naang cast ng still untitled suspense movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN