Diether Ocampo says Kristine Hermosa remains irreplaceable in his life

"So far, wala paakong nakikitang kapalit talaga ni Kristine sa buhay ko... Kung kailan kami nagkasamanoon, doon nate-take for granted yung maraming bagay. Malalaman mo na lang,wala na yung relasyon. Kung kailan kami nagkahiwalay, doon ko nakita yungimportance. Yung mga bagay na dapat talaga, pinaglaanan ko na ng panahon.That's the irony of life, sabi nga," relates Diether Ocampo about hisfailed relationship with Kristine Hermosa.




Kung sa abilidad siguro, starting out from scratch could be difficult.Pero siguro nga'y isa lang si Diether Ocampo sa kokonting naanggihan ngsuwerte. From merely bumming around, Diet rose to fame and fortune, at dapat siguro'y maymatutunan din sa kanya ang maraming kabataangartista.

"Dapat na malamannilang nagbabago ang panahon," sabi ni Diet nang pasyalan namin angtaping ng Iisa Pa Lamang sa Tivoli Royale, sa Quezon City, kung saannagpaunlak siya ng panayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi puwedenglaging ganyan. Ang showbiz, okey ngayon. Bukas-makalawa, hindi na. Dapat ay alamnila kung paano sumabay sa changes na nangyayari. Kung sa akin lang, kung wala akong ibang negosyo, baka nakatunganga na lang ako. Lalo kung walaakong taping at shooting.

"Isipin na lang nila, na kung gusto talaga nila angtrabaho nila, ipakita nila yung concern nila. Yung willing din silangmag-contribute para sa ikauunlad ng industriya," sabi pa ni Diet.

Hindi lang daw ito parasa pansarili. May mga nakakaalam din sa industriya na mayroong ibangnatutulungan si Diet.

"It's only theright thing to do. Kasi, itong mga taong ito naman, tinulungan din ako. Dapatlang siguro na ibalik ko sa kanila yung gesture na yun," dugtong niya.

PUBLISHING BUSINESS. Nabanggit ni Diether ang tungkol sa publishingcompany na isa siya sa nagmamay-ari. Nagpa-publish ang company ng men'smagazine.

"That's the localpublishing we have. We also have a publishing company in the U.S., yungnagpa-publish ng Baby Couture," sabi niya. "That's the onlylocal magazine being circulated all over the U.S. Fashion magazine for kids'yan. Nai-cover na namin diyan si Martin Sheen, at saka kung natatandaan moyung sa Punky Brewster, yung anak din ni Kevin Costner, si Puff Daddy atang mga anak niya. Okey naman siya,and we're expanding."

CARING FOR KIDS. Dito nakikita ang pagke-care ni Diet sa mga bata,Kasama na riyan ang kanyang KIDS Foundation, na nagpapakita ng paternal side ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal ko nanggustong maging tatay talaga," sabi niya. "Sabi ko nga kay Tin [Kristine Hermosa] noon, 'Ayaw mo pa bang magkaanak?'Binibiro ko siya, pero seryoso rin ako na kung nagkaroon nga, okey lang.

"Kung ibibigay niLord yun, ibibigay Niya. E, alam naman ninyo yung nangyari sa relasyon namin.Siguro, hindi pa talaga time."

IRONY OF LIFE. Madalas ay iniisip ni Diet na baka sa ibangpanahon, pupuwedeng sila pa rin ni Kristine.

"Kung hindi mankasi kami, alam ko na magiging masuwerte ang mga anak ko, at ang mga anak niTin. Iba kasi angnatutunan namin ni Tin sa buhay, yung napagdaanan namin. Sobrang lawak nglessons na natutunan namin.

"So far, wala paakong nakikitang kapalit talaga ni Kristine sa buhay ko. Alam mo, kungkailan kami nagkasama noon, doon nate-take for granted yung maraming bagay.Malalaman mo na lang, wala na yung relasyon.

"Kung kailan kaminagkahiwalay, doon ko nakita yung importance. Yung mga bagay na dapat talaga,pinaglaanan ko na ng panahon. That's the irony of life, sabi nga," at sakanapabuntunghininga ang aktor.

Both of them realizedthe same thing. Darating din ang panahon para sa kasagutan ng tanong namin,kung magkakabalikan pa ba talaga sina Kristine at Diet sa kabila ng mganapagdaanan na nila.

"Hindi mo namanmape-predict yun. Kung kami pa rin talaga, who knows?" nangingitingpagwawakas ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN