Rose Flaminiano files TRO against Gabby Concepcion

"Kung ano ang kailangang gawin, ginawa ko naman. Nakabaliksiya, ‘ayan, isa na siyang Gabby Concepcion. Pero all of a sudden, bakitnagkaganun? Para niya akong binasura. Bakit?" asks Mrs. Rose Flaminiano (right) in connection with her legal battle with Gabby Concepcion (left).



Nagsampa ng kaso kahapon, September 16, 2 p.m., si Mrs.Rose Flaminiano sa Quezon City Trial Court, bilang sagot sa sulat na ipinadala ni Gabby Concepcion at ng abogado nitong si Atty. Raymond Fortunkaugnay ng pagpapa-terminate ng aktor sa kanilang manager-talent contract. Umabot ang filing fee ni Mrs.Flaminiano at bayad sa lawyer ng humigit-kumulang P600,000.

Kasama ni Mrs. Flaminiano si Atty.Bonifacio Alentajan na nagsampa ng P22-million Specific Performance and Damages withApplication For Writ of Preliminary Injunction and Prayer for TemporaryRestraining Order laban kina Gabby at Atty. Fortun.

Naging emosyonal ni Mrs. Flaminiano habangini-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Napaiyak siya habang ipinapahayag ang sama ng loob kay Gabby.

"Inangat ko siya," umiiyak na sabi ng business manager,"pinuntahan ko siya sa Amerika, tumupad ako sa lahat ng kanyang gusto. Ngayon,natural, sasagot din naman ako sa parte ko.

"Kagabi, ang totoo niyan, kaya ako umiiyak ngayon, nag-usapkami with Celia Rodriguez, Daisy Romuladez, sa kanyang [Gabby's] house.Pinag-usap kami, kung ano ang problema, ganyan. Nakita ko naman ang sincerityng puso ni Gabby dun sa ginawa niya. Nag-apologize naman siya," pagtatapat ni Mrs.Flaminiano.

Hindi na raw sana itutuloy ni Mrs. Flaminiano ang demanda atpinakikiusapan niya ang abogado na bigyan pa ng pagkakataon si Gabby. Perobinigyan din naman siya ng paliwanag ng kanyang abogado na sana'y inintindi rin munasiya ng aktor bago ito nagsalita sa TV.

"Bakit daw ako na naman ang iintindi, sana raw ay inintindirin naman ako ni Gabby," saad ni Mrs. Flaminiano.


"Kung ano ang kailangang gawin, ginawa ko naman. Nakabaliksiya, ‘ayan, isa na siyang Gabby Concepcion. Pero all of a sudden, bakitnagkaganun? Para niya akong binasura. Bakit?" bulalas ni Mrs. Flaminiano habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha.

Ipinagdiinan din ni Mrs. Flaminiano na binigyan niya P11million na kita si Gabby sa mga shows na kinukuwestiyon ng aktor. From Augustto November 15 ay may confirmed shows daw si Gabby at tinanggap pa nga raw ngaktor ang mga down payment para sa mga ito noong July 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mrs. Flaminiano, marahil daw ay nakita ni Gabby angtagumpay sa Music Museum concert nito noong August 15 and 16, dahil buhat dawnoon ay napansin niyang nagbago na ito at tila lumaki ang ulo ng aktor.

"Hindi na niya ako tine-text, hindi niya sinasagot ang mgatawag ko. ‘Tapos all of a sudden sa The Buzz, sasabihin niya hinahanap daw niyaako. Ba't hindi ako makikipag-usap sa kanya? Ang dami niyang pipirmahan, angdaming mga shows na nakalagay sa kanya na inoohan, bakit hindi akomakikipag-usap? Ako yung nag-a-arrange ng mga schedule niya, siya yung ayawmakipag-usap at nasulsulan yata ng mga nakapaligid sa kanya," paliwanag ni Mrs.Flaminiano.

Nagulat na lang daw siya nang makatanggap siya ng sulat mulasa abogado ni Gabby na ipinapa-terminate ang kontrata nilang dalawa "effectiveimmediately."

"Puwede ba yun? Hindi puwede yun," deklara ni Mrs.Flaminiano.

Ito raw ang dahilan kung bakit nagsampa sila ng kaso labankay Gabby, na ang kontratang napirmahan ay dapat pahalagahan at hindi puwedengbasta-basta i-terminate.

Sabi naman ni Atty. Alentajan, "Nawa'y magsilbi itong leksiyonhindi lamang sa artista kundi sa lahat ng pumapasok o pumipirma sa isangkasulatan. Na ano man ang ating nilalagdaan, dapat igalang natin. Ke marriagecontract ‘yan o management contract, basta lumagda na tayo, bigyan natin ngkahulugan at igalang natin ang ating lagda kahit sa anumang klase ngdokumento."

Sa nasabing isinampang kaso, humihingi si Mrs. Flaminiano ng P15million actual damages, P3 million moral damages, P2 million exemplary damages,at P2 milion attorney's fee—or a total of P22 million.

At press time ay wala pang reaksiyon si Gabbykaugnay ng pagsasampa ng kaso ng business manager niya laban sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN