Ronnie Liang apologizes to Sarah Geronimo for "mansion issue"

"Hindi ko naman sinabi na liligawan ko siya. Hindi ko rinnaman sinabi na ibabahay ko siya at nagpapatayo ako ng isang mansion.Kayabangan naman yun dahil wala naman akong ganung kalaking pera para magpagawang mansion," explains singer Ronnie Liang about reports that he will take Sarah Geronimo to his "mansion" once it's finished.



Sa binitawang salita ni Sarah Geronimo na kung gusto siyangligawan ng kasamahan niya sa ASAP '08 na si Ronnie Liang ay dapat kumilos nalang ito kesa i-publicize ang intensiyon nito sa kanya, agad nahinintay ng tao kung ano naman ang reaksyon ni Ronnie sa pahayag ng PopPrincess.

Kamakailan ay nahingan ng komento si Sarah tungkol sa mga lumabas na balita na ng dalaga raw ang ititira ni Ronnie saipinapagagawang mansion. Ayon kay Sarah, hindi siya naniniwala sa nasabingbalita at hindi nga raw niya alam kung maniniwala siya na may mansion ngangipinapapagawa ang dating Pinoy Dream Academy (PDA) scholar.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronniesa dressing room ng ASAP '08 noong Linggo, September 14. Humingina raw siya ng dispensa kay Sarah at sa ina nitong si Mrs. Divine Geronimo dahil samga lumabas na balita.

"Kinausap ko si Mommy Divine last Thursday [September 10] saband rehearsal ng ASAP. Kinausap ko rin si Sarah, humingi ako ng dispensa samga lumabas na isyu. Pero klinaro ko rin na wala akong sinabi na ibabahay ko siSarah.

"Kanina sa ASAP, kinausap ko siya uli and I apologizedagain. Ang sabi niya sa akin, okey lang daw yun, that's part of show business.Maunawain naman siyang tao, she's very nice," saad ni Ronnie.

Saan ba kasi nagsimula ang mansion issue na ito?

"It all started sa pocket presscon ko for my concert thiscoming September 27 at Music Museum para sa abum ko, pati dun sa bahay naipinapagawa ko na matatapos na in Pampanga for my parents. Suddenly, iba nayung lumabas na mga kuwento," paliwanag ni Ronnie.

It seems that everything was blown out of proportion. Angisang simpleng pag-amin niya na may crush siya kay Sarah ay nanganak na nangnanganak ng iba't ibang issue.

"Hindi ko naman sinabi na liligawan ko siya. Hindi ko rinnaman sinabi na ibabahay ko siya at nagpapatayo ako ng isang mansion.Kayabangan naman yun dahil wala naman akong ganung kalaking pera para magpagawang mansion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm just very vocal na sabihing crush ko si Sarah. Tinanongako ng mga press kung sino ba ang crush ko. Ayoko namang sabihin na wala, gustokong maging totoo at wala naman sigurong masama doon.

"Nung mag-guest ako sa Boy & Kris, tinanong kami kung sinoang crush namin, sinabi ko, siya [Sarah]. Hinahangaan ko siya kasi magalingsiya, maganda, saka mabait. Pero ganun lang yun.

"Yung mga infos kasi na nakarating sa kanya were notcorrect. Alam mo kasi minsan, may magtatanong ng ilang questions para lang kumuha ng reaction ‘tapos ire-reverse siya.Hindi ako nagsabi ng kahit na ano, pero kung yun ang reaction ni Sarah, Irespect that," paglilinaw ng singer.

Noon pa man ay iwas nang magbigay ng anumang komento siRonnie ‘pag napag-uusapan si Sarah, lalo't napagbintangan siyang ginagamit langang Pop Princess. Sa paglalabasan ng kunganu-anong issues ay mukhang mas iiiwas na si Ronnie na magsalita ng kahit naano when it comes to Sarah.

"Pahuhupain ko na lang ang issue at ayoko nang mag-mentionmuna regarding love life. Pero hindi pa rin magbabago na hinahangaan ko siya,"sabi ni Ronnie.

Sa panayam kay Sarah during her presscon ay inamin nito namay crush siya na kasamahan sa ASAP ‘08 na natutuwa siya tuwing makikita niya.Ang description pa nito ay magaling daw sumayaw ang lalaking ito. For Ronnie,this is something normal at walang issue sa kanya, lalo't wala naman silangrelasyon ni Sarah.

"Okey lang yun, natural lang naman yun na magka-crush siya.Hindi naman kami, bakit ko naman siya tatalian? Ako din naman, nagka-crush dinako sa iba. Right now, bising-busy siya sa career niya; ako din naman, may mgainaayos ako sa career ko. Focus na muna talaga ako sa career ko."

This week ay magte-taping na sa I Love Betty La Fea siRonnie bilang Enrique. Mayroon din siyang album underUniversal Records, composed of 11 to 12 tracks. Ang ilanniyang mga sumikat na kanta, tulad ng "Ngiti" na may Kapampangan title na "Ayli"at "Ikaw na Ika," ay inawit niya sa wikang Kapampangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

.

Mayroon din siyang fund-raising concert sa September 27 saMusic Museum, Triple Dare Music. Ang beneficiary nito ay angImmaculate Heart of Mary Marriage Encounter Community.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN