Matt Evans hopes Melissa Ricks will be his screen partner in more projects

"Kung ano sa tingin nila ang maganda para sa career ko, sige, doon na rinako. Kaya lang, sana hindi muna kami paghiwalayin ni Mel as love team. Masmarami pa sana silang project na ibigay na kami pa rin ang magkasama atmag-partner," says Matt Evans about his loveteam with Melissa Ricks.



Napanood noong Sabado, September 13, sa isang episode ngMaalaala Mo Kaya sina Matt Evans at Kim Chiu. Kahit hindi naman talaga sila angloveteam—si Melissa Ricks ang ka-love team ni Matt at si Gerald Anderson namankay Kim—ay tinanggap pa rin ng publiko ang kanilang tambalan. Maramiang nanood ng kanilang episode.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Matt noong September 14after ng ASAP '08, kung saan ay semi-regular siya, sinabi niya na okey langnaman na itambal siya sa iba. Pero hangga't maaari ay si Melissa pa rin anggusto niyang makatambal.


"Sa akin, wala namang kaso kung ipa-partner ako sa iba. Kaya lang, para saakin, sayang din naman yung na-build up namin ni Mel, yung pinaghirapan naminna loveteam, di ba?" sabi ni Matt.


Pero iginagalang naman daw ni Matt kung anuman ang magiging desisyon ng ABS-CBNsa kanyang career.


"Kung ano sa tingin nila ang maganda para sa career ko, sige, doon na rinako. Kaya lang, sana hindi muna kami paghiwalayin ni Mel as loveteam. Masmarami pa sana silang project na ibigay na kami pa rin ang magkasama atmag-partner."


May posibilidad ba na ang love team nila ni Melissa ay mauwi sa totoongbuhay?


"Hindi ko pa rin masasabi. Pero marami pa rin naman ang puwedeng mangyari,di ba?" sagot ni Matt.


Halos araw-araw ay magkasama sila ni Melissa, hindi pa ba siya nadi-developdito?


"Yung sa akin kasi, puwede kong sabihin na puwede akong ma-develop sakanya, puwede ring hindi. Kaya lang, trabaho ang priority ko talaga sa ngayon.Ayoko munang mag-lovelife," aniya.


Pero bakit sa isang interview ni Melissa ay natanong ang dalaga kungnanliligaw siya rito, ang sagot niya ay si Matt na lang daw ang tanungin.Parang pag-amin na rin ito ni Melissa, pero ang gusto lang niya ay kay Mattmismo manggaling kung nanliligaw nga ito sa kanya..


Anong masasabi ni Matt tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ako, hindi ako marunong manligaw, e, sa totoo lang. Basta kapag magaanang loob ko sa isang babae, maganda yung pakikitungo ko sa kanya.Ipaparamdam ko na nagki-care ako sa kanya."


Sabi ni Melissa, kung sakaling liligawan niya ito ay malaki ang tsansa niya.


"Ay, salamat! Sobrang salamat talaga!" tanging nasabi ni Matt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN