Dingdong Dantes not sure if he'll be paired again with Marian Rivera after "Dyesebel"

"Atleast, we shared something very special, so, ang importante sa amin, ini-enjoylang namin kung ano ang meron kami ngayon. Kung gugustuhin ulit kaming dalawa,siyempre, masaya kami. Kung hindi man, we have to accept na darating atdarating talaga yung time na yun," says Dingdong Dantes about his love teamwith Marian Rivera.



Kahitnaka-cast ang kanang kamay ni Dingdong Dantes nang makita ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) last Sunday, tila hindi nabawasan ang kaguwapuhan nito.Dahil din siguro sa mas relaxed at hindi ganun kangarag ang actor ngayon, di katulad last month na sobrang bisi-bisihan sila ng leading lady na si MarianRivera.

THEEND IS NEAR. Kinumpirma naman ni Dingdong na malapit nang magtapos ang Dyesebel,despite it's continous lead in ratings. Kaya nga aminado ang aktor nanakakadama siya ng lungkot sa nalalapit na pagwawakas ng kanilang show.

"Medyonakakalungkot, kasi yung bonding namin with the whole cast. Hindi pa namannamin alam kung sino ba yung makakasama namin after. Pati kami ni Marian, hindipa rin naman kami siguradung-sigurado na magkakasama kami sa susunod. So, we'rejust making the most out of it," nakangiti naman niyang pahayag.

Peromay sinabi na ba ang network na follow-up show nila after Dyesebel?

"Sinabinila meron daw, pero, kung ano specifically...siyempre, hangga't hindi pa nilatalaga ako nakakausap personally, like, nasasabi kung ano ang istorya, kungsino ang cast, siyempre, ayoko munang umasa."

Perodugtong din niya, "Alam ko naman na meron kaming kasunod that will be shown nasiguro by next year. Pero posibleng mag-start na rin siguro ang tapingthis year."

SPECIAL BONDING. Ayaw pang magsalita ni Dingdong kung sila pa rin ba niMarian ang susunod na magkatambal. Pero, aniya, "Malaki naman angposibilidad. Kumbaga, hindi enough yung itinakbo ng Dyesebel. Yun,isang story lang yun. They can still see a different Marian and differentDingdong."

Kapagsilang dalawa naman daw ni Marian ang magkausap, hindi nila napag-uusapanang kanilang career. Ibang mga bagay-bagay raw ang madalas nilangnapag-uusapan.

"Actually,hindi namin napag-uusapan yung mga ganyan. Like, ‘O, ikaw ang gusto kongmaka-partner.' Parang kami ni Marian, we're like... bahala na, e. Parang minsannapag-usapan namin, kung mag-iiba kami ng partner, ‘Masaya ‘ko para sa ‘yo.'

"Atleast, we shared something very special, so, ang importante sa amin, ini-enjoylang namin kung ano ang meron kami ngayon. Kung gugustuhin ulit kaming dalawa,siyempre, masaya kami. Kung hindi man, we have to accept na darating atdarating talaga yung time na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHATIF? Ipinarating ng PEP kay Dingdong ang ilang comments ng PEPsters. Maynagsasabing kung hindi na si Marian ang magiging partner niya, posible raw na hindi na maging kasing-init ngayon ang popularity niya dahilibang-iba nga yung love team nila. Ano ang masasabi niya rito?

"There'sa bit of truth to that. Ang nangyari kasi, lahat ng aspeto, lahat ngcombination, naging tamang-tama. Like, tamang partner, tamang show, Marimar.Tamang character. Tamang timing. Lahat no'n, sabay-sabay siya. Mawala man yungisa no'n, hindi magkakaroon ng same impact kung anuman ang nangyari noon. Hindiko ikinakaila yun, at hindi ko nakakalimutan yung pagsasama-sama ng mga yun, atsi Marian ay isang malaking bahagi doon."

Ganundin kaya ang mangyayari for Marian, if ever, sa iba naman siya maipapareha?

"Hindiko masasabi yun. But of course, I know that I will deliver itdifferently for other people, hindi ko lang alam kung paano ide-deliver ng iba.All that matters is, when I deliver it, it's work. Ayokong sabihin na sa iba,baka hindi. Hindi ko rin naman alam kung paano nila gagawin."

Sahuli, naniniwala si Dingdong na marami pa raw silang puwedeng gawin talaga niMarian, both as a team and as individual actors.

"Actually,hangga't gusto pa rin naman nila kami. Sila naman ang magbibigay kung ano anggustong mangyari. Sila naman ang audience namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN