Katrina Halili talks about contract dispute with Mother Lily

"Sa pagkakaalam ko po kasi, ang sabi ng attorney ko, wala naraw po. Kasi ang contract na pinirmahan ko sa Regal, four pictures in twoyears. So ang pagkakaintindi ko doon, magawa mo man o hindi yung apat napictures na ‘yon, dapat okay na ‘yon in two years, hindi ba?" replies Katrina Halili when asked if she still has a contract with Regal Entertainment.



Nilinaw ni Katrina Halili ang tungkol sa balitang idedemandasiya ng Regal matriarch na si Lily Monteverde for breach of contract.

Kasalukuyan nang pinaplantsa ang unang pelikulang gagawin niKatrina sa OctoArts Films, ang One Night Only na magiging star-studded angcast. At kung magkakaproblema nga saRegal ang sexy actress, posibleng magka-aberya ang pelikula na kalahok sa2008 Metro Manila Film Festival.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrinasa Barrakz Bar, Tomas Morato Ave., Quezon City, at inusisa namin ang dalaga sapuno't dulo ng usaping ito.

"Iyong latest po ukol kay Mother Lily? Hindi ko pa po kasinakakausap si Mother Lily, at saka yung attorney ko ay hindi ko pa rinnakakausap lately. Wala pa rin po akong alam," saad ni Katrina.

May kontrata pa ba siya sa Regal?

"Sa pagkakaalam ko po kasi, ang sabi ng attorney ko, wala naraw po. Kasi ang contract na pinirmahan ko sa Regal, four pictures in twoyears. So ang pagkakaintindi ko doon, magawa mo man o hindi yung apat napictures na ‘yon, dapat okay na ‘yon in two years, hindi ba?

"So, ang pagkakaintindi ko, parang isa pa lang daw angnagagawa kong movie, yung Gigil. Kasi yung Shake, Rattle & Roll, ano raw‘yon, trilogy, so hindi ‘yon counted as one. And may ka-partner yata doon,kailangan daw ay under Regal lang. Kapag may ka-partner, hindi raw counted as Regal din, so parang isa palang daw ang nagagawa ko.

"Pinabasa ko sa attorney ko yung kontrata and sabi niya, ooraw, tapos na ang kontrata. Kasi four picturesin two years, e, and tapos na yung two years e. Sabi ng attorney ko, nag-usapna sila ng attorney ni Mother Lily," lahad ni Katrina.

Sinabi rin ni Katrina na handa siyang makipag-usap kayMother Lily para maayos na ang gusot na ito.

"Oo naman po. Willing naman akong makipag-usap kay Mother.At saka, willing naman po ako kung pagagawin pa niya ako ng trabaho, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinuturing ba niyang may utang na loob siya saRegal, kahit may misunderstanding sila sa kontrata ngayon?

"Oo naman po," sagot ni Katrina. "Si Mother pa, mahal namahal ko naman siya, e. At saka sa akin naman po, puwede namang pag-usapan anglahat ng bagay, e, puwedeng pag-usapan ang lahat ng isyu. At saka hindi namanako masama na, ‘Ay, hindi na ako gagawa ng pelikula sa Regal!' Hindi naman poako ganoon, e.

"Kasi ang nangyari talaga, medyo na-stuck ako, e, parangwala akong ginagawang movie. So, parangsabi ko, gusto kong gumawa ng movie. And tiningnan ko yung contract ko kungpuwede na akong tumanggap ng iba, kasi maraming offers sa akin sa ibangproduction na gusto ko naman sanang gumawa, pero hindi ako makagawa.

"So, nang tiningnan ko ang contract ko, tapos na. ‘Tapospinabasa ko sa aking attorney, si Atty. Raymond Palad, and sabi niya ay taposna raw talaga. Pero sabi ko nga po ngayon lang, handa pa rin akong gumawa ngmovie sa Regal at love ko naman si Mother, kaya sa tingin ko ay wala namandapat maging problema e," pagtatapos ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN