Rose Flaminiano on Gabby Concepcion: "Sasampalin ko siya ng dokumento!"

"Sinasabi niya, peke ang kontrata ko, ilang beses na ba siya nagpakasal at pumirma ng marriagecertificate? Ilang beses siya gumawa ng falsification of public documents kayanakasuhan siya ng bigamy?" Mrs. Rose Flaminiano lashes out at Gabby Concepcion (inset) in response to the actor's accusations.



"Sasampalin ko siya ng dokumento! Nandiyan ang mga tseke atbreakdown sa expenses!" maanghang na pahayagng business manager ni Gabby Concepcion na si Mrs. Rose Flaminiano. Nakausapng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang film producer at talent manager sa telepono upang hingin ang kanyang panigtungkol sa mga akusasyong ibinabato sa kanya ng aktor.

"Sinasabi niya, peke ang kontrata ko, ilang beses na ba siya nagpakasal at pumirma ng marriagecertificate? Ilang beses siya gumawa ng falsification of public documents kayanakasuhan siya ng bigamy?" buwelta pa ni Mrs. Flaminiano.

Hinihintay ng publiko ang kasagutan ni Mrs. Flaminiano samga ipinahayag ni Gabby sa The Buzz kahapon, September 14. (Click here to readrelated article.)

Nagpauna na rin ng statement si Mrs. Flaminiano sa The Buzzna nagsasabing kasinungalingan daw ang lahat ng sinabi ng alaga.

Dapat sana ay may presscon si Mrs. Flaminiano ngayong arawna ito, pero naurong ito sa Miyerkules, September 17. Punto por punto aysasagutin daw niya at haharapin ang lahat ng akusasyon sa kanya ni Gabby.Nakatakda rin siyang mag-guest nang live sa The Buzz sa susunod na Linggo, September21.

May statement pa ang film producer at talent manager naipaglalaban niya ang kontrata niya kay Gabby. Hindi raw siya papayag na i-terminateito ng aktor. May babala rin si Mommy Rose na ipapa-TRO (Temporary RestrainingOrder) niya kung sino man ang kukuha ng serbisyo ng aktor na wala siyangpermiso.

Ayon naman sa isang nakikisimpatiya sa business manager niGabby, "Para siyang [Gabby] nakikipaglaban sa nanay niya. Hindi maganda sa artista yungnakikipag-away sa manager at nagmumukhang walang utang na loob, malaki angnagiging epekto nito sa career niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN