Manny Pacquiao confident about his fight against Oscar dela Hoya

"Wala akong pag-alinlangan at pagdadalawang-isip na matatalo akosa fight. Kasi kung iisipin mo yun, parang dini-discourage moang sarili mo. Ang palagi ko kasing iniisip, kaya ko, lahat kaya ko. Kasi alamko na guided ako ng Mahal na Panginoon," says Manny Pacquiao about his upcoming match against Oscar dela Hoya.



Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap ni Manny Pacquiao sa Central Jury ng Showbiz Central kahapon, September 14, kung saaninabangan ng marami kung kakayanin ding i-knockout ng Pambansang Kamao ang isaman sa Killer Question o Killer Task na nag-aabang sa kanya.

Umpisa pa lang, kung sa mga laban niya sa loob ng ring ayhindi nagpapakita ng kaba si Manny, sa pagharap niya sa Central Jury aynatatawa nitong inamin na: "Kinakabahan naman ako sa mga tanong."

Marahil para ma-relax si Manny ay pinuri muna ng host na si RufaMae Quinto ang boxing champ at sinabing ang cute-cute daw ni Manny nang hapon nayun. Gandang-ganda rin si Rufa Mae sa polo at sweatshirt ni Manny.

Unang tanong kay Manny ay kung totoo ba na ang labanniya kay Oscar dela Hoya sa December 6, 2008 ay magiging huling laban na niyaat pagkatapos nito ay magreretiro na siya.

"Hindi naman," sagot ni Manny. "Yung mother ko, gusto niya,last fight ko na yung December 6. Pero sabi ko, ‘Ma, malakas pa siguro ako. Atkaya ko pang lumaban ng mga ilang laban.' Siguro, malapit na rin, darating narin ang panahon na magre-retiro na ako."

Sabi naman ni Rufa Mae, sobra raw focused si Manny kapagnag-eensayo at sobra raw nitong kina-career ang laban nito.

"Ganoon talaga ako. Yun man lang, sa isang negosyante, angpuhunan nila pera. Ako naman, ang puhunan ko bilang boksingero para manalo safight ay yung pagtitiyaga ko at sakripisyo para manalo sa training," paliwanagni Manny.

Sa kabila ng sinasabi niyang pag-focus niya sa ensayo, maymga lumalabas na balita na nagagawa pa rin daw gumimik ng PambansangKamao. Totoo ba ito?

"Well, dati gumigimik ako pagkatapos ng fight," pag-amin niManny.

Natawa si Rufa Mae na hindi raw niya masabi ng direkta angtanong. So, tinanong na lang nito si Manny kung ano ang ginagawa nitonggimmick.

"Siguro dati kasi, yung mga kaibigan ko, mahiligmaglabas-labas, so sumasama ako sa kanila. Pero ngayon, iniwasan ko na yung mgaganoong bagay dahil I realized na isa na akong ama. At yung pamilya ko, maapektuhansa kung anuman ang mga ginagawa ko," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinagabihan ay umalis na ng bansa si Manny para maghandamuli para sa laban niya kay dela Hoya. Kaugnay nito, tinanong naman ni MoTwister si Manny kung gaano siya ka-confident na uuwi siyang muli rito saPilipinas bilang winner sa kanilang laban sa December 6.

"Wala akong pag-alinlangan at pagdadalawang-isip na matatalo akosa fight," sagot ni Manny. "Kasi kung iisipin mo yun, parang dini-discourage moang sarili mo. Ang palagi ko kasing iniisip, kaya ko, lahat kaya ko. Kasi alamko na guided ako ng Mahal na Panginoon."

May special strategy kaya si Manny dahil si Oscar dela Hoyaang makakalaban niya?

"Wala sa laki ng katawan ‘yan," sagot ni Manny na mas maliitkesa kay dela Hoya.

MANNY AS A FAMILY MAN. Kinumusta naman ni Ruffa Mae kay Manny ang asawa nitong siJinkee Pacquiao, na apat na buwang buntis sa panga-apat nilang anak. Balitangbabae ang dinadala ngayon ni Jinkee sa kanyang sinapupunan. Ano ang pakiramdamni Manny na magiging dalawa na ang kanyang anak na babae?

"Masaya!" bulalas niya. "Kasi, perfect ang pagkakagawa ko.Dalawang lalaki, ‘tapos dalawang babae naman na sunod. Nagkatotoo na sabi ko,dalawang lalaki, dalawang babae."

Speaking of Jinkee,naging solid supporter naman daw ang asawa sa kanyang career. Pero masasabi ba niManny na nagkaroon sila ng malaking away ni Jinkee dahil sa mga intriga?

"Marami!" natatawang pag-amin ni Manny.

Pero ayaw sagutin ni Manny nang tanungin siya ni Rufa Maekung ano ang isang intriga na pinag-awayan nila nang husto. "Ako kasi, kapagnag-aaway kami, kapag inaaway ako ng misis ko, mas lalo siyang nagagalit.Tinatawanan ko lang siya at tumatawa ako," lahad ni Manny.

THE KILLER QUESTION. Inulit ni Manny ang sinabi niya sa umpisa na parangkinakabahan siya noong nabasa niya ang Killer Question at Killer Task. Sahuli, ang pinili ni Manny ay ang Killer Question, pero sabay sabi na, "Tama baitong pinili ko?" habang tumatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang Killer Question para kay Manny: "Simula nang magingpublic figure ka, napakarami na rin ang humanga sa ‘yo dahil sa mga karangalangnaibigay mo sa bansa kaya hindi na rin maiiwasan kung maraming babae angnahuhumaling or nali-link sa ‘yo. Among the girls na nali-link sa ‘yo,sino sa kanila ang pinaka-pinagselosan ng asawa mong si Jinkee?"

"'Yang Misis ko,nagagalit ‘yan kapag nahuhuli ka sa text!" tawa ni Manny. "Like, ‘ingat ka...' Amongthose girls na nakilala ko, isa sa kanila."

"Secret," ang unang sagot ni Manny when Mo asked kung sino samga babaeng na-link sa kanya at kung taga-showbiz din ba ito. Pero ipinaalalang dalawang host na hindi puwedeng secret dahil yun ang secret question nakailangang ma-reveal.

Kaya sinagot naman ito ni Manny ng, "Non-showbiz."

Sa huli, natatawang inamin ni Manny na, "Alam n'yo,pinakaba n'yo ako! Sa fight, hindi ako kinakabahan. Pero dito, pinakaba n'yo ako!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN