"I.T.A.L.Y." scores 'A' for its premiere night and 'B' from CEB

Dennis Trillo and Jolina Magdangal lead the cast of I.T.A.L.Y., which had its premiere last Sunday, and opens in cinemas nationwide, September 17.



GMA Films' I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) scored "A" forits premiere night and "B" from the Cinema Evaluation Board (CEB).

Alas-seis ng gabi ang naging call time para sa mga press nadadalo sa premiere night ng I.T.A.L.Y. noong Linggo, September 14, sa SMMegamall. Nasa mall na kasi ang karamihan ng mga artistang kasali sa pelikulani director Mark Reyes para sa live broadcast ng Showbiz Central. Nagkroon na rin ng early dinner ang mga artista at reporters sa Italianni's restaurant sa groundfloor ng Megamall.

Nandoon na sina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, MarkHerras, Eugene Domingo, at Rhian Ramos; pati na rin ang mga ibang artista na mayspecial participation sa pelikula, tulad nina Chariz Solomon at Edgar AllanGuzman.

Nandoon din ang boyfriend ni Jolina na si Bebong Muñoz na may"introducing" part pala sa pelikula at si Adel Tamano, spokesperson ngopposition at nag-artista na rin noong isang taon sa pelikulang Katas ng Saudinina Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino. May gagawin din palang pelikula si Adel parasa GMA Films.

Late na nang dumating si Dennis Trillo, na may inuna munanglakad kaya hindi na siya masyadong na-interview ng mga press dahil pinaakyat nalahat sa sinehan.

Bago dumating si Dennis, napatingin ang maraming press sapagpasok ni Juddah Paolo, dating miyembro ng Star Magic ng ABS-CBN, at inakalana kasama sa pelikula. Nagkataon palang doon kakain ang pamilya niya at nagulatpa siya sa dami ng press na nandoon kung kaya't nag-iba na lang sila ngrestaurant.

Nang makapasok na ang halos lahat ng press sa Cinema 9, punona ang taas at ibaba. Okupado ng mga fans ang De Luxe section at naka-ready angkanilang mga posters at tarpaulins para sa kanilang mga idol. Pinakamarami angmga fans club ni Jolens, at sumunod ang kay Mark. May nakita rin kaming tarpaulinpara kay Dennis at kay Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa premiere din ang mga konektado sa Kapuso Network: mga production managers na sina Rams David at Hazel Abonita, Executive Producer Helen Sese, at Associate Producer Michelle Borja.

Unang pumasok sa sinehan ang mga artista ng GMA-7 na hindi kasamasa pelikula ngunit pinagkaguluhan din: ang magkasamang Raymond Gutierrez atBubbles Paraiso, si Iza Calzado at ang boyfriend niyang si Jerry Garcia, atsina Yasmien Kurdi at Dingdong Dantes na parehong solo na dumating. Namataandin namin sina Direk Joyce Bernal at John "Sweet" Lapus.

Nang magsipasukan na ang mga cast, kasama nila si MarvinAgustin na isa rin sa nakatanggap ng malakas na sigawan. Sa opening credits ngpelikula, may special participation pala siya rito na hindi kailanmanna-announce.

Malugod na tinanggap ng audience ang pelikula. Napakalakaspa rin ng hatak ng tambalang Jolens-Marvin na isa sa may pinakamalakas nahiyawan sa bandang huli ng pelikula. Pinatunayan nina Jolens, Rufa Mae, atEugene Domingo na kagat ng audience ang kanilang magkakaibang klase ng pagpapatawa.

Lumutang ang pagiging leading men nina Dennis at Mark sapelikula. Kung nangingibabaw man ang mga hindi magagandang balita kay Rhian,hindi maipagkakaila na bukod sa ganda ng rehistro sa screen ay marunong talagaitong umarte.

Martes ng hapon, September 16, nakatanggap ng balita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) mulakay Noel Ferrer ng GMA Films na binigyan ng grade na "B" ng CEB ang I.T.A.L.Y. for it's "positive values and highlyentertaining story."

September 17 ang opening ng pelikula sa lahat ng sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN