Angelica Panganiban says she and Derek Ramsay continue to learn from their relationship

"Siguro, habangtumatagal, natututo kami sa mga pangyayari. Kasi naman noon, talagang ang mundonamin, umiikot lang sa isa't isa. Exclusively dating nga kasi kami. Ngayonkasi, we allot time for other things, kaya mas nae-enjoy namin yung time nakami naman ang magkasama. Habang tumatagal, mas nakikilala namin ang mgasarili namin," explains Angelica Panganiban about her relationship withboyfriend Derek Ramsay.



Lalong gumaganda si Angelica Panganiban sa tuwing nakikita namin. Nanghapong yun nang dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang set ng IisaPa Lamang, kampanteng namamahinga ang young actress pagkatapos ng lunchbreak nila sa clubhouse ng Tivoli Royale Subdivision sa Quezon City, kung saannaganap ang taping at interbyu namin.

LEARNING WITH DEREK. Inamin ni Angelica na ayos pa rin ang kanilangrelasyon ng actor-model na si DerekRamsay. May mumunting unospero part na rin daw yun ng kanilang relasyon, at nalalagpasan naman nila yun,na hindi na lumalaki pa ang mga isyu.

"Siguro, habangtumatagal, natututo kami sa mga pangyayari," sabi ni Angelica sa exclusiveinterview ng PEP. "Kasi naman noon,talagang ang mundo namin, umiikot lang sa isa't isa. Exclusively dating ngakasi kami.

"Ngayon kasi, weallot time for other things, kaya mas nae-enjoy namin yung time na kami namanang magkasama. Habang tumatagal, mas nakikilala namin ang mga sarilinamin.

"Yung nakikitanamin kung saan kami talaga nag-e-excel. We keep on learning. Walangnegative vibes sa aming dalawa ni Derek. Kung may gagawin man kami, kung minsanay masakit, kung minsan ay masaya, ang laging mahalaga roon ay ang parayun sa kabutihan ng mas marami.

"Mukhangmagtatagal naman ang relasyon namin, kasi, mas totoo kami sa isa't isa. Hindikami nagpi-pretend, hindi kami naghuhugas-kamay. Hindi kami nagbubuhat ngsarili naming bangko.

"Sa umpisa pa langkasi, nilatag na namin ang mga baraha. Lagi kong sinasabi sa kanya,nakikilala na niya ako. Tapos na kung tapos na, kung anuman yun, para sasusunod, huwag na siyang maloka sa pinaggagagawa ko," nakatutuwangpagtatapat ng young actress tungkol sa relasyon nila ni Derek.

EXCITED TO DO ROSARIO. Ang ikinae-excite ni Angelica ay ang indie film nagusto niyang gawin opposite BeaAlonzo, ang Rosario,para sa grupo nina Albert Martinez at Direk MaryoJ. delos Reyes.

"Sobrang laki,pero indie film siya," pagde-describe ni Angelica. "Nakakalula angproject. Gusto namin ni Bea na matuloy yun. Hopefully, next year, matuloy siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walanamang problema talaga sa Star Magic, e. Sa ABS-CBN na lang mismo, dahil pararin yun sa ikabubuti ng kanilang contract stars. Maingat na kasi sila sapagpapahiram ng mga artista.

"Natatakot na kasisila ng ganoon, na kokonsultahin kaming mga artista. 'Tapos, hindi nanakakaabot sa amin. Malalaman na lang namin na nasa diyaryo na. Mas careful nalang sila sa steps na gagawin namin.

"'Pag sobra kaminginteresado, sinasabi talaga namin na gusto naming gawin ang project. Pero kungayaw ng Star Magic o ng ABS-CBN, ipapaliwanag naman nila kung bakit, hindi nakami mangungulit pa.

"Naiintindihan namin yun, lalo kungipinapaliwanag nila ang point nila. Mas alam nila kung ano ang makakabuti saamin," sabi pa ng aktres.

WAITING FOR BANANASPLIT. Kasama rin si Angelica sa Banana Split, ang bagongcomedy gag show ng ABS-CBN na nagtatampok sa ilang sikat na young actresses ng network.

"Nasa Ang TVlang ako noon na ganoong tipong show, pero masarap talagang gumawa ng ganitongklaseng show," aniya.

"Matagal din akongnaghintay na gumawa naman ng ganito kagaan na project. Kahit two days kangwalang tulog, basta ganito lang ang ginagawa mo, parang hindi ka masyadongpagod."

Kasama sa show na itosina Cristine Reyes, RoxanneGuinoo, at iba pang sexystars.

NOT DOING ONE NIGHTONLY. Ano na ang nangyari saOne Night Only ng OctoArts Films na napabalitang kasama siya rito?

"Nagtanong langsila kung pupuwede ako sa project, pero ang management na ang nakipag-usap sakanila. Nagulat ako nanakalagay na sa dyaryo, nagtatanong na tuloy ang mga fans. Kailan daw akomagsu-shoot? Ano yun? Naguguluhan tuloy ako.

"Naku, nagpe-pressrelease sila na wala naman kaming alam! Siyempre, nakakasama yun sa pangalannamin. Hindi pa namin tinatanggap formally, mayroon nang mga ganyan.

"In-offer sa aminyun, kasama yata si Roxanne Guinoo at si DietherOcampo. Pero ang alam ko,hindi na talaga kami matutuloy. Walang agreementbetween us, sa Star Magic at sa OctoArts. Kaya hindi kami tuloy,"paglilinaw ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN