Alma Moreno takes the hot seat on Showbiz Central's "Don't Lie To Me"

"Actually,hindi sumagi sa utak ko na ako ang palaging dahilan. Siguro, kung ako manyun ay dahil hindi ko natitiis yun. At saka ako kasi, kapag ako angnagmahal, gusto ko, ako lang talaga. Siguro naman, malinaw na yun," says Alma Moreno about talks that she caused all of her relationships to fail.



Isa rin sa madalas masangkot sa kontrobersiya ay ang actressturned politician na si Alma Moreno. Siya ang sumalang sa "Love Me, Hate Me. ButDon't Lie to Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central kahapon,September 14. Habang naka-strap si Alma sa lie detector ay nasa harapanniya ang kanyang mga anak na sina Wyn-Wyn Marquez at Vandolph Quizon, kasama angmisis nitong si Jenny.

Sa "Easy" level, tinanong ni John si Alma na noong dati rawsiyang magpa-interview sa S-Files, nasabi niyang mas lalo siyang nahihirapan sakanyang lumalalang sakit na multiple sclerosis. Pero pagkatapos daw noon,marami ang nagbubulung-bulungan kung may sakit ba talaga si Ness dahilmukha namang fresh at punong-puno ito ng energy.

Inimbento lang ba niAlma ang naturang sakit to get the public's sympathy?

"No" ang sagot ni Alma at "Truth" naman ang lumabas samachine.

Ayon kay Alma, "Nariyan pa rin po ang sakit ko, pero hindiko naman kailangang sabihin sa inyo na itong araw na ito, ang sakit-sakit ngulo ko. Siyempre, kailangang dapat palaging naka-smile."

Depensa naman ni Vandolph sa ina, nakikita raw nila itokapag may sakit. Nasa kuwarto lang, inihihiga at umiinom ng gamot. Yun dawsiguro ang sikreto ng mommy nila kung kaya't maganda pa rin ito.

Sa "Moderate" level, ang tanong kay Alma ay kung bigla na langba siyang nagsawa kung kaya't iniwan niya sa ere ang ex-boyfriend niya na siGerald Madrid?

"No" ulit ang sagot ni Alma at "Truth" ulit ang lumabas naresulta.

Paliwanag ni Alma, "Nag-usap kami at may mga bagay na like,di ba, pumasok na ako sa pulitika, nag-councilor ako? Simula noon, hindi nakami... Magkaibigan kaming nagkahiwalay. Ang priority ko kasi ngayon, yungtungkulin ko as a councilor."

Tinanong naman ni Sweet si Vandolph kung hindi ba siyanaalangan nang maging boyfriend ng mommy niya si Gerald dahil mas bata ito?

"Siyempre noong una, nagkakapaan kaming dalawa," sabi niVandolph. "Parang nagkakailangan pa kung paano mag-uusap. Later on, okey na.Ayaw nga niyang tinatawag ko siyang 'papa' or 'daddy'. Gerald lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din Sweet si Wyn-Wyn kung naging close ba siya sadating boyfriend ng mommyniya.

"Yeah, at some point, naging close kami," sagotniya. "Siyempre, kapag hindi kami naging close, ang pangit. Ang pangit ngrelasyon. At saka, kung saan naman masaya ang mommy namin."

Dugtong ni Alma, "Hindi ako naglilihim sa mga anak ko.Sinasabi ko sa kanilang lahat kung kaya't alam nila ang totoo."

Isa pang tanong under moderate level ay tungkol naman sadating asawa ni Alma na si Dolphy. Sa isang interview nito, nasabi raw ni MangDolphy na kaya sila naghiwalay ay sa dahilang hindi nito masakyan ang lifestyleni Ness.

Totoo bang nagbuhay-reyna siya, kaya sila naghiwalay ng ComedyKing?

"No" pa rin ang sagot ni Ness, pero this time, "Lie" naang lumabas na resulta.

Umapela naman si Ness pagkatapos. Aniya, "Alam n'yo po,basta kami ni Dolphy, alam namin kung bakit kami naghiwalay. Pero yungbuhay-reyna po, minahal ko siya at minahal niya ko that time. Bahala na po silakung ano ang gusto nilang sabihin, yung nagsusulat. Tutal, wala naman na pongisyu, so, bahala na sila.

Depensa naman ni Vandolph sa ina, "Ganoon lang kami kamahalng tatay ko."

Dugtong ni Alma, "Si Dolphy naman, hindi lang naman sa akin,mabait naman talaga si Dolphy. Mapagbigay."

Sa "Difficult" level, noong mag-decide na magpakasal siVandolph, totoo bang tumutol si Alma noong una dahil pakiramdam niya ayhindi pa kayang magdala ng pamilya ang kanyang anak?

"No" pa rin ang sagot ni Alma at "Truth" ang lumabas.

"May blessing ako at ini-explain ko lang kay Vandolph nakapag nagpakasal siya, ganito, ganyan... At isa lang ang tanong ko sa kanya,‘Sinabi mo na ba sa Papa [Dolphy] mo?' Yun lang," lahad ni Alma.

Follow-up question ni Sweet kay Alma ay kung naging mabutingasawa ba si Jenny sa kanyang anak na si Vandolph?

Isang matunog na "yes!" ang tugon ni Alma na sinag-ayunannaman ng lie detector.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Jenny, napakabait, napakalambing at saka anak na rintalaga ang turing ko sa kanya. Bago pa man kasi sila ikasal ni Vandolph, veryclose na kami ni Jenny. At saka kapag nag-a-out-of-town kami, kasamanamin palagi si Jenny, kaya kilala ko na siyang talaga."

Sabi naman ni Jenny, "Si Vandolph po mismo, siya yungnagsasabi sa akin na para raw siyang nakakita ng asawa, at the same time nanay."

Marami raw ang nagsasabi na hindi na nakatira sa poder niAlma ang mga anak niya kay Joey Marquez na sina Wyn-Wyn at Yeoj. Angtanong tuloy ng karamihan, may tampo ba kay Alma ang mga anak niya?

"No" ang sagot ni Alma at "Truth" ang lumabas na resulta.

"Si Yeoj talaga, na kay daddy niya," sabi ni Alma. "SiWyn-Wyn naman, SK Chairman ‘yan, so nasa akin ‘yan, sa Baclaran. Pero kapag maypasok talaga siya, mas sinasabi ko sa kanya...Kung wala namang trabaho bilangSK, pinapapunta ko siya sa daddy niya at doon na muna mag-stay kasi mas malapitsa San Beda."

Dagdag niya, "Si Yeoj kasi, baby kasi ni Joey yun. Palagingkasama ni Joey yun. Pero nagpupunta rin sa akin palagi, minsan three times aweek, sa akin din natutulog."

Katuwiran naman ni Wyn-Wyn, "Imposible kaming magtampo kayMommy. Sabi niya nga, di ba, she's a cool mom! So, talagang walang reason paramagtampo kami. Kailangan lang doon kami mag-stay kasi doon malapit ang schoolnamin."

Totoo ba na ang isa pang anak ni Alma na si Mark AnthonyFernandez—sa yumaong aktor na si Rudy Fernandez—ang nagbabayad sa iba pa niyangmga pagkakautang?

"No" ang nakangiting sagot ni Alma at sumang-ayon naman anglie detector.

"Actually, hindi ko alam kung saan galing ‘yang tsismis.Palagi naman akong natsitsismis na napakaraming utang. Pero sino ba ang taongwalang utang? Alam ko naman ang obligasyon ko. Pero hindi ang anak ko... Si Mark,tumutulong man siguro mga anak ko, kapag nanlalambing sa akin. Pero baligtad, ‘yangmga ‘yan pa nga!" natatawang sabi ni Ness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit naman ni Vandolph, "Alam n'yo ‘yang si Kuya Mark, mayzipper yan sa katawan!" na ibig sabihin ay mag pagka-kuripot daw ang kapatid.

Pero sabi naman ni Ness, "Mabait yang si Mark, minsan nga,maiiyak ka. Siya mismo ang magkukusa, maluluha ka."

Sa "Now or Never" question, sa dami raw ng naging pastrelationship niya, puwede kayang sabihin na sa kanya ang problema kung kaya'tnauwi ito sa hiwalayan?

"No" ang sagot ni Alma and this time, "Lie" ang lumabas naresulta.

Ang apela ni Alma, "Hindi ko ma-explain diyan [pointing tothe machine], bakit hindi truth ang lumabas dyan, ‘no! Actually,hindi sumagi sa utak ko na ako ang palaging dahilan. Siguro, kung ako manyun ay dahil hindi ko natitiis yun. At saka ako kasi, kapag ako angnagmahal, gusto ko, ako lang talaga. Siguro naman, malinaw na yun.

"At saka ako, ang relasyon sa akin, relasyon talaga. Peroyung kumbaga, hanggang kaya kong i-keep, iki-keep ko. Pero kapag ayaw, ayaw natalaga."

May chance pa ba na buksan niyang muli ang puso sapakikipagrelasyon?

"Basta ako, trabaho lang ako. Ngayon po, sa totoo lang,aaminin ko na ang concentration ko ngayon ay sa trabaho ko bilang councilor atbilang secretary general ng PCL [Parañaque Councilors League]. Yun po angtrabaho ko, yun po ang nasa puso ko. Kung ano ang gagawin kong trabaho bilangpagtulong," sabi ni Alma.

Pareho namang cool ang mga anak ni Ness at okey lang sakanila na magkaroon ng bagong pag-ibig ang mama nila, basta sa kung saan daw itomaligaya.

Sa huli, dalawa lang na "Lie" at anim na "Truth" ang nagingresulta ng lie-detector test ni Alma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN