Dennis Trillo dismisses intrigue that he is using Cristine Reyes to promote his movie

"Hindi totoo yun. Unang-una,nakakalungkot isipin kasi ayoko naman sanang magsalita about that. Kasi ano, e,medyo nakakalungkot yung mga nasulat. At saka ever since naman, hindi koginamit yung personal kong buhay sa pag-promote ng kahit na ano," says Dennis Trillo about intrigue that he is using his breakup with Cristrine Reyes to create buzz for the movie I.T.A.L.Y.



Muling kinumpirma ng Showbiz Central kay Dennis Trillo angisyung break na sila ng young actress na si Cristine Reyes. Unang inamin niDennis ang tungkol sa breakup nila ni Cristine sa press conference ngI.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) noong September 1.

Sa taped interview ni Dennis sa Showbiz Central naipinalabas kahapon, September 14, ipinaliwanag nitong, "Nagkataon lang kasi napresscon for I.T.A.L.Y., pero wala naman sana akong planong isiwalat sa lahat.Pero, siyempre, may mga nagtatanong. Siyempre, yung pagkakaroon ng relasyon,medyo kumplikado talaga ‘yan. Lalo na kapag nagkaroon ng relasyon na kasama morin sa showbiz. Siguro, nagawa ko rin yun to protect her."

Ngayong wala na sila ni Cristine, naka-move on na ba siya? Is he happy being single?

"Oo!" sagot niya. "Masaya, siyempre, mas focus ako ngayon,lalo na sa trabaho ko ngayon."

Yun nga lang, kahit sabihin pang hindi na sila romanticallylinked ni Cristine, may intrigang tila ginagamit daw niya ang dalaga paramapag-usapan ang movie niya ngayon na I.T.A.L.Y. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi totoo yun," tanggi ni Dennis. "Unang-una,nakakalungkot isipin kasi ayoko naman sanang magsalita about that. Kasi ano, e,medyo nakakalungkot yung mga nasulat. At saka ever since naman, hindi koginamit yung personal kong buhay sa pag-promote ng kahit na ano."

CARLENE'S NEW MAN. Kung si Dennis ay nagsasabing single siya ngayon,kabaligtaran naman ito sa ina ng kanyang anak na si Carlene Aguilar. Balitang may bago na itong boyfriend. Madalas raw nakikita ang lalaking itoevery time na mag-perform si Carlene sa Celebrity Duets. Ano ang masasabi niDennis sa bagay na ito?

"Good for her talaga kasi bawat isa naman sa atin, maykarapatan tayong maging masaya. May karapatan tayong maging maligaya sa mgabuhay natin. So, kung yun ang nagpapasaya sa kanya, e, di okey, walangproblema," saad ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw nagiging problema sa kanilang dalawa niCarlene ang paghahati ng oras at atensiyon para sa kanilang anak. In fact, siDennis nga raw ang nag-asikaso ng birthday party ng kanilang one-year-old sonna si Calix last Saturday, September 13.

"Yung party mismo, matagal na namin yung pinaghandaan, lastyear pa. Malaking party siya, pero for close friends and family lang dahil hindinaman showbiz yung anak ko.

"At saka, one year old pa lang siya. Ayokong mamulatsiya sa mga ganitong bagay at an early age. Gusto kong maging special para sakanya ang araw na yun," saad ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN