Director Joyce Bernal's stand against criticisms: "Ang loyalty ko ay nasa trabaho ko."

"Kung anuman ang sinasabi sa akin ng ibangtao, walang problema sa akin yun. People have their own opinion pero sa sobrangtrabaho ko, it's about time na I give back to my friends, I give time to myfriends, I give time to my anak. Kung bibigyan nila ng ibang kulay, okeylang sa akin," says director Joyce Bernal.


Binato ng batikos at puna ang pagigingpresent ni Direk Joyce Bernal sa nakaraang birthday concert nina DingdongDantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum noong August 27, samantalangpresent din siya noon naman sa premiere ng pelikulang idinirek niya na ForThe First Time, na pinagbibidahan naman nina Richard Gutierrez at KC Concepcion,noong August 26.

Batid ng marami ang pagkakaroon ng isyunoong nagkasabay sa date ang opening day ng For The First Time atbirthday concert nina Dingdong at Marian. Batikos nga tuloy kay Direk Joyce,tila wala itong delicadeza at loyalty.

Hindi naman ito pinansin ni Direk Joyce.Aniya, ang loyalty niya ay sa kanyang trabaho sa kahit anong network.

"Star Cinema is my mother studio, while I'malso the director of Dyesebel. Ako naman, ang loyalty ko ay nasa trabahoko. Kung anuman ang sinasabi sa akin ng ibang tao, walang problema sa akin yun.Ang importante sa akin, alam nina KC at Richard yun, pati na sina Marian andDingdong. Sabi nga sa akin ni KC nun, puwede raw ba siyang sumama dun sabirthday concert nung dalawa. Sabi ko, huwag na lang kasi alam natin kung ano ang mangyayari.

"Nanood pa nga kami nina Marian ng ForThe Fist Time last Friday, [September 5], then we had a dinner. SiDingdong, di nga lang nakapanood kasi he came from something... But nungSeptember 9 yata siya nanood."

Kung ginagawan man ng issue ang batikang direktor, para naman sa nakararami ay mukhang advantage daw saparte ni Direk Joyce na bukas siyang nakakapagtrabaho sa magkalabang istasyon.

"Well, nakakatuwa," sabi niya. "Kasi ang gusto ko talagais to work with people na di ko pa talaga nakakatrabaho. Kahit namagaling o di magaling o kung anuman, gusto ko talaga silang makatrabaholahat."

Marami ang nagulat nang makitangini-interview si Direk Joyce sa naputol na reunion concert ng Eraserheads.Hirit tuloy ng mga naiinggit kay Direk Joyce, para raw itong bawang na lagingnakasahog basta may isyung napag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami kasi ni Ely, we're UP friends," paglilinaw niya. "Classmate namin siya sa UP, ka-org ko siya. Close kami kasi yung mga inalagaanni Ricky Lee, magkakasama kami. Kami yung mga estudyante na parang mgabarkada ni Ricky Lee.

"Sa akin, okey lang kung anuman angsabihin ng ibang tao. I'm doing this for my friends, sa akin okey nayun. Ang magiging issue sa akin ay pag wala akong ginawa para sa mgakaibigan ko.

"People have their own opinion pero sasobrang trabaho ko, it's about time na I give back to my friends, I give timeto my friends, I give time to my anak. Kung bibigyan nila ng ibang kulay,okey lang sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN