Vhong Navarro admits he fell in love with Toni Gonzaga before

"Kasi nagka-in love-an naman talaga. Kasidumating sa point na yung nagkaaminan naman kami na crush namin ang isa'tisa. Nagustuhan namin ang isa't isa before. Kasi parang yung company... Siguronag-e-enjoy siya sa company ko, parang ganun," admits Vhong Navarro. But he did notcourt Toni Gonzaga because he felt the relationship would notwork out as long as they were working together.



Hindi na namin inabutan ang pagkaka-harness nina Vhong Navarro at Toni Gonzaganang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pictorial nila sa DolphyTheater (formerly Studio 1) sa ABS-CBN kahapon, Biyernes, September 13, para sabago nilang pelikula sa Star Cinema Productions na My Only U.

Ilang sandali lang pa at nagpaunlak na silafor an interview. Nauna si Vhong.

"Dito sa movie na ito, gusto nila ang pegsa akin, medyo serious romantic-comedy kasi. Gustong gawin sa akin ni DirekCathy [Garcia-Molina] dito, maiba ako sa mga movies na ginawa ko dati na hindiako nagpapatawa. Yung expression ng mukha ko hindi ganun ka-loud o yungmaraming galaw. Gusto ni Direk, halos poker face ako, halos steady lang. Yungnatural lang, yung ginagawa ng normal na tao. Kasi yung personality ko,hindi normal," natatawang bungad ni Vhong.

FALLINGIN LOVE WITH TONI. Diretsahan na tinanong namin siVhong kung totoo bang muntik na silang magkarelasyon ni Toni bago pa mandumating si Sam Milby bilang bagong leading manng TV host-actress.

"Kasi nagka-in love-an naman talaga. Kasidumating sa point na yung nagkaaminan naman kami na crush namin ang isa'tisa. Nagustuhan namin ang isa't isa before. Kasi parang yung company... Siguronag-e-enjoy siya sa company ko, parang ganun. Wazz Up pa lang kami that time. Doon na nag-start."

Bakit hindi niya ipinagpatuloy sapanliligaw ng nararamdaman niya noon para kay Toni?

"Mahirap, e. Kasi naaano ko namakakatrabaho ko si Toni nang mahaba. Ang hirap kapag karelasyon mo ang katrabahomo, e. Yung parang... yung siyempre kapag nagkaproblema kayo, mag-aaway kayo,matitigil kayo. Ayoko ng ganun. Marami na kasi akong nakitang ganun."

Hindi na puwedeng ituloy ngayon?

"E, mahirap magsalita ng tapos. Kasi siyemprengayon masaya si Ms. Toni Gonzaga."

Pero may feelings pa rin siya para kayToni?

"‘Di sa pelikula nandun pa rin, e.Hindi pa rin naman nawawala yun. Kaya lang, siyempre, alam naman natin kunghanggang saan tayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinipigilan niya lang ang sarili niya?

"Well, siya pinipigilan niya," biro niVhong.

VHONG'SANNULMENT CASE. Samantala, ngayong annulled na angkasal nila ni Bianca Lapus, maaari na ba siyang magsalita about it?

"Honestly, wala pa sa amin yung resulta, yungpapeles. Kaya hindi pa ako puwedeng magsalita. Sila ang naglabas noon, angSupreme Court. Pero wala pa kami. Sabi ng lawyer ko hanggang wala pa sa amin,hindi pa ako puwedeng magsalita."

Ano ang reaction niya nangmabalitaan niyang ibinigay na ng korte ang annulmentna hinihiling niya?

"Kasi alam naman namin ni Bianca namatagal naming hinintay ‘to. Siyempre ang sarap din ng feeling na kahit papa'nona magiging malaya na kami dahil alam naman natin na siya, masayang-masaya nangayon. Kumpleto na ang pamilya niya, e. Yun lang naman ‘yon. Wala nakaming ibang intensyon pa. Wala kaming intensyonna masaktan ang bawat party."

Pero nagsalita si Bianca na nasaktan siyasa lumabas na ilang detalye sa mga demands diumano ng kanyang ex-wife gaya ngfinancial support mula sa komedyante.

"Kasi hindi naman sa akin galing yungano, e. Kasi rights din ng ano yun, e, CA [Court of Appeals]. Pero huwag muna. Bawal pa magsalita."

Anong feeling niya noong nag-react si Bianca?

"Ang hirap lang kasi, like me, naiintindihanko nang mag-react si Bianca, kasi naging affected kasi yung bata, si Ice [anaknila ni Bianca]. Siyempre sa school, niloloko siya. Medyo sa part naman niBianca, masakit talaga ‘yon. Naintindihan ko naman ‘yon. Pero angmasasabi ko lang naman talaga, si Bianca sobrang the best mom. Ibasiya. Iba siyang magmahal sa mga anak."

Nalaman ba ni Ice ang nangyari?

"Hindi. Alam na nung bata ‘yon na hiwalayna kami. Pero, siyempre, nung narinig niya yung mommy niya na ganyan, siyempre iba‘yon. Mommy niya ‘yon, e, ‘di ba?"

GETTINGMARRIED AGAIN. Ano ang una nilang ginawa ni Desiree[del Valle, his rumored girlfriend] nang malaman nila na annulled na ang kasalnila ni Bianca?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa naman puwedeng gawin kasi wala pa naman, di ba?"

Kumusta naman sila ni Desiree?

"Sobra pa ring maselan. Kasama pa rin ‘yun sa case."

Kailan siya mag-aasawa ulit?

"Mahirap! ‘Tsaka wala pa. Wala pa saplano ko yun. Bata pa ako."

Nagka-trauma ba siya sa kasal?

"Hindi naman. Kasi that time siguronaman masyado pa kaming bata. Hindi pa kami ready talaga that time. Siguro anorin ‘yan, e, timing. Oras na ‘yan kung ‘yun na ‘yon. Nakita mo na talaga yung mahal mo na alam mona ito na talaga ang makakasama mo habangbuhay, yun na 'yon."

So, okey lang sa kanya na magpakasal ulit?

"Oo naman. Hindi pa naman ako nagsasara ngpinto na tapos na yun."

Nakita na ba niya ang babaeng papakasalanniya ulit?

"Well, nand'yan lang yun sa tabi-tabi."

DOING INDIE. Bukod sa movie nila niToni, ano pa ang gagawin niya na naka-line-up sa kanya na projects?

"After kong matapos ang movie namin niToni, pupunta ako ng Taipei. Gagawa ako ng movie dun, actually, indie filmsiya. Isang independent producer at ang direktor ay isang Malaysian.And then, kasama ko si Archie [Alemania], si Jodi [Santamaria] atsi Katherine [Luna]."

Sexy film ba ito?

"No, no. It's a... parang OFW [OverseasFilipino Worker], e. Tungkol sa mga Pinoy, sa mga kababayan natin doon.Ipapalabas sa Cannes Film Festival. Hindi naman ako seryoso dito. Natural lang.Hindi ka naman nagpapatawa. Kumbaga, may character ka rin na panghahawakan. Naparang kung ano ‘yong OFW.

"Different ito sa mga nagawa ko kasi kailangang maramdaman nila na doon ka nagtatrabaho. Kaya nga doon kami magsu-shoot saTaipei," pagtatapos ni Vhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN