Rayver Cruz denies courting Rhian Ramos, but admits dating her once

"Wala namang masama doon,di ba, na makipagkaibigan ako kay Rhian? At katulad nga ng sabiko, friendly date lang naman yun, lumabas lang naman kami. Walanamang masama doon," reasons Rayver Cruiz about going on a friendly date with Rhian Ramos (inset).



Pagkatapos tumigil sa panliligaw kay Shaina Magdayao,balitang ang Kapuso young actress na si Rhian Ramos naman ang pinopormahanngayon ng young actor na si Rayver Cruz. In fact, nag-date na nga raw angdalawa sa isang restaurant sa Parañaque.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver kahapon,September 14, pagkatapos ng ASAP '08 kung saan ay regular mainstay siya ay itinangginiya na nililigawan niya si Rhian.

"Totoong lumabas kami, but it's a friendly date lang naman. Hindi ko siyanililigawan," paglilinaw ni Rayver.

Si Rayver ay alaga ng ABS-CBN while si Rhian ay mula naman sa GMA-7. Paanoba sila nagkakilala?

"Nagkasama kasi kami sa isang show, sa event ng Smart. ‘Tapos ayun, nalamanko na taga-South din pala siya. Hiningi ko yung number niya. ‘Tapos ayun, nagti-text-ankami. Tiyempo naman na nung minsang wala akong ginagawa, tinawagan ko siya parayayaing lumabas. Nagkataon din naman na wala siyang ginagawa that timekaya ‘ayun, nagkasama kami," lahad ng young actor.

Isang beses pa lang daw lumabas sina Rayver at Rhian. Pero puwede pa kayangmasundan yun?

"Hindi ko pa alam," sagot ni Rayver. "Siguro ‘pag hindi siyabusy, puwedeng yayain ko ulit siyang lumabas."

Aminado naman si Rayver na type niya si Rhian kaya niyaya niya itong mag-datesila. "Siyempre naman, maganda naman kasi talaga siya," sambit ng binata.

So darating sa puntong liligawan niya si Rhian?


"Hindi ko pa masasagot ‘yan sa ngayon,"


Sa tingin niya ba ay girlfriend material si Rhian?


"Oo naman!" mabilis na sagot ni Rayver.


Ano ang magagandang qualities na nakita niya kay Rhian?


"Mabait siya, sweet ayun, maganda," aniya.

Mula sa magkalabang network sina Rayver at Rhian. Hindi ba nababahala siRayver na baka pagbawalan siya ng ABS-CBN na makipaglapit kay Rhian?

"I don't think so naman na pagbabawalan nila ako. Wala namang masama doon,di ba, na makipagkaibigan ako kay Rhian? At katulad nga ng sabiko, friendly date lang naman yun, lumabas lang naman kami. Walanamang masama doon," diin ni Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN