PBB Teen ex-housemate Robi Domingo joins VJ search in MYX

"Actually, ano po, e, ang gusto ko po talaga, hosting. AndI like music and hosting. And it would be the best outlet for mytalents naman po," says Robi Domingo about joining MYX's search for the next VJ.



Wala pang bagong show sa ABS-CBN ang itinanghal na secondbig placer sa Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2 na si Robi Domingo pagkatapossiyang mapanood sa My Girl, na pinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Kayanaman sa kanyang pag-aaral muna ang focus ngayon ni Robi. Freshman student siyasa Ateneo kung saan kumukuha siya ng kursong Health Science.

Habang naghihintay ng bagong project sa ABS-CBN ay sumali muna si Robi sacompetition para sa new VJ ng MYX na napapanood sa Studio 23

"I'm one of the 12 fighting for that spot. Four spots po ‘yan, e. Sana po ‘pagnakuha, e, di next VJ po ako," sabi ni Robi sa panayam sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 14, sa jointbirthday party nila ng ex-housemate niya sa PBB na si Nicole Uysiuseng sa Party Avenue. Ang nag-organize ng naturang party ay ang fanclub nila, ang RobiCole Circle of Friends.


Isa raw sa mga pangarap ni Robi ang maging isang magaling na TV host, kayasiya sumali sa naturang competition ng MYX.


"Actually, ano po, e, ang gusto ko po talaga, hosting. AndI like music and hosting. And it would be the best outlet for mytalents naman po," saad niya.


Kahit nasa showbiz na si Robi ay hindi naman daw naaapektuhan ang kanyangpag-aaral.


"I balance my studies with everything, ho," sabi ni Robi. "Like ‘pagsa school po, school lang lahat ang iniisip ko. Paglabas naman po,kunwari showbiz po, puro showbiz naman po."


Maraming nagsasabi na kung titigil sa pag-aaral si Robi at mag-concentrate nalang sa pag-aartista ay siguradong sisikat siya at malayo ang mararating.Taglay raw kasi ni Robi ang lahat ng katangian ng isang artista para sumikat atikinukumpara pa nga siya sa yumaong matinee idol na si Rico Yan. Ano angreaction ni Robi tungkol dito?


"Itutuloy ko naman po yung pag-aartista ko. Pero para sa akin naman po, masokey naman yung ginagawa ko ngayon. Kasi I'm hungry for education potalaga," pahayag ni Robi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa edad na 18 ay hindi pa nararanasan ni Robi na magka-girlfriend. Pero sangayon ay may nililigawan daw siya.


"Ano na lang po, itago na lang po muna natin ngayon kung sino man yungnililigawan ko ngayon," pambibitin niya.


Pero taga-showbiz din ba ang nililigawa niya?


"Malalaman din po ninyo yun, huwag muna ngayon," nakangiti niyang sagot.


Hindi kaya si Nicole ang nililigawan niya?


"Naku, patay po ako kay Josef [Elizalde]!" natatawang pagtataposni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN