PEP EXCLUSIVE: Marian Rivera: "Matagal na akong jologs!"

"Yun ang maganda, e. Kasi si Dingdong, sosyal! Tapos ako, jologs! Ataminado ako riyan na jologs ako. Aminado ako na kung malakas man ang boses ko,kung prangka man ako, doon ako minahal ng tao. Kaya ako minahal ng fans kodahil sa pagiging totoo ko sa sarili ko at wala akong itinago sa kanila," says Marian Rivera about comments that she is "jologs."



Habang naghihintay si Marian Rivera for her next gap sa GrandFans' Day ng Dyesebel sa SOP last Sunday, September 14, nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang young actress na mukhang mas relaxed nangayon.

Si Marian na mismo ang nagkuwento na malapit nang magtaposang kanilang primetime series ni Dingdong Dantes na Dyesebel. HanggangOctober 10 na lang daw ito. Pero hindi pa raw niya alam kung ano ang planosa magiging finale nila.

"Ngayon kasi, pinaghahandaan pa namin yung mga fight scenesnamin sa tubig. Yun kasi ang pinaka-complicated sa aming lahat. Yun talaga angpinaghahandaan. At saka ang dami pang maglalaban," saad ni Marian.

Tinanong ng PEP si Marian kung ano na ang puwedeng abangan ng mga tagahanga niya pagkatapos ng Dyesebel.

"Well, wala pa namang kinukumpirma sa aking project," sabiniya. "But I hope, since may kontrata ako sa kanila, meron namangsusunod. Ayoko rin namang magsabi na, ‘eto ang next ko hangga't hindi pakami nagkakapirmahan ng kontrata. Hangga't hindi pa kami nagte-taping. Mahirapdin kasing mag-assume na ibinigay na sa akin, ‘tapos hindi naman pala mapupuntasa akin. So, ang sakit naman no'n para sa akin. Kapag sigurado na, doon kona lang sasabihin"

Sinabi naman sa kanya na siguradong maykasunod na siyang proyekto pagkatapos ng Dyesebel. Hindi nga lang daw niya alamkung kailan nila ito sisimulan, lalo pa nga't may pelikula rin silang gagawinni Dingdong, kasama si Iza Calzado, ang One True Love ng GMA Films. Balitangthis Thursday (September 18) na ang story conference.

Parehong bongga at nag-number one sa rating ang Marimar atDyesebel, so inaasahan na mas bongga ang susunod niyang TV series. Ano ang masasabi ni Marian dito.

"Lahat naman, e! Lahat naman bongga! Iba-iba naman anglahat!" tawa ni Marian.

Tinanong din ng PEP si Marian kung posible ba na sila pa rinni Dingdong ang magkapareha sa susunod na series nila.

"Hindi ko lang alam," sagot niya. "Depende lang sa mgamanonood kung gusto pa rin ba nila kaming mag-partner, o baka magsawa sila atiba naman ang ibigay sa akin. So, tingnan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero mukha namang sa ngayon, kinikilig pa rin sila sa amin.At saka siyempre, kung kumportable rin lang ang pag-uusapan at gaan katrabaho,siyempre si Dong, kasi ang tagal ko na siyang katrabaho. Kahit anong gawin ko,hindi na ako nahihiya. At saka kami ni Dong, tulungan kami sa pag-arte,tulungan kami sa lahat ng bagay."

Hindi naman sang-ayon si Marian sa mga nagsasabi raw nawithout her, posibleng bumaba ang popularidad ni Dingdong, or vice versa.

"Ay, hindi! Naniniwala kasi ako na sa isang soap opera,bukod sa lead, yung mga cast nakakatulong, e. Hindi porke't okey ako, okeysi Dingdong, e, ibig sabihin okey na, di ba? Naniniwala ako na lahat kaminag-e-effort talaga. Yung love team namin ni Dingdong, yung mga cast,nagtutulungan."

Dagdag niya, "Actually, na-try ko na rin namang mag-solo. SiDong din naman, e. Pero lahat ng nangyayari sa amin, may katulong kami riyan.Like ako, malaki ang pasasalamat ko sa Dyesebel, pero kung hindi rin namandahil sa love team ko si Dingdong at sa mga cast na tumutulong din sa amin,hindi rin naman siguro ko mamahalin ng mga tao, di ba?

PROUD TO BE JOLOGS.Isang bagay naman na madalas na naisulat at naikokomento kay Marian ay tungkolsa paraan niya ng pagsasalita, lalo na noong nakaraang birthday concert nila ni Dingdongsa Araneta Coliseum. May ilang nagsasabi na lumabas daw doon ang pagiging"jologs" niya at may iba namang nagsasabi na tipong "palengkera" ang youngactress.

Pero maagap ang naging tugon ni Marian sa bagay na ito.Aniya, "Yun ang maganda, e. Kasi si Dingdong, sosyal! Tapos ako, jologs! Ataminado ako riyan na jologs ako. Aminado ako na kung malakas man ang boses ko,kung prangka man ako, doon ako minahal ng tao. Kaya ako minahal ng fans kodahil sa pagiging totoo ko sa sarili ko at wala akong itinago sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ba sa mga natatanggap na comment ay plano niyangbaguhin ang naturang personality?

"Ay, hindi!" mabilis niyang tugon. "Kasi ako, kung kailangansa isang okasyon na maging sosyal, kaya kong maging sosyal, why not? Kungjologs din ang pag-uusapan, kaya kong maging jologs. Kahit saan mo ko ipunta, a-attendng party at puro mga sosyal, why not? Bakit naman hindi ko kaya? E, eto ako.Eto ang normal ko. Kaya ako minahal ng mga tao, kaya go!"

Ano naman ang message niya sa mga nagsasabi sa kanyangjologs siya?

"Ay naku, ang tagal ko nang jologs! Ang tagal ko nangstraight to the point. Manood sila ng Happee toothpaste [commercial] ko, matapangat palaban ang mga Caviteña! So, kanya-kanyang pagkatao lang din ‘yan!" natatawaniyang sabi.

Tingin nga raw niya, yung magkaibang personalidad nila ni Dingdongang dahilan kung bakit nagki-click din sila.

"E, sosyal si Dong, e! Aminin natin yan! Actually,hindi siguro sosyal kundi mas finesse siya. Kumbaga, ako ang baligtad niya.Kaya kami magkasalungat. May mga bagay na hindi niya alam na itinuturo ko sakanya. At may mga bagay na hindi ko alam na itinuturo niya sa akin. Hindikami parehas na sosyal. Hindi kami parehas na jologs. So, mas maganda namagkasalungat kami," pahayag ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN