Director Cathy Garcia-Molina still doesn't want to work with Richard Gomez

"Sigurokailangan magkaayos muna kami if ever na magsimula ng kahit na anongproyekto," says Director Cathy Garcia-Molina (left) about the possibility of working with Richard Gomez (right) again.




May kasunod agad na pelikula ang box-office director na si Cathy Garcia-Molinasa Star Cinema pagkatapos ng super successful na A Very Special Love na dinirekniya, starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.This time, ang balik-tambalan ng box-office tandem din nina Vhong Navarro atToni Gonzaga na My Only U naman ang pamamahalaan ni Direk Cathy.

"Thisis given to me after A Very Special Love.Pero yung isang project na naririnig ko rin na gagawin nilang movie yung AmnesiaGirl. Hindi ito yun. I think yung My Amnesia Girl is meant foranother director, e. So, nire-reserve sa kanya.So, ako ito muna. It's totally different," bungad ni Direk Cathy.

WANTING TO DO COMEDY. Bakit biglang ang focusniya ngayon ay ang magdirek ng isang comedy-romantic movie?

"Akoang humingi kay Tita Malou [Santos, Star Cinema's Managing Director]. Sabi ko,‘Tita Malou, parang gusto ko naman pong mag-comedy. Subukan ko po.' Peroang spine pa rin, love story. Hindi ba kahit kayo rin naman kapag tinanongninyo ako sa presscon, na parang ano bang gusto mong iba? So, sabi ko,pa-try po ng mas konting comedy pa than this. Para lang may bago forme."

Angmanagement na raw ang pumili ng mga bida sa hiniling na kasunod napelikula niya sa Star Cinema. May pressure ba sa kanya na ang last movie ninaVhong at Toni na D Anothers na dinirek ni Joyce Bernal ay blockbusterdin noong ipinalabas, 2005?

"Uhm...Ano lang may conscious effort lang sa akin na huwag mapanood nungmanonood yung napanood na nila sa brand of comedy ni Joyce. Ako namanbilang delicadeza rin kay Bb. Joyce, ayoko rin namang masabi na ginagaya kosiya. At hindi lang siya, kahit si Direk Wenn [Deramas]—sa lahat, I thinkng directors naman—may ganung intention na huwag ma-compare. We avoid namantalaga na ma-compare. Una, intriga. Pangalawa, wala naman kaming masamangtinapay sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speakingof Direk Joyce may mga comment na kung siya raw sana ang nag-handle ng ForThe First Time, mas may kilig pa raw sana ang mga eksena nina KC Concepcion at RichardGutierrez.

"Siyempre po,it's so unfair naman for Bb. Joyce who's a friend of mine andcolleague sa industriyang ito para ma-compare. Alam ko, inevitable ‘yon. Ithink kahit sa artista ganun. Pero sana hindi, kasi she has her own strength andI think I have mine. Pareho lang namin ginagawa ang trabaho namin. Parehonaming ginagawang mabuti. So, I think hanggang doon na lang. Magkaibigan kami.Schoolmate kami. Ahead lang siya sa akin ng a batch."

Dahildaw diyan kaya posibleng magkakaroon na ng comparison at competition sakanila ni Direk Joyce.

"Hopefully, it's a healthy competition. Ako mas tatanggapin ko yung kumpetisyonna sana para sa mga manonood. Kasi every time we give them a better one. Butother than that wala nang lumabas na ganun."

JOHN LLOYD AND SARAH'S KISSING SCENE. Next month nakatakdangipalabas ang My Only U. By November magsisimula naman si Direk Cathy ngsecond movie nina John Lloyd at Sarah. This time kaya may kissing scene na sinaJohn Lloyd at sarah?

"Hmm...susubukan namin. Ang akin naman kasi parang hindi naman hinahanap saisang pelikula. Lagi para lang mag-enjoy kayo at makapagkuwento ngmagandang kuwento. Kung mero, bonus na lang for the audience and sa akin, kungwala okey lang sa akin."

Nagtaas na ba siya ng talent fee?

"Hindi," mabilis na sagot ni Direk Cathy. "I never asked for any raisefrom Star. Even when I was starting, as an assistant director, ang Star Cinemaang automatic na nagbibigay. So, hindi ko naranasan na nakikipag-haggle sapresyo. Kung ano sa tingin nila ang dapat kong suwelduhin, e, di yun. Well, wala naman akong kaide-ideya kung magkano ang suweldo ng ibang direktor."

Pero binigyan ba siya ng bonus ng Star Cinema dahil sa laki ng success ng A Very Special Love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May bonus," masayang sabi ni Direk Cathy. "Pero wala akong demands. Mahirapyun, e. Mamaya humihingi na pala ako ng hindi nararapat. Naniniwala rinako na ang Star, marunong silang mag-alaga ng mga sarili nilang talents. ‘Tsakakung ano yung nararapat yun ang binibigay nila."

RICHARD GOMEZ. Nagkita na ba sila ni Richard Gomez?

"Hindipa po," ngiti ni Direk Cathy.

Mayissue kasi sa pagitan nilang dalawa ni Richard. May sinabi raw kasi si Richardnoon na naka-offend kay Direk Cathy. Nabasa ba niya ang explanation ng misis niRichard na si Lucy Torres?

"Hindipo. Ang nabasa ko yung sagot ni Richard. So, kumusta naman? Okey lang.Ayoko na. Huwag na nating palakihin."

Anoang na-feel niya nung mabasa niya ang sagot ni Richard?

"Well,ang sagot kasi niya was, e, sa ganun siya. Ako, I hope with thatsentence parang nasabi na niya na, I don't know if that's anacknowledgement on his part, kasi sinabi niya nga na ganun siya."

Anoang masasabi niya sa comment ni Richard na something like, kung sensitive kahindi ka bagay sa showbiz?

"E,he is entitled to his own opinion."

Gagawaraw ulit ng movie si Richard sa Star Cinema, paano kung siya ang kuningdirektor?

"Ay,hindi po gagawin ni Tita Malou yun."

Ayawniya na talagang idirek si Richard?

"Huwagmuna. Huwag muna. Lalo na at may ganitong lumabas na hindi ko naman inisip nalalaki. Siguro kailangan magkaayos muna kami if ever na magsimula ng kahitna anong proyekto," pagtatapos ni Direk Cathy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN