Bebong Munoz and Jolina Magdangal not pressured by persistent "Kailan ang kasal?"

"Nagtataka lang ako, bakit minamadali? Angtagal na namin, pero in reality kasi, ngayon lang kami naging magkasama nungumuwi ako, sandaling panahon pa lang yun. Most of the time, long distance, e.So mas magandang mag-enjoy muna kami," explains Bebong Muñoz about persistent questions on his and girlfriend Jolina Magdangal's wedding date.



Kapag napag-uusapan ang relasyon nina Jolina Magdangal atBebong Muñoz, ang madalas na nai-interview at sumasagot ay si Jolina. Siyakasi ang artista, kaya mas madaling mahagilap at makausap ng entertainment press.

During the successful premiere night of GMA Films'I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) last September 14 sa SM Megamall Cinema 9, naroon si Bebong bilang suporta kay Jolina at may special participationdin siya sa movie. "Introducing" ang billing ni Bebong sa naturang pelikula (showing today, September 17).

Kaya sinamantala na ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ang pagkakataon na ma-interview si Bebong. Sinabi ni Bebong sa PEP namag-i-stay na siya for good dito sa Pilipinas kasama si Jolina. Kung babalikman siya ng States, for certain business purposes na lang daw.

"Sinabi ko rin naman noon na gusto ko ring dito saPhilippines ko talaga plan magkaroon ng family. Yung nangyari kasi noong umuwiako ‘tapos nag-election, parang doon na-focus, e, parang ‘yon ang gagawin ko.Pero siyempre, that's one step I needed to do kasi I must have a job here. So,dito pa rin ako sa Philippines maghahanap ng trabaho para magkasama na rin kamini Jolina dito," wika ni Bebong.

Parang naiba yata ito sa naging plan nila before na siJolina ang mag-stay sa States?

"Kasi alam kong mas masaya siya dito kesa doon. Sabihin nanating, like yung sa concept ng I.T.A.L.Y., na parang long-distancerelationship. Kasi nangyari na sa amin ni Jolina yun, e, so ayoko nang maulitpa ‘yon," paliwanag ng kasintahan ni Jolina.

WEDDING TALKS. Marami na ang nagtatanong, kailan na ba talaga silamagpapakasal ni Jolina?

"Wala kaming date, e, pero sobra kaming excited," sagot niBebong. "Ako, meron akong range, e, gusto ko sana, kumbaga sa pusoy, namumurona. Noong umuwi ako galing States, yun na talaga ang gusto ko. Pero, siyempre,inire-reestablish ko ulit yung sarili ko sa Philippines, di ba? So yun anginaasikaso ko muna. Ngayon, medyo reestablished na ako ulit, so puwede nangyung kasal naman namin ang pagtuunan ko ng pansin. Pero talagang wala pangdate. It's just masaya talaga kami together now. It's a good decision for me tocome home."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-propose na ba siya kay Jolina?

"Hindi pa," ani Bebong. "Yung formal, hindi pa, wala pa. Napag-uusapan narin namin, e, kasi yun naman talaga ang gusto namin. Pero kung natatandaann'yo, the first time na nag-share siya sa public about our relationship, parangthree or four years na yata kami. Ngayon, nasa eight years na kami.

"Talagang we take time doon sa mga decisions namin parasiguradong matibay. Kaya minsan kapag tinatanong ako ng ‘Kailan ba?' parang mayinsinuation na, ‘Bakit ang tagal mo? Parang hindi mo yata gagawin.' Perokailangan hindi ka ma-pressure doon, kasi we know what the plan is. Angmahalaga yung intentions n'yo naman talaga, e.

"At saka in the end, kapag nangyari na, yun angpinakamagandang bagay na mangyayari sa amin ni Jolina. Sa tingin ko, we're onthe right track. Ako, hindi lang ako nagsasabi ng date. Pero meron na kong rangein my mind."

Dagdag pa niya, "Nagtataka lang ako, bakit minamadali? Angtagal na namin, pero in reality kasi, ngayon lang kami naging magkasama nungumuwi ako, sandaling panahon pa lang yun. Most of the time, long distance, e.So mas magandang mag-enjoy muna kami."

Hindi ba siya nakukulitan sa paulit-ulit na tanong kungkailan nga ba sila magpapakasal?

"Alam mo minsan nga parang gusto ko nang matapos yung usapinabout sa kasal-kasal. Kasi every time na nai-interview si Jolina, yun na langlagi ang tinatanong, kung kailan. Hindi na tuloy napag-uusapan yung ibangmagandang bagay about her. For example, like itong I.T.A.L.Y., maganda talagayung movie. Pero kapag nagge-guest siya, yung kasal ang laging natatanong, diba?"

THE CRUISE. Ano ang sweetest thing na nagawa ni Jolina para sa kanya?

"Marami. Pero ang gusto kong mas pag-usapan yung magkasamakami sa cruise. Ang pinakamaganda doon yung magkasama kasi sa breakfast. Atsaka wala man ako talagang role sa movie, may participation naman ako. Kaya ngasabi ko kapag pinanood mo yung movie, hindi mo mahuhulaan yung ending. Angakala kasi ng mga tao, love triangle ito nina Jolina, Dennis [Trillo], and Rufa Mae [Quinto], e.Well, yes, pero magugulat sila sa ending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking bagay yung magkasama kami sa cruise. Kung anumangstress yung nararamdaman niya during the shooting, ako ang nagtatanggal ngstress niya. At ganun din siya sa akin. Kaya na-enjoy namin talaga yungmagkasama kami sa cruise," lahad ni Bebong.

During the cruise, may bago ba siyang na-discover kayJolina?

"Wala namang bago. Mas na-confirm lang namin na masayatalaga kami kapag magkasama. Okay talaga."

Magkasama ba sila the whole cruise?

"Hindi ko tinapos yung cruise. Nauna na akong umuwi. Kasimay mga kailangan akong asikasuhin. Eight days lang akong nakasama sa cruise.More sa Barcelona, yung days na yun."

Samantala, ibinahagi rin sa PEP ni Bebong na meron na rawsilang titirhang bahay after their wedding.

"Hindi na ako nagpagawa, pero meron na kasi kamitalagang bahay na titirhan. If it happens, if we need a family home, meron nakaming uuwian. Ise-share na lang namin when the time comes. Everything is allset," paniniguro ni Bebong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN