Gladys Reyes back to work after giving birth

"Ang sa akin naman, ano ba, maarte pa ba ‘ko ng hindi tama?Ha-ha-ha! May bagong bahay, so, malaki ang maintenance. So, siyempre, huwagtayong umarte," says Gladys Reyes about her comedy-contravida role in La Lola.Gladys and her family—husband Christopher Roxas, son Christophe and newly bornGianna Aquisha Sommereux—just moved into their P4M house this September 1.


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si GladysReyes sa bago nilang bahay ng husband niyang si Christopher Roxas sa VistaVerde, Cainta, Rizal, noong Linggo, September 14. Dalawang buwan pa lang angnakalilipas mula nang ipinanganak ni Gladys ang kanyang second child na si Gianna AquishaSommereux.

FOUR-MILLION PESO HOME. Magkasabay na idinaos angdedication ni Aquisha at ang second birthday ng pamangkin niGladys na si Sophia. Dahil Iglesia Ni Kristo ang kanilang simbahan, walang mganinong at ninang sa dedication nila; isang simpleng prayer lang for theirdaughter ang ginanap noong umaga ng Linggo sa kanilang simbahan.

Caesarean section nai-deliver ni Gladys ang kanyang anak, ngunit parang hindi ito nanganak. Bilang may-ari ng bahay, siya angpunong-aligaga sa pag-eestima ng mga bisita.

"Two months pa lang! At parang napaka-busy mommy ko ngakasi. Sabi nga nila, ‘Parang hindi ka CS na nanganak,' kasi, napakataas ngenergy ko. ‘Tapos, hands-on pa ako sa pagre-renovate ng bahay. Kulang na ngalang, ako na rin ang magkarpintero para makatapid! Kasi, yung mga batu-bato nanakikita n'yo na ‘yan, ako lang ang naglagay, at saka, sina mommy at tita ko. Kamilang ang nag-landscape niyan dahil walang budget ang lola n'yo," tawa nang tawaniyang sabi.

Noong September 1 lang daw sila nakalipat sa bagong bahay nahindi naman itinago ni Gladys na worth four million pesos. Pero,mahigit isang milyon pa rin daw siguro ang aabutin na gastos for renovation.Katas daw ng savings nila ni Chris, at ng negosyo pa rin nilang K.S.A., angperang ipinambili nila rito.

Maganda ang bago nilang bahay, bukod sa malaki rin ito withsix bedrooms.

"Maganda kasi ang pagkakakuha namin. ‘Tapos, reasonable angprice. Kumbaga, ito ang perfect na hinahanap kong space kasi, since may mgaanak ako. Maluwag yung tatakbuhan nila. Hindi nakaka-suffocate. ‘Tapos, parangrefreshing. Fresh pa ang hangin. Hindi katulad noong nasa siyudad ka. At thesame time, malapit din sa work kasi, noong nasa south kami, sobrang laki talagang nauubos namin sa gasoline pa lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMIC CONTRAVIDA IN LA LOLA. Masaya naman siGladys dahil after two months lang simula nang makapanganak siya aybalik-trabaho na naman siya. Kasama nga siya sa bagong primetime series ngGMA-7 na La Lola.

"Well, masaya naman ako na may bago akong work. Sa Lalola, madalas kong kaeksena si JC de Vera kasi tita niya ako rito. Hindinaman siya super-kontrabida talaga, kasi kung mapapansin n'yo, simula nangmaging mom ako, medyo nag-lie-low rin ako sa pagiging kontrabida. More on may pagka-comedy ang pagka-kontrabida ko.

"Dito naman, may touch of comedy pa rin at may puso pa rin.Yung taray ko rito, hindi taray na seryoso. Medyo over-protective lang ako sakanya rito."

Pinaalaala ng PEP kayGladys na noong buntis pa lang siya, na-mention niya na kung siya angmasusunod, tila type na rin niyang bumalik sa dating seryosong kontrabida rolesna ginagawa niya noon.

"Oo nga, e, kaso ito ang unang dumating. Ang sa akin naman,ano ba, umarte pa ba ako ng hindi tama? Ha-ha-ha! May bagong bahay, so, malakiang maintenance. So, siyempre, huwag tayong umarte.

"Pero sabi ko nga, given a chance na mapagbibigyan akongmakapamili talaga, gusto ko nga na isang matindihan talaga, kung mabibigyan akoulit ng break. Kasi, gusto ko ngang mailabas yung pagka-maldita ko ulit. Yungtalagang todo!"

Pero inaalala rin daw niya ang mga anak, especially siChristophe na toddler na.

"Yung wino-worry ko lang din talaga ro'n, baka matakot anganak ko kapag napanood niya. Baka magalit siya sa akin ng totoo. Siyempre, yungmga bata, hindi mo naman ma-explain sa kanila na, ‘Ay naku, ano lang yun,acting lang yun, anak!" natatawa pa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN