Toni Gonzaga reunites with Vhong Navarro in "My Only U"

"For a time na-missko siya, kasi araw-araw kaming magkasama. Pero ngayon na halos araw-araw ulit kaming magkasama, hindi ko nasiya nami-miss dahil lagi ko na siyang kasama," says Toni Gonzaga when aksed if she missed working with Vhong Navarro.



Nagulat si ToniGonzaga nang makarating sa kanya ang pag-amin ni Vhong Navarro sa nagingfeelings nito towards her. Muntik na ring ligawan ni Vhong si Toni noon athanggang ngayon ay hindi pa rin daw nawawala ang feelings sa kanya ng leadingman niya sa My Only U ng Star Cinema.

"Eto naman si Vhong, kung anu-ano ang pinagsasabi!" natatawang umpisa ni Toni sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "Ano yung kay Vhong, siya kasi yung unang-unang nagingclose ko sa ABS-CBN. Kasi nung nasa ABS na ako, siya na yung unang-una kongnakakasama dito. Sa kanya pa kumuha ng number si Luis [Manzano]. Oo, totoo yun.Talagang siya yung pinaka, kapag maynanliligaw noon dati, kay Vhong muna nila itatanong.

Was there atime ba na na-in love din siya kay Vhong?

"Dahil super closenamin na parang, ‘Ay, gumagaan ang loob namin sa isa't isa.' Pero kasi yun anglagi kong sinasabi na kapag si Vhong ang kasama mo, parang hindi ko maseryoso yung mga pangyayari. Parangnakakatawa lagi. So, magtatawanan na langkayo. Hanggang eventually, lumapat kami doon sa stage na ano, friendshiptalaga," lahad ni Toni.

Kung niligawan basiya ni Vhong ay sasagutin ito ni Toni?

"Ah, hindi marunong manligawsi Vhong, e. Ang alam ko, hindi siya marunong manligaw!" pambubuko ng dalaga.

Kumusta naman angworking relationship nila ni Vhong after three years na huli silang nagkasamasa D' Anothers?

"Ay, hindi nagbago!Ganun pa rin kami ni Vhong. Hindi nagbago dahil lagi kaming nagkikita sa ASAP."

May pagdududa ang iba na kaya raw ibinalik angtambalan nila ni Vhong dahil masyado nang involved kay Anne Curtis ang leadingman niya sa three consecutive movies na ginawa niya na si Sam Milby. Ano angmasasabi ni Toni rito?

"Hindi kasi, ganunnaman talaga yun, di ba? Hindi naman kailangang lagi kang ma-identify sa isanglove team. ‘Tsaka hindi rin naman din natin masasabi kasi, baka who knows in thefuture, gumawa ulit kami ng movie. Pero for now, nagko-concentrate muna kamiwith Vhong. ‘Tsaka si Vhong naman ang original na naka-partner ko," paliwanagniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero matagal dawbago sila pinagtambal ulit ni Vhong, unlike Sam na sunud-sunod ang pelikulanila.

"Oo, dahil kasisiguro talagang nagustuhan ng tao yung ano namin ni Sam," sabi ni Toni. "Nameron talaga kaming malaking ano, fan-based. So, ‘ayun, nagustuhahn talaga nilaand we're very thankful for that. Hindi naman namin kinakalimutan ang suportanila."

Kumusta naman silang boyfriend niya na si Direk Paul Soriano?

"Ay, okey naman,direktor pa rin siya!" biro ni Toni. "Naku, huwag na nating pag-usapan siDirek. Hindi siya kasali sa movie. Nung My Big Love, hindi ko rin siyapinag-usapan. Kasi ayaw ko nung maypelikula ako, nadadamay siya kasi hindi naman siya kasama sa pelikula."

Sino ang My Only U sabuhay niya?

"Sa pelikula siVhong. Sa personal, ay, kilala mo na ‘yon! Alam mo na ‘yon!" sabi sa amin niToni.

Kakabugin ba nilani Vhong ang tandem nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, na huling idinirek ng direktorng movie nila na si Cathy Garcia Molina sa A Very Special Love? May sun dance portion din ba siya samovie?

"Hindi ko nga alam, bakatribal dance!" tawa niya. "Hindi, hindi ko alam. Siyempre, wala naman kaminggustong taubin na kung ano dahil iisang film outfit lang kami. Isa lang angpinagtatrabahuan namin, which is Star Cinema. We're just really thankful nanabibigyan kami ng opportunity ni Vhong na kahit papano masimulan ang movienamin this year."

May pressure ba silana napi-feel dahil galing sa isang blockbuster movie ang pinagsamahan nila niVhong at box-office director naman si Cathy?

"Si Direk Cathy, Ithink sa dalawang pelikula na ginawa namin—and this is my third with her—sheknows kasi how to handle pressure."

What about her?

"Oo, siyempre ganunna rin. Nasanay ka na rin dahil hindi lang naman sa pelikula, e. Kahitsa mga shows na ibibigay sa ‘yo, may pressure talaga ‘yon. Ano siguro, insteadof focusing sa pressure, ini-enjoy na lang namin yung trabaho, yung working relationship,yung camaraderie. Kasi magaan sa set, masaya, walang iringan, walang tensiyonmasyado," pagtatapos ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN