Manilyn Reynes thanks friends who helped her cope with miscarriage

"Emotionally, meron pa rin...Ngayon ngang nasatrabaho ako, naaalala ko, e. Pero, maskonti na lang yung...hindi mo masyadong nararamdaman yung sakit, kasi, you'rewith friends," says Manilyn Reynes in the aftermath of her miscarriage.



Noong Huwebes, September 10 ay balik-Momstaping ng QTV-11 na si Manilyn Reynes, pagkatapos ng miscarriage sadapat ay ikatlong anak na nila ng asawang si Aljon Jimenez.

September 2 nang makunan si Manilyn na apatna buwan na palang buntis.

"I'm okay naman na...okey, okey...huwag lang yungmag-isa ‘ko at naaalala ko. Like, yung, ay, ayan na naman...physically, okeynaman na po ako. Nag-check-up na ‘ko after a week, malinis naman. Wala namantayong problema, so, of course, thankful ako sa Panginoon kasi, ganoon namanang kinalabasan.

Pero pag-amin nga ni Manilyn, "Emotionally,meron pa rin...Ngayon ngang nasa trabaho ako, naaalala ko, e. Pero, mas konti na lang yung...hindi momasyadong nararamdaman yung sakit, kasi, you're with friends."

Naiwan naman daw sa mag-asawang Manilyn atAljon ang kanilang dalawang anak na sina Kyle, 11 years old and Kurt na 6 yearsold naman. Paano raw kaya ito tinanggap naman ng magkapatid na supposedly aymga kuya na sana?

"Si Kuya nga kasi [Kyle], dahil eldest,pa-cool na. It's like, ‘Everything is okay, Mom. Everything is gonna be fine.' Pero yung isako naman, minsan nakakalimutan din ng aking six-year-old na sinasabi na, ‘Baby..?'‘tapos, maaalala niya. Kasi, kumi-kiss siya sa tiyan ko, e.

"Tapos ngayon, titingin na lang siya salangit at sasabihin niya, ‘Baby...' ‘tapos, sasabihin niya, ‘God Bless.'"

Okey naman daw si Aljon with what happened.Pero si Manilyn pa ang humingi ng dispensa para sa asawa sa Startalk dahil hindi raw talaga itonagpapa-interview at mahiyaing talaga.

Nagpapasalamat naman si Manilyn sa mgataong nagpakita ng suporta sa kanya.

"Ite-take ko na rin po ang opportunity salahat ng nag-text sa amin ni Aljon. Lahat ng mga kaibigan na minsan, hindi monga masyadong napagkikita, e, biglang napapa-text sa ‘yo at nakakaalala dahilnapanood.

"Salamat sa inyo at salamat sa love at satime... sa pagte-text pa lang, sa concern, sa family. Maraming salamat sa inyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN