Jennylyn Mercado returns to the big screen via "One Night Only"

Young actress Jennylyn Mercado will be seen on the big screen again via OctoArts Films' One Night Only. This is Jennylyn's first film after giving birth to her son with former boyfriend Patrick Garcia.



Maraming tagahanga ng young actress na si Jennylyn Mercadoang matutuwa sa balitang nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ayonsa mismong PR manager ng OctoArts Films na si Ms. Aster Amoyo ay kasama na siJennylyn sa cast ng One Night Only. Ito ang magsisilbing comeback project ngkauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor pagkatapos niyang isilang anganak nila ng dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

Ang One Night Only ay isa sa dalawang entries ng film companyni Boss Orly Ilacad sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang isa pa ay angreunion movie nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na Iskbul Bukol 20Years After (The Adventures of Victorio Ungasis and the Escalera Brothers).

Makakasama ni Jennylyn sa One Night Only sina KatrinaHalili, Diana Zubiri, Paolo Contis, Alessandra de Rossi, RickyDavao,Jon Avila, Candy Panglinan, Chokoleit, Jason Gainza, at ang mga kapatid ni Jennylyn sa management ni Becky Aguila na sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa.

Matatandaang noong unang prinesenta ang One Night Only sa screening committeeng MMFF ay kasama sa cast ang ilan sa prime talents ng Star Magic, ang talentarm ng ABS-CBN. Pero napabalitang inalis ang mga ito dahil ayaw raw ng StarMagic na magmukhang suporta ang mga alaga nila kay Katrina, na isang Kapusostar.

Ang bagay na ito ay hindi kinumpirma ng Star Magic at maging ng ilan sa mga artistang naunang naugnay sa pelikula. Pero sa presscon parakay Katrina noon, kasabay ng pagpirma niya ng kontrata sa OctoArts Films, nabanggitni Boss Orly ang mga pangalan nina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, atRoxanne Guinoo na kasama rin sa pelikula na ididirek ni Joey Reyes.

Pinagtalunan kasi noon kung sino ang magiging bida sa OneNight Only at kung sino ang mauuna sa billing kung natuloy nga si Katrina atang ilang Star Magic talents. Pero nilinaw naman ni Direk Joey na ang istoryang pelikulang siya rin ang sumulat ay iikot sa lahat ng characters sa isangmotel sa loob lamang ng isang magdamag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling napanood si Jennylyn sa pelikulang Half Blood Samurai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN