Dingdong Dantes hurts himself during taping of "Dyesebel"

"Isa siyang eksena na kailangang magwala. Medyo ano lang, medyo may maling kalkulasyon lang kaya sumabit nangkonti. ‘Tapos, may nakita lang na konting mali kaya may correction na ginagawa," explains Dingdong Dantes about how he hurt his hand.



Unang nakita sa live telecast ng SOP kahapon, September 14, angkanang kamay ni Dingdong Dantes na nakabenda. Siyempre pa, marami ang nagtakakung bakit may bandage ang kanang kamay ng young actor.

Later that afternoon, nakapanayam ng Showbiz Central siDingdong. Dito na ikinuwento ng young actor ang nangyari sa taping ng Dyesebel.

"Isa siyang eksena na kailangang magwala," paliwanag niDingdong. "Medyo ano lang, medyo may maling kalkulasyon lang kaya sumabit ngkonti. ‘Tapos, may nakita lang na konting mali kaya may correction na ginagawa."

Patuloy niya, "May maliit na buto lang na nalihis kayakailangan lang natin i-heal kaya medyo matatagalan ng konti. But like I'vesaid, tuloy pa rin naman lahat ng ginagawa, medyo kailangan lang magbawas ngkonti sa physical activity."

Naniniwala naman si Dingdong na hindi naman daw magiginghadlang sa mga showbiz commitments niya ang nangyaring aksidente. Sa katunayan, kinagabihan naman ay namataan siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) saSM Megamall bilang pagbibigay ng suporta sa kapwa niya Kapuso stars.

"Tuloy pa rin," sambit niya. "Ganoon talaga kapag committedka sa ginagawa mo. Kahit ano pa, walang makakaharang sa ‘yo.".

Nabanggit ni Dingdong na nagsilbing warning sa iba angnangyari sa kanya.

"Hindi naman natin maiiwasan ang mga pangyayaring ganito.Kung mangyari man sa inyo, sinasadya man o hindi, alam ninyo kung ano anggagawin n'yo," aniya.

Wala raw sa naturang taping ang leading lady ni Dingdong saDyesebel na si Marian Rivera nang maganap ang aksidente. Nalamanlang daw nito nang dumating na sa location, pero wala na si Dingdong doon.

Kuwento ni Marian, "Noong mangyari kasi na mabalian siya,wala ako sa taping noon. So, pagdating ko, wala naman siya. Tinawagan ko siyaat nasa hospital nga raw siya. Hindi biro yung nangyari sa kanya, kaya sana maayosyung kamay niya."

Natatawa si Marian sa reaction ni Dingdong kapagnapagkukuwentuhan daw nila ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag pinag-uusapan namin, sinasabi niya na, ‘Naku, 'yan, huwag nanating pag-usapan. Hindi ko na maibabalik ang pagkakamali ko kaya tama na,'"lahad ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN