John Lloyd Cruz plays another challenging role in "Maalaala Mo Kaya"

"Marami pa po akong dapat na matutunan. Palagi ko nga pong sinasabi, you never stop learning in acting.Magaling ka lang sa huli mong nagawa. Pero ang importante kasi, yung susunod,yung consistency para sa akin....," says Johh Lloyd Cruz about being praised for his intensity as an actor.



Maituturing na taon ni John Lloyd Cruz ang 2008 dahil salahat ng magagandang nangyayari sa kanyang showbiz career. Bukod sa sunud-sunodna projects niya, both in television and movies, ay ang mga parangal nanatatanggap niya bilang Box-Office King at Best Actor.

Kahapon, September 16, ay nagpatawag ng press conference angStar Magic para kay John Lloyd. Pasasalamat na rin daw ito ni John Lloyd sasunud-sunod na blessings na natatanggap niya at para na rin sa pagbabalik niyasa Maalaala Mo Kaya, na mapapanood sa Sabado, September 20.

Dahil marami ang pumupuri sa husay ni John Lloyd sapag-arte, aware ba siya sa sinasabi ng iba na isa siya sa finest actors ngkanyang henerasyon?

"Marami pa po akong dapat na matutunan," sagot ni John Lloyd. "Palagi ko nga pong sinasabi, you never stop learning in acting.Magaling ka lang sa huli mong nagawa. Pero ang importante kasi, yung susunod,yung consistency para sa akin. Now, kung kaya kong maging consistent, e,masaya, nakakatuwa. Pero kapag naabot ko na yung point na okey na ako, magalingna ako, wala na kong dapat patunayan pa, then I have a problem."

Dagdag niya, "It's always good na ma-appreciate mo angmagagandang salita na sinasabi ng mga tao tungkol sa trabaho mo. It's alwaysgood to appreciate your efforts, pero hanggang doon lang. Mas hinahanap ko kungano ang kulang, kung ano ang mali, at yun ang tinatrabaho ko."

CHALLENGING ROLE. Sa special episode ng Maalaala Mo Kaya this Saturday, JohnLloyd will play a role na first time pa lang niyang gagawin. Isang baliw angrole na gagampanan ni John Lloyd at si Alessandra de Rossi naman ang gaganap bilang asawa niya.

Ayon kay John Lloyd, ang pagmamahal ng Alex character sa asawa nito ang greatest lovena nalaman niya sa isang mag-asawa. Si Jeffrey Jeturian ang nagdirek ng episode ninaJohn Lloyd at Alex.

All praises din si John Lloyd kay Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Alex kasi, iba siya, e. Ewan ko, pero kakaiba siyangartista. In an instant, she can be prepared, she can be ready. Although,magkaiba kami ng approach kasi parang ako, hindi ko yata kaya yung ganoon. Peroyung trabaho na kasing-bigat, kung paano ko ginawa yung character, napagaandahil siya ang kasama ko.

"Kahit na ganito kabigat ang episode, we managed to laugh onthe set. Nakakapagbiruan. Sa staff, sa assistant director namin. Masaya, and Iwould love to work again with Alex," saad ni John Lloyd.

During the press conference, ipinakita ang full trailer ngepisode ni John Lloyd sa Maalaala Mo Kaya, at ramdam na ramdam kaagadang intensity ng kanyang pag-arte. Hindi nakaligtas sa paningin ng PEP(Philippine Entertainment Portal) na tila naapektuhan si John Lloyd habangpinanood ang trailer. Halatang naging teary-eyed ang young actor.

"First time ko kasi na makita ang trailer. At saka, di ba,kapag gumagawa ka ng trabaho sa TV, kapag pinagtagpi-tagpi na siya at pinanoodmo na nang diretso, doon mo lang siya naa-appreciate? At saka, siguro, nandoon payung puso ng character sa akin. Sobra akong naniniwala sa istorya nila, naganoon talaga ka-beautiful ang love story ng dalawang taong ito," paliwanag niJohn Lloyd.

"I wouldn't know kung ito na ang best MMK ko. Ang alam kolang, sana hindi ito ang last," nakangiti niyang sabi nang tanungin kung sapalagay niya ay ito na ang the best na MMK episode na nilabasan niya.

Tinanong din ng PEP si John Lloyd kung ano ang pakiramdamniya na sa kanya, at iba pang malalaking bituin ng ABS-CBN, inilalaan ngMaalaala Mo Kaya ang mabibigat na role, mga acting piece talaga.

"Well, siguro, ano lang naman...kung ano yung ipinapakita monginteres. Alam kasi nila kung ano yung interes namin. Kung gaano kami kauhaw samga ganitong material; so, hindi nila kami nakakalimutan. Nang dahil doon, sobrakaming nagpapasalamat na hindi nila kami nakakalimutan ng MMK team. Na kapagmeron silang magandang materyal ay tinatanong nila kami. Siyempre, maraming-maramingsalamat. Pero marami rin diyan na magagaling na artista na karapat-dapat namakakuha ng mga ganito kagagandang material," pahayag ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang paghahanda sa kanyang role bilang baliw, John Lloydstayed in a mental institution. Aniya, "Alam n'yo, kung ako ang papipiliin, kung may maluwag langna schedule ko, I would have wanted to do an immersion. Kasi isa yun sana-discover ko. Yung mga baliw pala sa ward, like for example kung ang nanay kobaliw, puwede kong bantayan ang nanay ko sa loob ng ward. So puwede, it's safedaw although medyo nakakatakot. Pero, puwede siyang gawin.

"Yun sana ang gusto kong gawin para makuha ko ang mganuances nila. Pero tingin ko, bitin, bitin ang preparation ko. Sana mas nagawako siya at mas nabigyan ko siya ng panahon," lahad niya.

MOVIE WITH ATE VI. Consistent pa rin si John Lloyd sa pagsasabing kung may isasiyang gustung-gustong gawin ay ang pelikulang pagsasamahan nila ng Star For AllSeasons na si Ms. Vilma Santos. May hawak na raw siyang script, pero hindi paniya ito nababasa.

"Meron akong hawak na script pero sabi ni Inang, ni DirekOlive Lamasan, huwag ko na raw basahin. I think babaguhin. Parang iba na yataang concept. Parang babaguhin yata."

Isang gay role ang gagampanan ni John Lloyd sa pelikula niAte Vi. Kaya niya ba tinanggap ang role na ito ay dahil isa na naman itonghamon sa kakayahan niya bilang aktor?

"Well, I think it's about time na makagawa ako ng mgaganitong character. Kanina nga, may mga naririnig na tayong nagsasabi natechnical acting... Well, yun din kasi ang hirap kapag TV, pelikula,doble effort. Pero salamat din sa kanila. Kasi doon ka mabubuhay, kung walangganyang puna, baka maging complacent ka naman," saad niya.

BOX-OFFICE KING. Sa ngayon, masasabing hawak pa rin ni John Lloyd ang titulongBox-Office King dahil ang pelikula nila ni Sarah Geronimo na A Very SpecialLove ay showing pa rin hanggang ngayon at nasa ika-pitong linggo na ito. Ano angmasasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang alam ko, doon sa malapit sa aming sinehan, showing parin," masayang sabi ni John Lloyd. "Natutuwa ako, lalo na doon sa mga sinehanna nagbalik ng pelikula namin sa mga kani-kanilang sinehan.

"Natutuwa ako doon sa mga taong hindi lang isang besesnanood. Sa mga taong nanood nang paulit-ulit dahil kayo po ang bumuhay sapelikula namin. Napakasimple ng istorya namin, napaka-common. Pero dahilnapasaya kayo, napakilig kayo, ikinuwento n'yo sa iba, at yung ibang taong yun, ikinuwento sa iba. Kayo po, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.

"Itong success na meron ang A Very Special Love ayisang success na hinding-hindi namin inaasahan. Pero hindi namin siyainaasahan, pero ito ang inaasam-asam namin, hindi lang namin alam," maykasiyahan niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN